Kabanata 10

12.5K 308 31
                                    




           

Kevin

Tinitigan ko ng mabuti ang cellphone ni Paul, kinuha ko ito. Pipindutin ko n asana ang answer button nang biglang may pumasok sa kwarto kaya napalingon ako.

"Ah Paul, may tumatawag sa'yo." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin bagkus ay kinuha niya lang ang cellphone niya at dali-daling lumabas ng kwarto.

Sino naman kaya iyon? Bakit naman gano'n ang pangalan parang codename or something.

Humiga lang muna ako sa kwarto at nag-cellphone . Alas nuebe na nang naisipan kong bumaba at naririnig ko pa rin ang mga tawanan ng mga kaibigan ni Paul sa labas kaya naisipan ko nalang lumabas dahil naboboring talaga ako ng sobra.

Katulad kanina natigilan silang lahat, "Oh anjan na pala 'yung Misis mo." Sabi ni Kevin at mukhang inaasar pa si Paul.

"Crush mo 'ko Kevs? Asar ka nang asar eh." Sabi ni Paul.

"Bakit ka pala napababa rito?" sabi ni Bernard sa'kin.

"Wala lang, naboboring kasi ako sa kwarto kaya naisipan ko nalang na makihalubilo rito sainyo tutal wala naman sigurong magaganap na touchy or ano man kaya why not?" sabi ko at ngumiti.

"Matalino 'tong asawa mo pre, Kakaiba." Sabi ni Kevin habang nakatitig sa'kin.

"You know why I hate you or I don't want you to be here? Dahil lahat ng mata nila na sa'yo." Sabi ni Paul.

"Kung may manyak kang mga kaibigan hindi ko na iyon kasalanan sabi nga 'di ba, tell me who your friends are and I'll tell you who you are so meaning manyak ka rin?" sabi ko.

Naibuga ni Kevin ang iniinom nilang alak at natawa, "Pucha pre, nakahanap ka talaga ng babara sa'yo. Kasi kami, palagi mo kami binabara ngayon ikaw naman ang mababara." Sabi ni Kevin habang tumatawa.

Umiwas lang ng tingin si Paul at nakasimangot pa rin. Tumabi ako kay Kevin. Ganito ang pwesto, dahil may pa-sofa si Paul sa backyard katabi niya ro'n si Bernard, Henry at Juavez tapos may isang upuan na nasa gilid at nando'n si Jericho at may sofa ulit kung saan nakaupo si Kevin. Magkaharap ang sofa na inuupuan ko kasama si Kevin at ang inuupuan nila Paul.

"Aw, tumabi kay Kevin." Sabi ni Juavez.

Nakita ko ang mga tingin ni Paul pero hindi ko siya pinapansin at nakipag-usap ako kay Kevin.

"So may work ka na ba or ano?" sabi ko sakaniya.

"Uhmm..as of now kasi mayro'n na kahit patapos palang ako ng college." Sabi niya.

"Ah good, atleast may work ka na kaysa naman 'yung wala kang work or no income to be specific." Sabi ko.

"Umiinom ka ba?" sabi niya bigla.

"She will not definitely drink, I won't allow it. If you have any questions in my statement, I'm sorry you cannot ask. Now, Get inside." Sabi bigla ni Paul.

"Oo umiinom ako." Sabi ko.

"Umiinom daw pre, patagayin na iyan." Sabi ni Kevin at tumawa.

Ininom ko ng isang lagukan ang alak para magmukhang professional pero ang totoo niyan ay patikim-tikim lang ako dahil ayoko nung lasa niya pati 'yung amoy niya.

"Get inside." Pag-ulit ni Paul pero hindi ko  pa rin siya pinapansin.

Dahil excuse me, hindi niya ako pinansin kanina edi hindi ko na rin siya papansinin. Nagkwentuhan lang kami ni Kevin habang nakikisali na rin ako sa inuman nila.

Napatingin kami nang biglang tumayo si Paul at pumasok sa loob. "Paul! Saan ka pupunta?" sabi ni Bernard.

"Matutulog na!" sigaw niya mula sa loob.

The Different sides of Euphoria | ✓Where stories live. Discover now