Fifteenth

3.2K 78 5
                                    

Isinandal ko ang aking likod sa pulang sofa, I close my eyes dahil medyo pagod ako ngayon. I want to rest pero di nakakatulong ang sobrang ingay ng musiko.

Sometimes when I am here, di ko maiwasang hindi balikan ang nakaraan.. kung saan ang dahilan ng panandaliang saya na naranasan ko.

I wonder how he is right now?
Magdadalawang buwan na simula nung magkahiwalay kami.. Wala palang kami. I sigh.

Magdadalawang buwan kaming nagsama, magdadalawang buwan na din kaming di nagkita.

Ngayon malinaw na sa akin lahat. Di niya ko mahal at hindi niya ko minahal. Lahat ng nangyari ay kapusukan lang.
Nasa tamang edad na kami. Alam namin kung ano ang tama at mali, pinili namin ang mali na pakiramdam namin ay tama.

Not all pleasurable are good, not all good are pleasurable at yun ang natutunan ko. I should use my mind first bago ako gumawa ng hakbang, marami ang nagkakamali kapag feelings lang ang ipinapairal.

“hindi niyo siya dapat dinala dito! ”

Napadilat ako sa narinig.

I saw Dylan, galit na galit ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakatingin siya kay Charlie at Brandon. Si Brandon, boyfriend ni Charlie.
Nakabalik na pala siya sa honeymoon  ng asawa niya.
Napatuwid ako sa pagkakaupo ko.

“anong pakialam mo ha? And for your information wala na kayo ng kaibigan ko! She is single and ready to mingle. Umuwi kana sa asawa mo. You idiot!”
Sigaw ni Charlie. I don't know what to do. Nakatingin lang ako sa kanila.
Ngayon ay mas lalo nang naiinis ang itsura ni Dylan, namumula ang kanyang buong mukha.

Hinila ni Brandon si Charlie para ilagay sa likod nito. Maybe naalerto siya sa itsura ni Dylan, baka sapakin nalang nito bigla si Charlie.

“hindi siya dapat dito! Hindi siya sanay sa ganitong Lugar! Huwag mo siyang igaya sayo!”
Napasinghap ako. Below the belt yun.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko, but I should do something.

Tumawa si Charlie. Sarcastic.

“at least hindi ko siya sinasaktan kagaya mo at ano bang ginagawa mo dito?! Alam ba ng asawa mo na andito ka sa bar na to?! Na inii-stalk mo ang ex mo! Ha!”

Kaagad na akong tumayo. Aawatin ko sila.

Nilingon ako ni Dylan. Galit ang mata niya pero unti - unting pumungay iyon.

Naaawa ako sa itsura ni Dylan. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Pumayat siya, malalim at maitim ang mata niya, his hair is messy at base sa suot niya ay kakagaling niya lang sa trabaho.

Nang makalapit ako sa kanila ay kaagad akong hinila ni Charlie sa kanyang gilid.

“wag kang papa-uto jan.”
Aniya. Di mahina ang kanyang boses, sadyang pinaparinig kay Dylan.
Di ko nalamang siya pinansin.

I smile at Dylan. Pero di siya ngumiti, bagkos ay galit pa din ang kanyang mga mata at tila nagtatampo.

Nung high school kami kapag narinig niyang may kausap akong lalaki ay ganyan kaagad ang ekspresyon niya kapag nagkikita kami. Di niya ko pinapansin kaya nilalambing ko siya ng husto hanggang sa mawala ang tampo niya at bati na kami. But this time is different. Di ko na siya lalambingin, di ko na siya susuyu'in dahil iba na nag sutwasyon.

May asawa na siya tapos ako.. processing to move on pa.

Lumapit siya sakin pero hinarangan siya ni Brandon.

We are making a scene huh.

“di pwede pare” si Brandon.

“Belle..” malambing ang kanyang boses, tila nagsusumamong sumama ako sa kanya.

Sa totoo lang naaawa ako kay Dylan ngayon. Sobrang nakakaawa ang kanyang itsura. Pero puro awa nalang ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Dylan.. Tapos na tayo diba? Please.. Tigilan mo na ako.”mahinahon ang aking boses. Trying to explain him na hindi na pwede.

Umiling siya saka buong lakas na tinulak si Brandon. Napatili si Charlie. He grab my arms, napa aray! ako sa higpit at pamimilit niyang hilahin ako pero hinihila din ako ni Charlie na nagsisigaw ng tulong.

Halos kaladkarin na kami ni Charlie sa sobrang lakas niya.

“ano ba Dylan! Nasasaktan ako! Bitawan mo ko!”  I shouted pero tuloy-tuloy siya sa paghila sakin habang si Charlie ay niyayakap na ko ng mahigpit.

Huminto ang musika at lahat ng mga mata ay nasa amin.
Umaagaw ng eksena, nakita kong tumatayo na yung ibang kalalakihan at yung iba naman ay akma nang lumapit pero nakawala din ako ng awatin si Dylan ni Brandon at ng mga bouncers.
They punch him in the face dahil nagwawala ito, nagpupumiglas sa pagkakahawak ng bouncers.

“ayaw mong tumigil?! Tatawag na kami ng pulis!” ang bouncer.

“ayos ka lang?” nagaalala ang boses ni Charlie. She is staring at me habang hinahaplos ang aking ulo. Tumango lang ako.

Nilingon ko si Dylan, nakayuko siya habang hawak-hawak ang kamay niya sa likod ng isang bouncer, unti-unting umangat ang ulo sa akin. His bloodshot eyes meet mine. Kumislap ang kanyang mga mata at kasabay nun ang sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha.

Parang pinunit ang aking puso sa nakita. Naaawa ako sa itsura niya. May pasa siya sa labi at panga.
Napayuko ako. Oo! Wala na akong nararamdaman para sa kanya but he is still special to me. May mga pinagdadaanan kami na sabay namin sinalba. Ang makita siyang nahihirapan ay mahirap din sa akin.

Yes we need to talk. We need closure pero hindi pa ngayon. Di pa ako handa. Di ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya na hindi na pwede. I know he knew that.

“lika na belle.”
Once again tiningnan ko si Dylan, likod na lang ang nakita ko sa kanya. Iniscortan siya palabas ng mga bouncer.

“iniistorbo mo ang mga customer namin!” dagdag pa ng isang bouncer.
I feel Charlie's hand sa balikat ko. Pilit akong pinapatalikod sa kay Dylan at pabalik sa aming Sofa.

Bumalik ang tugtug. Tapos na ang eksena, Bumalik na sa normal pero ako.. Hindi pah. Di ako makapaniwala sa mga nangyayari.. Kelan pa naging bayolente si Dylan ng ganun? Ngayon ko lang siya nakitang ganun.
Pinaghalo-halong emosyon ang naramdaman ko. Takot at awa. Takot dahil sa aksyon na ginawa ni Dylan at awa dahil sa nasaksihan ko sa kanyang mga mata kanina.

Hindi ako handang kausapin siya.. At hindi din siya handang pakinggan ako base sa reaksyon niya.

Di na kami pwede dahil una sa lahat, wala na akong naramdaman sa kanya, pangalawa ay may asawa na siya at pangatlo, processing to move-on pa ako.

Umataki sa ilong ko ang amoy ng alak habang naglalakad kami ni Charlie.

Ang ingay ng musika at amoy ng alak ang nalalanghap ko. Bigla akong nahilo kaya napahinto kami sa paglalakad at napahawak ako sa aking ulo. I close my eyes dahil nahihilo ako.

“okay ka lang?” nag aalala ang boses ni Charlie. Hinagod niya ang aking likod.  Tumango ako.

Dahil siguro to sa amoy ng alak at sa kanina lang na pangyayari.

May sinabi siya kay Brandon sa likod na hindi ko narinig. Sumagot si Brandon pagkatapos ay si Charlie. Di ko sila pinakinggan dahil sa nahihilo ako.

Inilalayan ulit ako ni Charlie pabalik sa sofa pero nakarinig ako ng bubuyog sa aking tenga. Nag blur ang vision ko. The next ting I heard ay ang malakas na sigaw ni Charlie ng tulong. I passed out.



-Don't forget to vote, comment and share. Love you guys, Sorry sa trying hard English ko hahaha. Am so tired! Kakagaling lang maglaba. Love you guys, enjoy reading. Wag kalimjtan mag vote-

Make LoveWhere stories live. Discover now