Kabanata 8

11.4K 308 11
                                    


Pointless

Dahan-dahan bumangon si Rachel mula sa kaniyang pagkakahiga. Napatingin siya kay Paul na mahimbing pa ang pagtulog. Tumayo na siya dahil itutuloy na niya ang kaniyang binabalak kagabi na paghahandaan niya ng almusal si Paul.

Bumaba na siya at mukhang hinihintay na siya ng mga katulong, sa kaniyang palagay ay bibigyan siya nito ng tulong. Hindi niya man alam kung magugustuhan ni Paul ang kaniyang iluluto pero gusto niya lang talaga ipagluto si Paul. 

She wants to be the best wife she could be, kahit isang taon lang naman silang magsasama. Habang nagluluto siya ay hindi niya mai-alis ang ngiti sa kaniyang mga labi na para bang nasasabik sa pagtikim ng kaniyang tinuturing na asawa. 

Alam niyang hindi madaling kuhanin ang loob ni Paul dahil masyado na siyang nabalot ng kadiliman ng kaniyang puso, pero umaasa siyang sana talaga ay bigyang pansin ni Paul ang kaniyang pinaghirapang ilutong pagkain.  

Inilapag na niya sa lamesa ang omelet at vegetable, sinalinan niya na rin ng fresh milk ang baso. Ang hinihintay na lang niya ay ang pagbaba ni Paul. Naglakad siya papuntang hagdan para ro'n hintayin si Paul. 

Hindi niya alam kung ano nga ba ang gagawin niya or kung paano siya aakto sa harap ni Paul. Kinakabahan din siya na nae-excite sa kung ano ang magiging reaction ni Paul kapag natikman na ang niluto niya.

Imagination

Pagbaba ni Paul ay yayakapin niya ito at aayain kumain. Tititigan muna ni Paul ang kaniyang mukha bago isubo ang piraso ng omelet, at unti-unting mapapangiti si Paul dahil sa niluto ni Rachel.

"Wow! ang sarap! Ikaw na talaga ang dapat kong mapangasawa!" sabi ni Paul at tuwang-tuwa.

Halos magtatatalon si Rachel dahil napangiti na niya si Paul at na in love pa sakaniya si Paul at sakaniyang niluto.


Nagising ang diwa niya nang narinig niyang sumarado na ang pintuan sa itaas. Dali-dali niyang inayos ang sarili niya at inihanda ang matamis niyang ngiti. 

"Hi Paul! Good morning, tara kain na tayo." sabi niya pero hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ni Paul.

Dinaanan lang siya ni Paul at dumiretso sa dining area kaya bahagya siyang tumakbo para mahabol si Paul. Umupo si Paul sa gilid na bahagi ng lamesa.

"Paul, ito ang inihanda kong pagkain para sa'yo. Tikman mo na." sabi ni Rachel at nakangiti.

"Manang, paki lutuan po ako ng omelet atsaka ng bacon." sabi ni Paul at kinuha ang cellphone niya.

Natigilan si Rachel sa sinabi ni Paul kaya nagsalita ulit siya upang mabasag ang katahimikan. 

"Paul, walang lasa itong omelet na ito atsaka ito na rin 'yung fresh milk na gusto mo." sabi niya habang nakangiti pa rin.

Matalim siyang tiningnan ni Paul, "You can eat it, I won't eat anything you will cook so stop wasting your time. It's pointless." sabi ni Paul at umiwas ng tingin.

Kumurap siya nang ilang beses para mapigilan ang pagtulo ng luha, hindi niya alam kung bakit siya naiiyak pero bumibigat ang pakiramdam niya. Ilang araw pa lang silang magkasama ni Paul pero parang sumusuko na ang kaloob-loob-an niya. 

"Ayaw mo ba ng-" napatigil siya nang pumiyok ang kaniyang boses. Huminga siya nang malalim, "Ayaw mo ba ng mga ginawa ko para sa'yo." sabi niya.

"I won't waste my time explaining, I just dislike you." sabi ni Paul. 

Nang dumating na ang pagkain na ipinaluto ni Paul ay kumain na ito.

"Ah......okay." sabi ni Rachel.

Dahan-dahan siyang tumango at hinubad ang apron niya. Hindi niya alam kung saan pupunta kaya dumiretso nalang siya sa garden, sa pagkakataon na ito hindi na niya napigilan ang nararamdaman.

Ibinuhos niya ang luha niya. Iniisip niya kung may mali ba sakaniya, kung kilala na ba siya ni Paul para husgahan siya? Talaga bang huhusgahan ka muna kahit hindi ka pa naman kilala ng lubusan, does our world revolves on that belief?

The Different sides of Euphoria | ✓Where stories live. Discover now