Kabanata 37.

1.3K 55 0
                                    

Kabanata 37.

"Congratulations, Maine." Bati sa akin ni Ella habang papalapit sa akin.

Sinalubong ko siya ng yakap, kagaya ako pulang pula din ang kanyang mata dahil sa pag iyak.

"Congratulations, bro, finally." Napatingin ko kay Bernard na ngayon ay papalapit na kay Richard.

"I'm so happy for you Maine, lalo na para kay Yana." Bulong sa akin Ella.

"Masaya din ako." Tugon ko sa kanya. "Salamat Ella, sa lahat. Isa ka sa dahilan kung bakit ako masaya ngayon. I love you."

Kung hindi dahil sa kanya at sa lahat ng tulong na ginawa niya sa akin, sa pag sama niya sa lahat ng mga pag subok ko sa buhay, sa pag iintindi at pakikinig sa akin, hindi ko lahat malalagpasan ng lahat ng hinto, siguro hanggang ngayon namumuhay pa rin ako sa kadiliman, puot ng nakaraan at kalungkutan. Our friendship is build in thick wall, na ang naging pundasyon ay ang amin naging karanasan sa buhay na, mga pinag samahan saya at lungkot na lalong pinag tibay nang tiwala at pag mamahal namin sa isa't Isa hindi lang bilang mag kaibigan kundi bilang magkapatid. Nawalan man ako ng magulang, binigyan naman ako ng Dios, nang isang Tao na gagabayan ako sa tamang daan at sasabayan ako sa pag lalakad.

"I love you too, Maine." Umiiyak niyang sabi.

Humiwalay ako sa pag kaakap sa kanya at pinunasan ang kanyang luha.

"Iha, Congratulations." Nabaling ang akin atensyon sa mommy ni Richard ng lumapit ito sa akin ng nakangiti.
"Masaya ako para sa inyong dalawa ng anak ko." Maligaya niyang sabi.

"Salamat po Ma'am."

"Mama Rio, na lang iha, parte kana ng pamilya namin." Pag tatama nito sa akin.

Nahihiya akong ngumiti. "Maraming salamat M-mama Rio." Kinakabahan kong sabi.

"Better." Malumanay niyang sabi at staka niyakap ako.

"Congratulations anak. Ginulat mo kami ng Mama mo, or should I say ginulat mo kaming lahat." Natatawang sabi ng kanyang Daddy.

Tumawa si Bernard habang buhat buhat si Yana. "Kami lang ni Baby, Yana ang may alam ng Plano nang Daddy niya Tito." Mayabang na sabi nito. "Di ba Porky?" Tanong niya sa aking anak.

Yana giggles. "Yes!" Sigaw nito at natawa naman kami.

Lumapit si Mama. Rio kay Richard habang ang Daddy naman niya ay nag lakad papalapit sa akin. "Hija, Congratulations, sa inyong dalawa, I'm your Daddy Richard." Pag papakilala nito sa akin.

"Maine po Tito." Pagpapakilala ko at staka kinuwa ko ang kanyang kamay para mag Mano.

"Kaawaan ka ng Dios iha."

"Finally, na kilala kana rin namin. I heard so much about you, lagi kang ikinu-kwento ng anak ko sa amin." Napatingin ako kay Richard na ngayon ay nakuwa ang atensyon dahil sa sinabi ng kanyang ama. "Tuwing tumatawag siya sa amin, ikaw ang topic namin. Kaya lalong naging curious nag Mama.Rio mo sayo." Dagdag nito.

"Daddy, wag mo naman akong ibuko, baka isipin ni Maine na patay na patay ako sa kanya." Saway ni Richard sa kanyang Daddy.

Tinaasan siya ng kilay ng kanyang Daddy habang natatawa.

"Bakit hindi ba?" Sabay sabay nilang sabi sa kanya.

Natawa kaming lahat. Ngumuso si Richard habang nag kakamot ng ulo, para tuloy siyang limang taon gulang na nahihiya.

Nag patuloy ang amin kwentuhan habang kumakain kami, napag alaman ko na, lagi palang nakakausap ni Yana ang kanyang lolo't lola, base sa kwento ni Ella at Richard. Ipinakilala niya si Yana sa parents niya thru video call, noon wala ako sa tabi ni Yana, nung araw din ninyo nalaman ng kanyang magulang na, may anak siya at lalo pa nilang ikanagulat na si Yana ang bungga ng nagawa niya sa akin.

Lie To Me! (Completed.)Where stories live. Discover now