Chapter 2

9.6K 33 2
                                    

Maaga palang nakagayak na si Rose ready na siya para pumunta sa company na papasukan nya, nakapagluto nadin siya ng almusal nila para nadin sa kanyang lola. Binuksan nya nadin ang tindahan nila para mapansin nadin ng mga maagang namimili. Lumabas na siya sa maliit nyang kwarto dadaan muna siya sa kwarto ng lola nya para makapagpaalam na.

Nakita nya na mukang kagigising lang ng kanyang lola nilapitan nya ito at niyakap.
"Goodmorning lola hinanda ko na po ang aalmusalin nyo kainin nyo nalang po andon po sa mesa la, maaga ako aalis para di ako malate" hinalikan niya ako sa ulo at niyakap din "Sige na apo lumakad kana baka mahuli kapa sa lakad mo". Tumayo na ako para umalis sa bahay.

Nakasuot ako ng puting tshirt at kupas na pantalon pinaresan kolang ng puting sneakers matagal na sa akin ito kaya iniingatan kodin dahil wala pa akong pambili. Nagpulbo lang ako wala naman akong maiilagay na kolorete sa muka ko hindi din naman ako sanay na naka make up. Nilugay kolang ang alon-alon kong buhok may katangkadan ako maputi at makinis ang aking balat inaalagaan ko ito noon pa man.

Paglabas ko ng maliit namen na gate ay andon na agad si tisoy ang kapitbahay namen. Napangiti agad siya ng makita nya ako hindi ko talaga maintindihan sa lalaki na ito at palagi akong hinahatid sundo sa sakayan halata naman na ako lang nagiging pasahero nya siguro ay naawa saken. "Goodmorning Rose napakaganda mo talaga sa umaga" sabay kindat sa akin.

"Nako tisoy ang aga mo naman mambola, salamat lagi mo ako hinahatid, hindi ka naman talaga nagpapasada ano?" Tanong ko sa kanya Napakamot nalang siya sa ulo nya "Masyado na ba akong halata Rose?"
Natawa nalang ako sa reaksyon nya muka siyang bata na nahulian na kumuha ng candy. "Halika na nga tisoy baka malate pako wag ka mag alala pagnagkasweldo na ako ililibre kita" nginitian ko siya ng matamis.

Pagkadating namen sa terminal ay sumakay na agad ako sa jeep para makarating sa company na papasukan ko.
Kahit puno na ay nakipagsiksikan ako na ako kaysa sa mag antay pako ng susunod na jeepney malalate nako non. Pagkadating sa aking patutunguhan ay bumaba na ako sa jeep at napatingala ako sa taas ng building na kinatatayuan ko.

Grabe manghang mangha ako sa nakikita kong taas ng building nato ang gara pa, napaka swerte kona pagnakuha ako dito. Agad akong naglakad patungo sa entrance at doon ay dalawang gwardya na nakabantay nginitian ko sila at agad na nagtanong "Manong ito po ba ang GGC?"
Tumango ang isa sa gwardya at ang isa naman ang nagsalita "Ano kailangan nila Miss?" Tumingin ako sa isa at sinabeng "Para po sa Training" tumango ang dalawang gwardya at pinasunod siya sa isa patungo sa Training Room.

Habang naglalakad siya sa may pasilyo ng building ay nakikita nya na agad na karangyaan nito may magandang chandelier at mamahaling mwebles na nakadisplay sa pasilyo. Natunton nila ang itim na pinto kung saan may nakasulat na traning room tumingin siya sa gwardya at pinasalamatan nya. Agad nyang binuksan ang pinto at doon nakita nya ang iba pang kalalakihan at kababaehan na kapwa nya empleyado.

Umupo nalang siya dahil naiilang siya sa mga tingin nito  una nyang napansin ang pagtitig sa kanya ng grupo ng mga babae na tila aattend ng party sa kapal ng mga makeup nito. Kailangan ba talaga ganito ang ayos ng mga ito? At hindi nya gusto ang titig nito sa kanya hindi nalang nya ito pinansin at tumungo na siya sa bakanteng upuan at kung saan may isang chubby na babae maganda ito may katabaan lang.
Nakatingin din sa kanya ito kaya kahit naiilang ay nagsalita siya "Ahm hi" ngumiti sa kanya ang babae at sumagot din "Hello ang ganda mo" namula siya sa sinabe nito kahit madami na nagsabe sa kanya noon ay di nya masyadong ibinigdeal.

"Ang ganda mo din" sagot ko sa kanya sabay ngiti totoo naman maganda ang babae nilahad ko ang kamay ko at "Ako nga pala si Candice Rose, Rose nalang ang itawag mo sa akin" sinuklian din iyon ng babae at nagpakilala rin "Ako naman si Maurine, Mau nalang". Napaayos kame ng upo ng bumukas ang itim na pinto at pumasok doon ang isang babae na naka pang opisina na uniporme sa isip isip nya ay siguro ito na ang trainer namen. Naglakad na ito patungo sa lamesa na may swivel chair at naupo binuklat na nito ang hawak na folder at isa isang tinawag ang para sa encoder at swerte siya dahil kasama siya doon.

Hinatid na sila patungo kung saan talaga sila ita-train ng staff na kasama nila.
Habang naglalakad sila ay narinig nyang nagkukwentuhan ang mga babaeng madaming kolorete sa muka "Gosh nakapasok nadin tayo dito makikita kona ang pinakagwapo na business tycoon ang forever ko" kilig na kilig na payahag ng babaeng may mahabang buhok sumagot naman ang isa "Oo nga at balita ko ay byudo na sir" Nagulantang siya sa narinig grabe naman tong mga babae nato halatang may lihim na pagnanasa sa magiging boss pa namen.

Ng makarating na kame sa mismong training room ay bigla akong kinalabit ng aking kasama napatingin ako sa kanya "Bakit Mau?" hula ko ay naiihi na siya base sa pagkilos kilos nya "Ahm pwede moba akong samahan sa comfort room Rose naiihi na talaga ako" tumango ako at agad kameng naglakad sa malinis na pasilyo papunta sa CR. Pagdating namen doon ay namangha ako sa linis at ganda ng banyo grabe parang bahay na nila ito ng kanyang lola, Napakalinis pa at bango.

Nagpasya nalang siyang antayin sa labas si mau para diretso na sila pabalik sa training room. Nakatungo lang ako habang tinatapik tapik ko ng aking sapatos ang malinaw na tiles ng may nakarinig ako ng yabag ng taong naglalakad mabibigat ang yabag nito kaya napagtanto nya na ito ay lalaki. Isang matipunong lalaki na naka amerikana na itim at tila ay makausap sa cellphone nito kaya kahit sino siguro ay di mapapansin nito sakto naman na ang hawak nito na kapirasong papel ay nahulog kaya ay dinampot nya ito at agad na tinawag ang lalaki "Sir" tawag niya dito binilisan nya ang lakad dahil nakita nya na mukang papasok ito sa elevator "Sir nahulog nyo po" sa wakas ay napansin na din siya nito.

Tinignan siya mula ulo hanggang paa ng lalaki at sabay tingin sa papel na hawak nya inabot nya naman agad ang papel habang nakayuko nahihiya siya dahil napalakas ang pagtawag nya dito. "Sayo po ito sir nahulog nyo po habang naglalakad kayo" hindi nya makita kung anong ekspresyon ng muka nito. "Whats your name?" tanong lalaki napaka baritono ng boses nito bagay na bagay sa kanya.

Napatingin siya sa kaharap nya at ngumiti baka kase isa ito sa mga boss nya "Im Candice Rose Javier Sir" tumango lang ito walang sabi sabing binuksan ang elevator at pumasok na doon bago unti unting sumara ang elevator ay nakita nya ang pagngisi ng lalaki at sumarado na ang elevator kaya tumalikod nalang siya at nakita nyang palabas nadin si Mau sa CR "Oh bakit doon ka galing Rose?" tanong sa kanya ni mau umiling nalang siya bilang sagot pero sa loob loob nya ay nagtataka siya bakit ngumisi sa kanya ang lalaki hindi manlang ngiti yung nakakalokong ngisi pa pinasa walang bahala nalang nya iyon at Bumalik na sila papunta sa training room.

Adopted Where stories live. Discover now