ADIK #9 (Wonder pets)

2K 77 1
                                    

CHAPTER NINE

DAWN'S POV:

"Bukas na daw yung elimination round!"

"oo nga, sana matira yung fam ni miss dawn"

"yah, mukhang malakas si miss dawn, kakayanin nila yan"

Napabuntong hininga ako, so bukas na pala yung elimination round ng dalawang mababang grupo? grabe hindi ako aware, ni hindi pa nga ako nakakasubok na gumawa ng mission kasama ang fam.

lunch na, bakit ni isa sa mga kafam ko walang nagpapakita?

"uyy~ hi there debeli" nginitian ko si sam saka si aelo tapos si drake .

"Hi wonder pets" sabi ko.

"oh? mukhang malungkot ka ah?" si drake.

"ah, hindi gaano" sabi ko at ngumiti.

"hinahanap mo ba si ash? ayieee~" tss tong mga to -.-

"oo hinahanap ko pfft" sabi ko at kumagat ng sandwich ko.

"Balita ko, elimination round na bukas, handa na ba kayo?" si aelo.

"yun nga eh haist, ni isa sa mga kafam ko hindi ko pa nakikita ngayong araw, kinakabahan tuloy ako para bukas" sabi ko.

"ganun ba? anong kapangyarihan ba meron ka? baka matulungan ka naming magsanay, tutal next week pa ang simula ng battling training mo kase baguhan ka lang" ako lang ba? o parang double meaning yung sinabi ni sam?

"ahm, kaya kong magkontrol ng tubig" sabi ko.

"tapos??"

"di ko na alam"

(.__.") -sam at aelo

(°___°) - drake

/(.___.")\ - ako.

"Ang sabi nila, may kinalaman daw ang itsura sa kung ano ang kakayahan mo" si drake.

"subukan mo ngang magpaulan" straight na sabi ni aelo.

"e-eh?" nagulat ako sa sinabi ni aelo maski si drake nagulat.

"Isipin mo yung mga bagay na nagpapalungkot sayo" si sam.

"u-uy! ang intense nyo naman! malungkot na nga, ipapaalala nyo pa? tsaka, si aelo lang naman yung may kakayanan na magpaulan o magpaaraw " si drake.

"try lang natin" sabay na sabi ni sam at aelo.

okay? ako lang ba? pero parang may paghihinala tong dalawa.

"hayss okay okay tatry ko" sabi ko.

inisip ko yung mga malulungkot na bagay pero hindi naman ako naapektuhan at hindi nalungkot kase natatawa ako sa itsura netong tatlo kaya imbes na umulan mas lalong gumanda ang panahon kaya bumuntong hiniga si aelo at sam.

nagkatinginan silang dalawa at napailing.

"ngayon, try mong kuhanin yung tubig na nasa ulap" nakangiting sabi ni drake.

tumango ako at itinaas ang kamay ko at nagulat ako ng sumunod sa kamay ko yung ulap at naging tubig.

"ngayon, try mong gawing mga patusok yang tubig na yan tapos gawin mong yelo at ipabagsak dun sa may puno" tumango ako at ginawa yung sinabi ni drake, naging patusok naman sila pero hindi sa puno tumama, kundi sa kung saan saan.

may tumama pa nga dito sa may lamesa namin, ang laki nya syet..

"oops hahahaha" nagtawanan kaming apat pero nawala yung tawanan namin ng may lalaking nagaapoy ang lumapit samin, mukhang natamaan sya nung patusok na yelo.

at bakit parang familiar yung mukha nya? parang kamukha nya yung lalaking humawak sa balikat ko kahapon!

kinausap sya nilang tatlo at heto ako, nanonood sakanila.

nakatingin ako dun sa lalaki at inisip ko na kung kaya kong mangontrol ng tubig, baka pwede rin ang dugo?

lahat sila nagulat ng biglang manigas at dumaing sa sakit yung lalaki, pero heto ako nakatitig parin sa lalaki at pilit pinaglalaruan, parang gusto ko manakit? gusto ko syang kontrolin!

sa isip ko lang sya kinokontrol at natutuwa ako kase nagagawa ko!

pinilipit ko yung leeg nya at kinontrol ko yung dugo nya at binalibag sya sa lupa.

pinatayo ko ulit sya at pinabuka ang bibig at pilit na kinikuha mula sa katawan nya ang lahat ng dugo na meron sya.

mailalabas nya na sana ng biglang may itim na usok na nagtakip ng mata ko at nawalan ako ng malay.

Aelo's POV:

"Pagpasensyahan mo na kung natamaan ka namin, hindi namin sinasadya, sinasanay namin kase sya"

"ganun ba? sige okay lang, no biggie"

"salamat tol"

"y-yeah" paalis na sana yung lalaking kausap namin pero bigla syang namilipit sa sakit at parang lalabas na yung mata nya.

"okay ka lang?" hahawakan ko sana sya sa balikat pero hindi pa nadapo ang kamay ko sa likod nya eh agad nya na itong nahampas.

"t-tulong" naninigas na sabi nya.

medyo napalingon ako sa gawi ni dawn at laking gulat ko ng makita ang nakangisi nyang labi habang walang kaemoemosyong nakatitig sa lalaking namimilipit ngayon sa sakit.

para syang tuwang tuwa sa mga nangyayari, ewan ko pero kinilabutan ako sa itsura nya.

maya maya pa ay nakita ko ang kapatid ko-- si ash na tumatakbo papunta kay dawn? teka ano bang nangyayari? tapos nagulat ako ng bugahan nya ito ng usok at nawalan ng malay si dawn, nasa likod naman ni ash sila eka the pusher at ang kapatid nito na parehas bakas sa mukha ang takot.

Ash POV:

"what!? sya!? sya yung elemental heiress ng tatlong malalaking tribo!?" eka ask me with shocked on her face.

"yeah, and we tell you this things cause we know you know how to solve this shits" i said, calmly.

"tss kaya naman pala tinitignan nya lang ako, pero heto ako at nilalamig na agad at hindi na makahinga tapos hinang hina" sabi ni fire na nakasagupa na ni dawn.

"Shes incredibly strong! so scary!" sabi ni camile na syang nagpaliwanag sakin kanina tungkol sa nakita nya at napansin nya kay dawn.

"we need to find her now, bago pa tayo maunahan ng mga black demons" sabi ni eka at dali dali kaming nagsipagtakbuhan.

naghiwahiwalay kami sa paghahanap sakanya, actually i really dont care at dahil sa gutom ako, dumiretso ako sa canteen and then i saw her there, controlling a one stupid man with her own eyes.

I immediately take out some of my ashes and burst it out on her for her na mawalan ng malay.

hinihingal na nilapitan ako ni eka sa likod ko.

"whats up with this bro?" aelo ask me.

"None of your useless business" sabi ko at binuhat si dawn na walang malay at sinundan si eka sa paglalakad.

sandali lang akong nawala puro kaguluhan na agad ang ginawa tss.

A/N: ^0^ hi guyseu!

University of High's (COMPLETED) (NOW IN MAJOR EDITING) #WATTYS2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon