Chapter 14

6 0 0
                                    

Please Don't Leave Me

My heart says 'don't give up'. I thought of asking the nurse about the patient.

"Nurse, nasaan na po ang pasyente rito?"

"Nakagising na po ang pasyente, may phone call pong dumating at dumating ang isang chopper na nandoon po ngayon sa rooftop", napahinga ako ng malalim ng malamang hindi pa huli ang lahat. Kaagad akong tumakbo paakyat ng rooftop.

May kutob akong aalis siya at hindi ko kakayanin ang umalis na hindi man lang niya nalaman na mahal ko siya.

Nang makarating ako sa rooftop ay nakita ko siyang nakahiga sa stretcher.

" Wait! Andre!" Sigaw ko para marinig niya ako.

Sumenyas siya sa nagtutulak ng stretcher na tumigil muna. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"First of all, I want to say sorry for what I've done. Please forgive me Andre." Nang sabihin ko yun ay unti - unting magtubig na naman ang mga mata niya.

"Okay lang, pinapatawad na kita", halata sa boses niya na mahina na talaga siya.

"Pwede bang huwag kang umalis? Pwede bang huwag mo akong iwan dito?", pagmamakaawa ko sa kanya at tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Ethan, you know that I love you so I'll now set you free, and I think it's the best gift I can give, now that I'm leaving. May you find love—"

"You're now setting me free, but what if I'm the one who's not going to let go. Will you consider that Ma?"

"Ethan, I'm going to US, may sakit ako at ayaw kong maging miserable ang buhay mo dahil sa'kin", nakita kong gumuhit ang mga luha sa pisngi niya agad ko iyong pinalis.

"Ang hindi mo alam ay magiging mas miserable ang buhay ko pag wala ka dahil mahal kita, Dre. Mahal na mahal kita", sabi ko at mahigpit na hinawakan ang kamay niyang may dextrose.

"Please. Let's face this together. If you're going to US then I'll go too." Naluha siya sa sinabi ko ngayong nalaman niya na mahal ko siya." Palagi mo na lang iniisip ang kapakanan ng iba at oras ko na para isipin naman ang kapakanan mo."

Hinigpitan ko pa ang paghawak ko sa kamay niya. "Please, D-dre. Huwag mo akong iwan, please." Humihikbi na ako ngayon sa gilid niya.

"Ethan?", napalingon ako sa nagsalita.

"Fer? Fer, pwede bang huwag nalang kayong umalis? Inamin ko na, inamin ko na sa kanya na mahal na mahal ko siya", nakaluhod ako ngayon sa harap niya.

Napalingon ito kay Andre at napangiti na lamang si Andre. Kinuha niya ang cellphone niya.

"Ma, naka set ka na ba ng appointment sa doctor ni kambal?", narinig kong tanong niya rito.

Matapos ang tawag ay binalik na niya ang cellphone niya sa bulsa.

"Dre, mom said that she already cancelled the appointment because it will be dangerous for you to travel in this state. Right now, she's requesting the doctor if she can pay you a visit here for your transplant and treatments.", sabi ni Fer kay Andre.

Ngayon pa lang ay masaya na ako na makakasama ko si Andre rito.

Agad niyang ine request ang mga nurse na ibalik na lang muna si Andre sa ICU.

Naka sunod lang ako sa stretcher niya at pinagmamasdan lang siya habang nakahiga sa stretcher at mahina na ang katawan.

Nang mailipat siya sa room ay agad kong hinawakan ang kamay niya at hinalikan iyon.

Nahiga ako sa gilid ng kama niya at nararamdaman ko ang kamay niya na hinahawakan ang buhok at sinusuklay ito.

"Dre, sorry nga pala sa ginawa ko, I di--"

"Shh, wala kang kasalanan," mahina niyang sabi sa akin. "Ako ang may kasalanan dahil nag- asume akong mahal mo ko, hindi ko alam na siya parin pala," sabi niya pa sa akin at tumulo ang mga luha niya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"May dapat kang malaman..."




~~~~~~~~~~
Don't forget to like, comment and share my dear readers. Maikli lang itong chapter na 'to kase medyo lutang pa yung isip ko hehehehe. Pero ngayon nakapag desisyon na po ako na ipagpapatuloy ang story na 'to, hope you like it. Love you all and God bless♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Bad Boy Learns To LoveWhere stories live. Discover now