Kabanata.40.

1.7K 59 3
                                    

This is the last chapter of Lie to Me. Thank you so much for reading all The way here. (Kahit alam ko na masyodo kayong nasaktan sa ibang kabanata.) Next is Wakas kung saan mababasa niyo ang POV ni Richard

Kabanata 40.

Tahimik kong pinapanuod ang mga nag gagandahan tanawin habang bumabyahe kami.

Napatingin ako kay Richard na tahimik at seryoso ang mukha habang nag mamaneho.

Last night, hinayaan ko lang siya magkapag isip na mag Isa, dahil alam ko iyon ang kailagan niya. Pero gayon pa man alam niya na andito lang ako para suportahan siya, at willing makinig sa kanya.

It's my time to help. Help me to forgive and move on for the past, ako naman ang tutulong sa kanya katulad ng pag tulong niya sa akin, knowingly and unknowingly para mapatawad ko ang aking sarili at mama usad sa nakaraan.

Maaga kaming nagising na dalawa para, puntahan ang sinsabi niya, na matagal niya nang dapat ginawa para makausad siya. He didn't tell me, kung saan kami pupunta, at hindi ko na rin siya tinanong pa.

Napatingin ako sa kanya ng dumaan kami sa pamilyar na lugar, lalo pa ako nagulat ng dumaan kami sa batong arko, ng isang bayan dito sa cebu, kung saan ako lumaki, napatingin ako sa kanya.

His eyes meet mine, malungkot siyang ngumuti. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinawakan ito, tahimik kong tinignan ang kulay berdend tanawin papasok sa bayan kung saan ako lumaki.

"Wala pa rin pinag bago ang lugar na ito, simula nung lumipat kami sa maynila." Muli akong napalingon sa gulat dahil sa kanyang sinabi.

"What to you mean, Richard?" Nakakunot noo kong tanong. "Dito ka rin ba lumaki sa, talisay?" He nodded.

Nakaawang na lang ang labi ko sa gulat, ilang minuto pa bago ako nakabawi.

"I can't believe this." I signed.

"Akala ko tiga maynila ka talaga, at napadpad ka lang dito sa cebu nung nangyare yun, akala ko nag babakasyon lang kayo dito nila Ethan." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Papakasalan kita na ang tanging ko lang alam sayo, ang pangalan mo at ang nakaraan mo, atleast kahit papano nakilala ko ang parents mo." Umiiling kong sabi.

Inihinto niya ang kotse sa gilid at tinignan ako.

"We have a lifetime baby, para makilala ang isa't isa." Nakangiti niyang sabi. "At uumpisahan natin ngayon."Hi, I'm Richard Reyes. Faulkerson Jr, 26." Dinala niya ang aking kamay sa kanyang labi.

Sa ayos ko ngayon na, hindi mapigilan ang pag ngiti, habang malagkit ang tingin niya sa akin, habang hinahalikan ang akin kamay, para akong teenager, na nakita ang crush sa hallway ng eskuwelahan.

His simple gesture made my stomach twist.

Umayos siya ng upo, habang nakatingin pa rin sa akin, kinagat ko ang aking pangibabang labi para mapigilan ang kabaliwan.

Peke akong umubo. "H-hi, I'm Nicomaine dei Capili. Mendoza, 24." Kumawala ang ngiti sa akin labi, nahihiya akong inilagay ang takas na buhok sa aking tenga at staka yumuko.

Seriously Mennggay, magpabebe ba.
Pagalit ko sa akin sarili.

He hold my chin using his index finger, inianggat niya ito. "You know, you're cute when your shy." Aniya at mabilis akong pinatakan ng halik sa labi.

Nag patuloy kami sa byahe, makaraan ng ilang minuto, tumigil kami sa bayan, kung saan ako lumaki.

Hindi na ako mag tataka bakit niya nalaman kung saan ako nakatira at lumaki, sa trabaho niya pa lang bilang pulis, madali sa kanyang malaman ang mga gentong bagay.

Lie To Me! (Completed.)Where stories live. Discover now