ADIK #1 (Weird Principal)

4.3K 110 24
                                    

CHAPTER ONE

"adik ka ba? Enroll na sa University of high's!"

DAWN's POV:

"Taba! Taba!"

"Argh! kuya stop it! di nakakatuwa!"

"Bakit ba? hahaha inaano ba kita?"

"Malelate na ako! akin na 'yang bag ko!"

"teka lang! penge muna akong chocolate!"

Napairap nalang ako ng binuksan nya na yung bag ko at kumuha ng limang chocolate bars na galing kay taemi.

Si taemi? sya nga pala ang bangag kong kaibigan na yayamanin at may-ari ng eskwelahan na pinapasukan ko.

"alam mo kung ako sayo, sasagutin ko na yung hapon slash filipino slash americanong lalaking yon" napairap ulit ako sa sinabi ni kuya.

" alam mo kung ako sayo, magsisimula na akong maghanap ng trabaho para hindi ako nakatunganga at laging nanghihingi lang ng pera sa magulang" pang aasar ko habang ginaya ang ang tono nya kanina.

"at kung ako sainyong dalawa, tigil tigilan nyo na ang pagaaway, ikaw nga dindin! umayos kanga! ibigay mo na yang bag ng kapatid mo at baka malate pa yan! ikaw naman dawn! kababaeng tao mo pinapaasa mo si taemi! jusko kayong mga bata kayo!magsilayas na nga kayo dito sa bahay! naasiwa ako sa pagmumukha ninyo" sabat ni mama.

hinablot ko kay kuya dindin yung bag ko at lumabas na ng bahay, mahirap na baka mabulyawan nanaman ako ni mama.

kalalabas ko lang ng bahay pero mukha na agad ng kaibigan kong si papay ang sumalubong sakin.

"oh? ginagawa mo dito? naligaw ka ata? sa kabila yung bahay ng crush mo hindi dito"pangaasar ko at tinarayan nya ako.

"Aga-aga dawn ha! ang aga aga!" sabi nya kaya natawa naman ako.

"tara na nga malelate pa tayo"sabi ko at hinila na sya.

dahil malapit lang ang school namin sa bahay ko ay mabilis kaming nakarating agad sa school, pero habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong namin yung mataba naming principal.

napakasungit nyan at balibalita namin ay may sapak sa utak, pero matalino daw kaya naging principal.

"Good morning ma'am" sabay na bati namin ni papay sakanya.

Kinilabutan ako ng biglang tumingin sakin si taba at ngumiti tapos ako lang ba o talagang nagbago saglit yung kulay ng mata nya?

"Good morning miss dawn" abot tengang ngiti na sabi ng matabang principal namin na syang nagbigay kilabot sa buong katawan ko.

binilisan nalang namin ni papay ang paglalakad kase super weird talaga nakakakilabot.

"may sapak talaga yung matabang yun" sabi ni papay.

"sinabi mo pa! so weird!" sabi ko at hinaplos yung balat ko kase feeling ko nagtataasan yung mga balahibo ko.

Ng makapasok na kami sa room ay agad na dumiretso kami sa upuan namin sa likod kung saan naghihintay yung isa pa naming kaibigan, yung crush ni papay, yung ship ko haha.

"Hi ken!"bati ko.

"Good morning papay! good morning dawn!" masiglang bati niya samin pero napairap si papay.

"anong good sa umaga ken? tss" badtrip na sabi ni papay

"eto naman ke aga aga sinusungitan ako!" nagpout si ken.

"pake mo ba? dun ka nga! nagsasawa na ako sa mukha mo!"napairap nalang ako.

jusko napakapabebe, halatang halata na nagpapansin sya kay ken.

nasa kalagitnaan ako ng panonood ng pagbabangayan ng ship ko ng may babaeng tumatakbo ang lumapit sa amin.

"Si taemi! may kaaway!" napatayo ako bigla.

da fuq?

"Ang aga-aga naman magwala ng mokong na yon"dismayadong sabi ni papay.

di ko sila pinansin at tumakbo palabas, takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating kami sa hallway at naabutan namin na pinagtutulungan si taemi.

"Hoy ano yan!" may narinig kaming pito ng guwardya, hinila ako ni papay kase baka madamay kami sa magaguidance pero heto ako dirediretso.

"patay kayo kay dawn"natatawang sambit ni taemi kahit nakadapa na sya sa lupa, kumulo ang dugo ko at sobrang nagalit ng makitang sinipa pa nila si taemi sa mukha.

Kasabay ng pagsapak ko sa lalaking sumipa sa mukha ni taemi ay biglang kumidlat ng pagkalakas lakas.

may sasabihin ako sainyo, napansin ko lang ah? laging sinasabayan ng langit yung mood ko.

tumama ang kamao sa isa pa at nagpadugo yun sa ilong nya.

sisipa pa sana ako pero biglang dumating yung gwardya at binuhat ako.

"FUUUDDGEEE ANO BA!? IBABA MOKO!" sigaw ko.

"sa office na kayo magpaliwanag! " argh! ano ba to? pulis lang ang peg? sa prisinto na kayo magpaliwanag ganern? argh! bwisit.

sinamaan ko ng tingin si taemi ng nakangiti syang nakatingin sakin tapos nagkibit balikat din.

sa office.

"miss dawn, pati ba naman ikaw kasama sa gulong to?"bulyaw samin ng matabang principal namin.

"Kaibigan ko ho, ang inagrabyado hindi naman ata ako makakapayag na hindi ako makatulong--

"pero hindi tulong ang nagawa mo! nakagulo ka lang lalo!"bulyaw naman sakin ng payatot nyang assistant.

"so anong gusto nyo? hayaan ko syang mabugbog ganon? tss, tara na nga taemi" sabi ko at hinila si taemi.

Nabibwisit talaga ako eh.

"ikaw! Bat mo hinahayaang mabugbog ka nila? ikaw ang may-ari ng eskwelahang to tapos ganon ganon lang?argh! bwisit ka taemi!"bulyaw ko sakanya ng makalabas kami ng office

"sorry na babe! hahahaha ang aga aga ang hot mo! mamayang gabi nalang sana! hahaha"piningot ko sya.

"tigil tigilan moko taemi ha?" sabi ko at kinaladkad sya papuntang clinic, jusko tong lalaking to.

A/N: Handa naba kayong umiyak sa next chapter? lol! haha

University of High's (COMPLETED) (NOW IN MAJOR EDITING) #WATTYS2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon