35. Hopes and Reality

55K 1.9K 131
                                    

Para sa mga umaasang crush din sila ng crush nila. Gising na:D Tanghali na. Haha.

 Haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cole! Cole! Sandali!" taranta akong sumunod sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Cole! Cole! Sandali!" taranta akong sumunod sa kanya. Pero mabilis ang hakbang niya ni hindi ako nilingon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang reaksyon niya. Hindi ko maalala ang tinanong ko pero mukhang mahalaga iyon sa kanya. Halos magtubig ang kamay at paa ko sa sobrang tensyon na nararamdaman. Ikinatakot ko ang reaksyon na iyon ni Cole. Pinaghalong inis at disappointment iyon. Kung hindi ko kaagad ito aayusin baka hindi niya na ako kausapin.

Tinanong ko ang sarili ko. Habang tumatakbo ang daming pumasok sa utak ko. Yung nangyari kagabi na yakap niya ako magdamag, ang sinabi ni Naomi sa banyo pati na rin lahat ng sinabi ni Rushell. Sa klase ng relasyon namin ni Cole, maiinlove ako sa kanya kahit na anong pigil ko. Kaya ko bang magalit sa akin si Cole at tuluyang hindi na ako kausapin dahil lang sa lintik na kayamanang makukuha ko kay Eleanor? Magiging masaya ba ako ng mag-isa sa hacienda na walang Cole na laging nandy'an sa tuwing kailangan ko ng makakasama, sa tuwing kailangan ko ng tulong?

Pa'no kung nalunod ako doon sa hacienda, may sasagip ba sa akin? May magpapa-inom ba ng gamot kapag may sakit ako? Wala.

Peste Isabel, wala di ba?

Nakasunod sa likuran ko si Naomi. "He's upset. What did you do?"

Nakatingin sa aming dalawa lahat ng empleyadong madaanan namin. Wala akong pakialam sa tsismis. Kailangang ako ang maunang makarating kay Cole kaya nakipaghabulan ako kay Naomi papasok ng elevator. Sa malas ay nakasabay ko siya.

"Anong ginawa mo?" pilit niyang tanong.

Walang tigil ang pagbuga ko ng hangin, nakikita ko ang tensyonado kong mukha sa repleksyon ng salamin sa loob ng elevator. Halos sumakit na ang anit ko sa walang tigil na pagsuklay ng kamay ko sa buhok ko.

Pagbukas ng elevator namataan ko si Cole sa labas pasakay ng kotse. Tinakbo ko ang lobby, dahilan para bumagsak ako sa sahig nang bumigay ang takong ng high heels ko. Ilang beses akong napamura dahil parang may naipit na ugat sa paa ko, sobrang sakit niyon. Pinigilan kong umiyak. Bumangon ako kaagad dahil walang balak huminto si Naomi. Wala na akong panahon na kuhanin ang kotse ko kaya nagtawag nalang ako ng taxi. Mabuti nalang at nauna akong makasakay kay Naomi. Ano ba kasing hinahabol ng bwesit na white lady na 'to??

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon