Kabanata 20

11.5K 302 158
                                    

 

Kathang Isip

Unti-unting naghiwalay ang mga labi namin, pagtagpo ng aming tingin nagkaroon ng malaking pagyanig. Ang aking puso'y hindi matigil sa pagtibok nang napaka bilis, na animo'y ito ay nasa isang karera at ayaw magpatalo.

"Let's finish taking a bath." He said at hinimas ang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaking daliri.

Ngumiti ako at tumango. Nang matapos na kami maligo, sa cr na ako nag bihis at do'n siya sa may closet niya. Paglabas ko ng cr ay sakto kakalabas niya lang din.

Didiretso na sana ako sa sofa pero hinawakan niya ang kamay ko, "Where are you going?" sabi niya.

"Sa sofa, matutulog na ako." Sabi ko.

"You'll sleep beside me, hinihintay mo lang naman sabihin ko." Sabi niya at tiningnan ako ng nakakaloko.

Natawa ako at pinalo siya sa braso, "Sira!" sabi ko.

Humiga na kaming dalawa at syempre niyakap niya nanaman ako kaya kinuha ko ang cellphone ko. Nagselfie kami, dalawang shots lang 'yun dahil ayaw na niya raw.

"Good night." Bulong niya at hinalikan ang ulo ko.

"Good night, sana hindi na magtapos ang araw na ito." Sabi ko.

"Magkasama pa rin naman tayo bukas, anong sinasabi mo riyan." Sabi niya.

I chuckled, "Wala lang, masaya lang ako ngayon kasi nasabi ko sa'yo na mahal kita kahit hindi mo naman ako mahal." Sabi ko.

Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n kaya huminga ako ng malalim para alisin sa aking dibdib ang dala-dala kong hindi na magiging ganito ang aming bukas.

Unti-unti ko ng ipinikit ang mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.

_

Pagkagising ko, wala na si Paul sa tabi ko. Asa'n kaya 'yun, ang aga naman niya naman gumising at naunahan niya pa ako.

Pumunta muna ako sa cr para mag-toothbrush at hilamos tsaka ako bumaba. Nakarinig ako ng tawa ng lalaki, baka anjan sila Kevin.

Pagtingin ko sa sala, ando'n si Paul kasama ang isang babaeng naka dress at may dala siyang maleta. Napakunot ako ng noo, si Paul ba 'yung tumawa?

Nagtama ang tingin naming no'ng babae kaya napatingin din sa direksyon ko si Paul. "Oh, is that your wife?" sabi no'ng babae at ngumiti.

"Yeah." Sabi ni Paul.

Lumapit ako sakanila at ngumiti, iniabot niya ang kamay niya. "Hi, I'm Stacy. I'm Paul's girlfriend." Sabi niya.

Bahagyang napakunot ang noo ko pero pinalitan ko agad ang expression ko, "Ah, I'm Rachel." Sabi ko.

"It's nice to meet you, palagi ka kasi niyang kinikwento sa'kin that you're a caring person, oops nasabi ko." Sabi niya at tumawa. Mukhang inaasar niya si Paul.

"It's nice to meet you as well, hindi ko ine-expect na may girlfriend pala siya. Maybe hindi kayo sa school nagkakilala kaya hindi ko alam." Sabi ko at ngumiti.

"Yeah, hindi nga. Nagkakilala kami through chat no'ng 2nd year high school siya, and nagkikita kami late at night kaya wala talagang nakaka alam at ikaw palang ang unang naka-alam." Sabi niya at ngumiti.

She's really pretty and tall, parang nawala 'yung self-esteem ko sa sobrang ganda niya. "Wow, that's great." Sabi ko.

"Thank you pala for taking care of him, si Paul kasi maarte 'yan tapos mapili pa. Hindi ko nga alam kung bakit ko 'yan nagustuhan." Sabi niya at tumingin kay paul habang tumatawa.

The Different sides of Euphoria | ✓Where stories live. Discover now