Chapter 1

18.4K 32 36
                                    


"JAVIER CANDICE ROSE A."

Napatayo agad ako ng tawagin ng Recruitment staff ng agency na pinag a-applyan ko ang aking pangalan. Dali dali akong naglakad patungo doon. Nag iintay doon ang balingkinitang babae na naka pang opisina at may ngiti sa labi. Napangiti nalang din ako siguro'y may magandang balita akong matatanggap.

"Yes ma'am?"

"We will update you for the training, Congrats your passed in the Phase1 examination"

Napangiti ako sa wakas pasado ako may mangilan ngilan na bagsak ngunit hindi pa naman huli para sa kanila dahil may second chances pa sila for retake. Kailangan ko nalang antayin na iupdate nila ako para sa Training ko. Sa isang agency ako nag-apply kung saan pagtatrahuhin kame sa isang company, Sa edad na dise-otso naisipan ko nalang kumayod para sa lola ko. Imbis na mag aral magta trabaho na muna ako, Namatay na ang mga magulang ko kaya't sa aking butihing lola ako tumutuloy Siya nadin ang nagpalaki saken at ngayong tumatanda na siya kailangan ko ng suklian ang pag-aaruga at pagkalinga nya saken sa mga nagdaan na taon ayoko nadin na mahirapan siya sa pagtitinda sa Sari-sari store namen.

Kahit ang pagiging Janitor ay papatusin ko kung iyon lang ang pwedeng slot sa kompanya na kukuha sa akin. Pero dahil nakatapos naman ako ng Senior Higschool sa kursong ABM ay sana encoder ang makuha kong posisyon.

Ayos na sakin iyon kahit ano naman ayos lang saken kumita lang ako ng pera para sa pangaraw-araw naming gagastusin sa bahay. Naglakad nako patungong kanto at makasakay na ng jeep, traffic na paggantong oras madaming nag uuwian galing eskuwelahan o kaya'y trabaho. Kamusta na kaya ang kanyang lola habang naglalakad pasakay ng tricycle ay may nakita syang bilihan ng pritong manok, Yung mumurahin lang kaya bumili na siya ng pitso para sa lola nya at chicken skin lang ang kanya.

Tipid na tipid ang kanyang pera dahil budget nya payon sa training at pagnagsimula na siya magtrabaho kailangan magkasya iyon hanggang sa sumweldo siya.

Pagkababa nya sa tricycle ay inabot nya na ang bayad ngunit hindi yon tinaggap ng driver eto na naman si Tisoy, ang kanilang kapit bahay na palaging nagpapalipad hangin sa kanya. Nagtricyle driver pa ito para lagi syang mahatid para nadin libre daw ang kanyang pamasahe nakakahiya na kasi ito nagastos sa pang-gas samantalang siya hindi pinagbabayad.

"Rose kailan ba ako tumanggap ng bayad mo?" Nakangiting wika ni tisoy

"Salamat tisoy napakabuti mo talaga" sinuklian ko ang ngiti nya.

"Haayy ang ganda mo talaga lalo pag ngumingiti" hindi ko mapigilan na ismiran siya

"Ayan ka na naman sa pambobola mo saken tisoy hindi kaba nagsasawa sa panget kong muka?" sinabayan ko ng tawa

"Sinong nagsabe ng panget ka at susugudin ko" matapang nyang saad

Natawa nalang ako sa kanya "Haynako makapasok na nga lang sa loob, salamat uli tisoy" sabay kaway sa kanya

"Walang anuman basta ikaw aking Rose" sabay kindat nya at pinaharurot na ang tricycle.

Napailing nalang ako sa kakulitan nya sabay pasok ko sa bahay namen na maliit at may tindahan sa labas, nadatnan ko ang aking lola na nagliligpit na nga kagamitan sa tindahan kaya't nilapitan kona para tulungan.

"Lola kamusta po ang araw nyo?" Nagmano na muna ako sa kanya.

"Ayos naman apo, medyo maliit lang ang benta dahil may malaking tindahan na nagbukas malapit sa atin kaya ayon ang mas binibilhan ng mga mamimili"

"Hindi naman po siguro lahat lola may mga suki naman po tayo na mananatili sa atin bibili ng kailangan nila" nakangiti kong wika para naman gumaan ang loob ng aking lola.

"Tama ka nga apo, kamusta na nga pala ang lakad mo? Nakapasa kaba?"

Masaya akong tumango sa kanya at tinapos na ang pagliligpit sa tindahan namen.

"Talaga ba apo? Abat napakagaling talaga  ng apo ako mana sa akin" sabay kameng napatawa sa saad nya.

"Nako lola aba't  may training pa po"

"Maipapasa modin yan apo at tandaan mo tanggapin kung ano man ang inatas na gawain sayo normal sa nagtatrabaho ang nahihirapan maliwanag?"

"Opo naman lola trabaho iyon eh" malapad na ngito ko sa kanya.

"Bumili nadin pala ako ng uulamin naten lola alam kong sawa na kayo sa tuyo itlog sardinas at cornbeed kayat bumili ako ng manok"

"Talaga tong bata na to hindi naman nakakasawa yung mga pagkaen nayon gumastos ka pa tuloy para bumili ng manok" napabuga sya ng hangin "Halika na nga at kumaen na tayo"

Naghanda na kame ni lola ng mga kubyertos para simulan ng kumaen ng mapansin ni lola na isa lang ang manok nginitan ko nalan sya at pinakita ang supot na maliit na may lamang chicken skin.

"Ayan lang ang uulamin mo apo? Hindi ko naman mauubos itong pitso kaya makihat kapa sa akin"

"Hindi na po lola ayos na ako dito at alam nyo naman na paborito kotong balat ng manok" Tumango nalang siya at sinumulan na namen kumaen ng hapunan. Ako nadin ang nagpresinta na maghugas ng plato kaya nauna ng pumasok si lola sa silid niya.

Pagkatapos ko ay naligo na muna ako bago pumwesto sa papag at sinuklay ko mabuti ang alon alon kong buhok at patuyuin.
Narinig kong tumunog ang mumurahin kong selpon para tignan at may isang text message akong natangap.

Nabigla ako ng sa agency na inapplyan ko nagmula ang text at nakasaad na pasok na ako para sa training hindi sinabe kung saan posisyon pero ayos na saakin yon atleast ay may trabaho nako. Bukas na bukas aagahan ko ang dating roon para di ako late. May ngiti sa labi ang nahiga at ipinikit ko ang aking mga mata bukas ay panibagong araw, panibagong hamon at chapter sa buhay.

Adopted Where stories live. Discover now