ADIK #4 (Welcome to UOH)

2.3K 94 3
                                    

CHAPTER FOUR

"Forget the past, and start a new beginning"

DAWN'S POV:

"Ano ba kaseng ginawa mo?"

"wala akong ginagawa"

"eh bat sya nahimatay?"

"eh aba, tinawag nya ang pangalan ko edi automatic na susulpot ako! at ang malala tinawag nya ako sa alanganing oras! buti nga at nakatapis na ako nun at nagtotoothbrush nalang!"

"aish! alam mo naman siguro na baguhan sya diba?"

"oo na, oo na haist.."

Napadaing ako ng maingayan sa mga boses na naririnig ko, gusto ko pang matulog, istorbo sila.

pero dahil maingay talaga sila eh bumalikwas ako ng bangon habang nakapikit at sinigawan sila.

"PWEDE BA!? ANG INGAY INGAY NYO! MAY NATUTULOG DITO EH!" sigaw ko at nahiga ulit, peste mga istorbo.

teka.

parang may mali.

Napadilat ako ng mata at gulat na gulat na napatayo.

"N-nanaginip parin ako hindi ba? hindi kayo totoo diba? diba?" tanong ko sa dalawang babaeng nakatayo sa harap ko.

"totoo kami, dawn." sabi ng isang babae.

napasabunot ako sa sarili ko, myghad this cant be happening.

akala ko ba sa mga pocketbooks lang may ganto? sa mga stories lang! pero ano tong nangyayari!?

"o-okay, ngayon ipaliwanag nyo sakin kung anong l-lugar to" sabi ko pero nakahawak parin sa buhok ko na kulay dark blue na ngayon.

teka ano!?

"what the fuck!? anong nangyari sa buhok ko?" gulat kong tanong.

"There is the bathroom, may salamin sa loob nun, you are free to look up of your real changing features" nakangiting sabi sakin ng isang babae na may pangil at buntot tapos maliit na sungay at singkit na mata tapos aish! basta mukha syang ewan pero maganda.

agad agad na tumakbo ako papuntang CR at natagpuan ko ang isang whole size mirror na nasa loob nito at lumapit.

Yung buhok ko, naging dark blue ang kulay.

At yung kulay ng mata ko...

lumapit pa ako ng husto sa salamin para makita ang mata ko at napanganga.

I can see,it changing its own color! nagiging dark blue din sya!

napaatras ako sa salamin ng makitang may something na umiilaw sa dibdib ko, sinilip ko ito at nagulat ng makitang umiilaw yung balat ko (mark sa dibdib) in a dark blue light.

In a snap ay napatingin ulit ako sa salamin at napanganga sa itsura ko.

"Mukhang tapos na ang pagbabago ng itsura mo, and ooh~ it fits you so cool!" sabi ng babaeng may buntot at pangil sakin na kakapasok lang dito sa dambuhalang CR.

University of High's (COMPLETED) (NOW IN MAJOR EDITING) #WATTYS2019Where stories live. Discover now