34. How to Break a Perfect Love Story

71.1K 2K 202
                                    

Hey guys,

Isabel's tutorial on how to make agaw a jowa. Haha.

Naintindihan ko na kung bakit ako hinalikan ni Cole kagabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naintindihan ko na kung bakit ako hinalikan ni Cole kagabi. Naintindihan ko na rin kung bakit panay ang hubad niya sa harapan ko at kung bakit ganun nalang ang mga hawak niya sa akin. Nakipag-deal ako sa kanya at wala siyang balak na matalo sa akin kaya ginagawa niya ang lahat ng iyon para ma-inlove ako sa kanya at mapatunayan niya sa sarili niya na siya na naman ang bida! Nagsinungaling lang ba siya nang sabihin niyang wala na siyang kahit na anong kaugnayan kay Naomi? Sinabi niya lang ba 'yon dahil alam niyang 'yon ang gusto kong marinig?

I walked inside the vast office in the sexy red dress that Cole gave me. Hakab na hakab iyon sa kurba ng katawan ko at sinadyang hanggang kalahati lang ng hita ang natatakpan. I wore the blackest shade of eyeshadow and the bloodiest shade of red lipstick. Suot ko pa din ang ginto kong high heels. Nagmartsa ako papasok ng malaking opisina, alam kong halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Kahit na hindi ko ilapit ang tainga ko sa mga bibig nila alam kong ako ang pinag-uusapan ng mga tsismosa kong katrabaho. Alam ko na kung bakit, nabasa nila ang makabagbag damdaming love story nina Cole at Naomi, tapos nakita nilang lumabas ako sa kaparehong kwartong pinanggalingan ni Cole kaninang umaga. Suddenly, sa paningin nilang lahat, isa akong dakilang kontrabida. 'Yong mga tipong kabit sa pelikula at sinasampal ng bida. Kahit na unang sinaktan ni Naomi si Cole, hindi nila alam iyon. Ang alam nila, ako ang masama, ako ang malandi. Basang-basa ko na sila. Pero wala akong pakialam anuman ang isipin ng lintik na mga tao sa paligid. Manhid na ako, sanay na akong kinukutya at nililibak bata palang ako.

Sinalubong ako ng assistant kong si Cherry bago pa man ako makarating ng opisina ko. Binati niya ako at binigyan ng kape, pagkatapos ay nilahad lahat ng gagawin sa araw na iyon. "Anong sinasabi nila tungkol sa akin?" singit ko sa kanya.

"Po?" maang na tanong ni Cherry.

"Magsalita ka na. Alam ko ang mga tingin na ganyan, alam kong ako ang pinagtsitsismisan. Magsalita ka kung ayaw mong ikaw ang unahin kong ipa-sisanti dito bago sila!" may pandididlat na asik ko kay Cherry.

"May girlfriend kasi si Cole, Madam Isabel." Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya.

"So?"

"Ganito po kasi 'yon, kagabi po may nakakita sa inyo nang tapakan niyo ang gown ni Naomi kaya siya nahulog sa pool. Sinadya niyo ding magpahulog tapos sinamantala niyo pa nung ihatid kayo ni Cole sa kwarto. Pinagtsi-tsismisan pong inakit niyo si Cole kagabi at magkasama kayo magdamag sa luxury suite niya sa hotel na 'yon. Mang-aagaw daw po kayo. Ang ganda-ganda niyo daw pong babae tapos mapanira daw po kayo ng relasyon. Mahiya naman daw po kayo."

"Anong sinabi mo? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo??"

"Madam, hindi naman sa 'kin nanggaling. 'Yon po ang naririnig ko, dini-detalye ko lang po. Huwag po kayong magalala Madam, sayo pa rin po ang loyalty ko. Kapag may narinig ako sasabihin ko sa inyo."

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon