Chapter 3

9.8K 51 14
                                    

"Tara Rose kain na tayo" paanyaya sa kanya ni Mau ang kaniyang naging bagong kaibigan. Inihinto muna ang Training nila dahil Lunch break na nga dahil gipit naman siya ngayon sa may tapat na fast-food nalang sila kakain.

"Buti nalang parehas tayo no?" Napatingin siya sa kaibigan nya sabay ngumiti "Oo nga eh para magkasama tayo lagi" Nagtungo na sila sa fast food. Si Mau ang hahanap ng mauupuan samantalang siya naman ang oorder para sa kanila. Habang nasa pila siya hindi niya maiwasan mapatingin sa mag-amang nagkukulitan sa pila.

"What do you want my princess?" boses iyon ng ama siguro ng bata. Ngiting ngiti naman ang bata na nagsimula ng magtuturo ng gusto nitong kainin. "I want that dad, and there ahm i also want sundae daddy and also maaany fries" nagta-talon pa ang bata habang humihiling sa ama nito. Napangiti na lamang siya dahil na isip na na napakaswerte talaga ng kinalakihang ama. Biglang natuonan siya ng pansin ng mag-ama kaya pagkaharap nito sa kanya ang bigla nyang naalala ang lalaki.

Ito yung lalaki sa may elevator kanina napatungo nalang siya at sinawalang bahala iyon. Pero narinig nya ang sinabe ng bata "Look daddy she looks likes my mom" Hindi nya na narinig ang iba pang sinabe ng cute na bata ng siya na ang oorder. Umorder na siya at pagtapos hinanap kung saan nakapwesto si Mau, agad nya naman itong nakita at pinuntahan don. Nagsimula na silang kumain dahil babalik pa sila para sa continuation ng Training nila.

"Rose bakit hindi ka nalang magmodelo? Napakaganda mo kaya at ang sexy mopa kakaingit huh" sabay tawa nito napailing nalang siya "Nako walang kukuha saken dahil hindi naman ako papasa na modelo Mau" naglakad na sila papunta sa building at bigla nalang siya nito pinahinto at tinignan mula ulo hanggang paa sabay iling iling "Tsk dyan ka nagkakamali dahil sa sexy at ganda mong yan malamang mas angat kapa, Kaya bakit dimo subukan?"
Naglakad na uli sila "Hindi ko ninais maging isang modelo mau"

Inunahan nya na ito sa paglakad dahil mukang hindi siya nito tatantanan. Nakarating na sila sa Training Room at nadatnan nila doon ang mga kasabay nilang babae na nagsisilagayan ng make up. Naupo na lang siya sa upuan niya kanina at aantayin nila ang magiging trainer nila. Napatingin siya sa babaeng nagsalita "Gosh excited nako makita ang trainer naten gwapo daw ito" hinampas tuloy ito ng katabe "Oo nga besh kaya retouch kalang dyan para mapansin tayo".

Hindi nya maintindihan kung trabaho ba talaga ang hanap ng mga babae na ito. Hinayaan nya nalang at tumingin sa gawi ni Mau at isa din tong babae na to, naglalagay ng kolorete sa muka pero di gaya ng iba ay light lang ang kay Mau. "Mau bakit kapa nyan naglalagay?" Tanong nya dito hindi man lang siya nito tinapunan ng pansin at tuloy lang sa pag apply ng lipstick na pink. "Ano kaba gwapo daw ang trainer naten malay mo siya na amg forever ko" napangiwi siya sa sinabe nito. Tinignan siya nito "Hindi mo naman kase kagaya na kahit effortless ang pagiging maganda"

Mga ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa non ang isang matangkad na lalaki na naka pang opisina. Maputi ito at totoong gwapo nga pero di lalaki ang hanap nya kundi trabaho. Naglakad na ito papunta sa harapan at nilibot nito ang tingin sa kanilang lahat sa kanya huminto ang paningin ng lalaki tumikhim ito " Im Mathew Mendoza, Your trainer form Marketing Department"

Binilang muna sila nito at nagsimula na sa pagdiscuss ng kailangan nilang malaman para sa kanilang trabaho. Isa siya sa magiging encoder ang ibang nakapag4years grad. Ay may posisyon na. Magkasama din sila ni Mau kaya palagay ang loob nya. Natapos na ang kanilang Unang araw para sa training at bukas na ito itutuloy.

Huli silang lumabas kaya't kasunudan lang din nila si Sir Mathew, Tumikhim ito kaya napatingin silang dalawa dito ni Mau "You're Ms.Javier right?" Tumango siya dito pero siniko siya ni mau kaya pormal na sumagot siya "Yes sir Candice Rose Javier" sabay lahad nya ng kamay at agad naman nitong tinanggap nakangiti siya habang ito ay titig na titig lang sa kanya tinignan nya ang kamay nilang magkasaklop dahil hindi padin nito binibitawan ang kamay nya napansin naman ata nito kaya't dali dali na pinakawalan ang kamay nya "Oh sorry your hand is so soft by the way don't call me Sir just Mathew and you're so pretty Rose" sabay kindat nito at nilagpas na silang dalawa ni Maurice.

Kilig na kilig naman si Mau na tinignan siya "Oymygossh Rose ang haba ng hair modon ha? Eerr may gusto sayo si Sir Mathew" hindi naman siguro no paano naman nalaman nito na may gusto eh nagshake hands lang naman sila "Hala Mau tumigil ka dyan walang gusto yung tao parang shakehands lang eh" marahan siya nitong pinalo "Nako girl doon nag uumpisa yon tapos magdadate na kayo at magiging Mrs.Mendoza ka na nya". "Mau ang advance mo mag isip tsaka imposible ako magustuhan ni Sir Mathew". Nauna na siyang maglakad palabas ng building dahil kung ano ano naman sasabihin nito sa kanya.

Pauwi na sila pareho ni Mau nag aabang ng masasakyan ngunit ang kaibigan nya ay may sundo kaya nauna na ito sa kanya.
Mga ilang minuto p ay nag aantay padin siya ng jeepney ng biglang bumuhos ang ulan kaya dali dali siyang naglakad patungo sa malapit na waiting shed. Ang malas lang dahil wala pa siyang dalang payong medyo nabasa din ang kanyang kasuotan kaya giniginaw na siya.
Madalang kase dumaan ang mga jeep sa lugar ng pinapasukan nya dahil pulos mga sasakyang sarili ang mga nagtatrabaho dito hindi naman niya afford magtaxi kaya no choice kundi mag antay ng jeep.

Nasa ganon siyang kalagayan ng may isang magarang kotseng itim ang huminto sa harap nya tumingin siya sa bintana ng bigla itong bumaba kaya nakita nya ang sakay ng kotse nagulat siya ng ang mag-ama na nakita nya kanina sa Fast-food ang naroon "Miss sabay ka na po samin ng daddy ko don't worry we're harmless naman" nagdadalawang isip pa siya ng bumaba ang lalaki at may dalang payong "Sige na miss my daughter is persistent hindi ka nyan titigilan" she gave him a little smile at tumango bilang pagsang ayon. Hindi nya alam kung bakit napapayag siya ng mag ama na to. Iniisip nya nalang na good samaritan ang mag ama na ito.

Pumasok na siya sa backseat at dalidali ding pumasok sa driver seat ang lalaki. Inabutan naman siya ng jacket ng batang babae at agad nya naman na kinuha ito hindi na siya mag iinarte dahil totoong nilalamig na siya. Napansin siguro ito ang bata kaya hininaan nito ang AC ng kotse ngumiti siya dito "You really look like her" ngumiti ito pero malungkot naman ang mga mata, kahit nagtataka ay hindi na nya pinansin ng magsalita ang lalaki "Yeah baby but she not here, Anyway what's your name miss?" Tumingin siya sa lalaki na saktong nakatingin din sa kanya "I'm Candice Rose Javier sir, Rose nalang po" Tumango naman ito pumalakpak naman ang bata "You're name is pretty as yours Ate Rose, hehe sorry can i call you Ate ba? If it's okay with you" natutuwa naman siya sa bata na ito dahil bibo at ubod ng cute "Sure you can call me Ate"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adopted Where stories live. Discover now