Chapter 12 ❤️

270 13 1
                                    

Sorry guys kung medyo O.A ang mga drama dahil sa totoo lang mas heavy pa yata ang drama dito kesa sa isa ko pang story -____- HAHAHA. Pero just for you guys, gagalingan ko! Kamsa~

--

IVAN POV

Hindi ko alam kung papaano ko ilalabas ang lahat ng sakit na nararamdan ko. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit.

Patuloy na tumatakbo sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Zinnia kanina sa studio ni Lance lalo na ang pag sang ayon ni Ash at ang pag iyak niya ng tuluyan sa harapan ko. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit pero mas minabuti ko nalang na umalis.

"mas mabuting pag usapan niyo muna yan....." panay ang bigay saken Gio ng mga payo "it's either you'll talk to them both"

Sinundan niya ako hanggang sa makarating kami dito sa parking lot. Binuksan ko na ang pinto ng driver's seat.

"Wag mo nalang akong pakialaman" sabe ko sa kanya.

Biglang dumating si Lance. Hingal na hingal siyang tumigil sa harapan nameng dalawa.

"Si Ash........." naputol pa ang sasabihin niya dahil hinahabol pa niya ang paghinga niya. "Nawalan ng malay si Ash"

Isinara kong muli ang pintuan ng kotse ko. Gusto ko sana siyang punthan pero sa tingin ko ay wag muna.

"Ok lang ba siya?" tanong ni Gio.

"Iuuwi na yata muna siya ni Clyde"

Binuksan ko muli ang kotse ko. "O Ivan, saan ka pupunta?" tanong saken ni Gio.

"Kahit saan" walang gana kong sabe. "Nandyan naman ang mga kapatid niya para sa kanya."

Hindi ko na hinihintay pang magsalita muli si Gio dahil hanggat kaya niya akong pigilan ay pipigilan niya ako. Hindi ko alam kung saaan ako pupunta basta ang gusto ko ay mapag-isa muna. Gusto kong mag isip. Inaamin kong nasaktan ako at alam kong masakit din ito para kay Ash. Dahil ganito din ang nangyari sa kapatid kong si Kiera.

"Ano?!" gulat na gulat si Kiera ng sabihin ko sa kanya ang lahat. "You mean si Ash? at si Dale?"

Tumango ako. Nandito kami sa labas ng gate ng school nila. Hindi kasi pwedeng pumasok ang outsiders katulad ko na taga kabilang school. Though Kai is the son of the owner of their school, sumusunod din siya sa rules and regulations.

"What should i do?". Napapikit nalang ako. "I don't want to lose her Kiera. I swear, I don't want"

Tinap ni Kiera ang balikat ko. "Magka-iba ang situation namen ni Ash. Alam mo kung ano ang pinagdaanan namen ni Kai before Mom and Dad agree with us. Kung wala akong sakit you think, kami pa din ni Kai ngayon?"

"So that's the idea you want me to do?" tanong ko sa kanya.

Binatukan niya ako. "Ang tanga mo talaga kahit kelan" Tumingin siya sa relos niya. "May klase na ako. Umuwi ka na"

Siya ang nagbukas ng pinto ng kotse. Tinulak niya ako hanggang sa makapasok ako. Hindi na ko nagsalita.

Saan ako pupunta? Ayoko ng bumalik sa school. Bigla kong naisip si Ash.... Ok na kaya siya? Siguro, but mentally hindi. Pinaandar ko na ang kotse. Bahala na kung saan ako dalhin ng sasakyan na ito. Pinatay ko na din ang cellphoneko, panay ang tunog nito.Maraming missed calls at text mula sa mga kaibigan ko. Pero ni isa sa mga texts nila ay hindi ko binasa.

Bakit si Dale? Ang dami namang pwede, bakit siya pa? Dahil ba simula pagkabata magkasama na sila? Magkaibigan ang families nila? Damn!! Halos kapatid na ang turing ko kay Dale kaya hindi ko lubos matanggap na pumayag si Dale sa kasunduang yun.

The Way We WereWhere stories live. Discover now