Sixteenth

3.1K 70 1
                                    

“sa malapit na ospital hun. Please..”

Gising ang aking diwa pero di ko pa iminulat ang aking mata. Ano ba ang nangyari? Ramdam ko ang haplos sa aking ulo.

“belle.. Wake up please..”

I hear Charlie's voice kaya nagmulat ako ng mata ngunit di ko masyado maimulat iyon ng husto, nakakapagod.. Gusto ko matulog.

“oh my God.. Thanks God. Don't worry belle.. Papunta na tayo sa ospital.”
Si Charlie iyon.

I smile.

“o-okay na ko Charlie.. Uwi nalang tayo..”

Akmang babangon na sana ako pero pinigilan ako ni Charlie. Nakaunan ang aking ulo sa kanyang hita, naawa tuloy ako sa aking kaibigan. Baka napagod na ang kanyang hita, mabigat pa naman ang aking ulo.

“hindi.. Dapat tayong pumunta ng ospital. Namumutla ka kanina--”
I cut her off.

“I'm fine.. Pahinga lang to. Please.. Uwi na tayo..”

Ayokong mag alala pa sila nanay at tatay. I'm fine. Nahilo lang siguro talaga ako sa eksena kanina at sa amoy ng alak. Nakakapagod.

“but belle, we are worried. Baka kung---” si Brandon

“no Brandon, I'm really fine. Thank you sa pag aalala ninyo Charlie.”

Bumangon kaagad ako para ipakitang okay na talaga ako. I'm fine right now. Sa eksena lang talaga siguro.

I hear Charlie's sigh.

“okay.. Sa bahay tayo ni Belle, hun.”

Kaagad iniliko ni Brandon ang sasakyan papunta sa amin.

“wag mo na sabihin kay nanay at tatay ito, ayokong mag alala pa sila.”

Di umimik si Charlie but I know susundin niya ko. Ayaw din naman niyang mag alala ang mga magulang ko, lalo na si tatay na may sakit pa.

“namumutla ka kanina at ang tagal mo nagising, dapat magpa check up ka bukas.” si Charlie sa nag-aalalang boses.

Tumango nalamang ako para matigil siya.

“sasamahan kita bukas, umabsent ka muna sa trabaho, ganun din ako.”

Tumango nalang ulit ako. Walang imik ang nobyo niya na nagmamaneho.

Nang nasa tapat na kami sa gate ay huminga muna ako ng malalim. Di ako uminom ng madami kanina kaya di ako amoy alak.

Sa nagdaang buwan.. Wala akong ibang ginawa kundi ang ipokus ang sarili sa trabaho, di ako masyadong nagpapahinga at lumalabas at sa tingin ko isa iyon sa dahilan kung bakit ako nahimatay, sa sobrang stress sa trabaho at sa mga sobra-sobrang emosyon.

“are you fine? Lika, sasamahan kita sa loob.” si Charlie.

Umiling lang ako

“magtataka si nanay at tatay pag inaalalayan mo pa ko papunta sa loob”

Tutol ang kanyang itsura pero kaagad na akong lumabas sa kotse. I smile at her, nasa likod ko na ang aming gate. Di ko muna sinara ang pintuan ng kotse para kausapin sila.

“wag kanang mag alala Charlie, I am really fine now. Mag papa check-up ako bukas, sasamahan mo naman ako diba? So don't worry. Maraming salamat sa inyo Brandon. Pasensya na kanina, na sobrahan lang ata ako sa stress at sa mga pangyayari.”

Tumango lang si Brandon habang si Charlie ay nakabunsagot.

“pupunta ako ng maaga dito bukas!”

Make LoveWhere stories live. Discover now