CHAPTER ONE

17.1K 252 3
                                    


ARZEL 


NAPANGITI ako habang nakatayo sa harap ng gate.Manghang-mangha ako sa laki ng bahay,no hindi siya bahay kundi mansiyon.Ang laki pala ng mansiyon ni ninang Kristy tapos siya lang mag isa ang nakatira dito. Pero ngayon hindi na dahil nandito ako, at dito na ako titira kasama siya.


Mabilis kung nilabas ang phone ko."Syempre selfie muna sa bago kung matitirhan"kausap ko sa sarili ko at nag selfie habang pinangangalandakan ang malaking mansiyon sa likuran ko."Excited na ako!"dagdag kung sabi sa aking sarili.

Isa-isa kong hinila ang tatlong maleta.Hirap na hirap pa ako sa pag hila ng tatlong maleta ko dahil sa sobrang bigat, pero di bale dahil may mag hihila na para sa akin nito ngayon.Nang nasa harap na ako ng gate nag door bell ako ng dalawang beses, ilang minuto pa ay lumabas ang mga katulong at pinag hila ko sila ng mga bagahe ko.

Agad naman akong pumasok sa napakalawak na hallway, kaya naman panay ang selfie ko.Namangha ako sa gara ng mga sasakyan na naka parada sa bawat gilid ng hallway."Wait"sigaw ko.

"Maam?"tanong ng katulong.

"Kunan mo ko ng litrato yung maganda ah.Ipo-post ko pa yan sa Ig"sabi ko at nag pose.Nakailang pose pa ako sa iba't ibang sasakyan doon bago ako naglakad muli.Nang marating ko na ang pinto kumatok muna ako ng tatlong beses.Hindi ko na inantay yung mga katulong dahil sa sobrang bagal nilang mag lakad.

Nang bumukas iyon ay agad kung tinulak ang pinto para makapasok ako ng tuluyan."Hi kuya paki dala nalang ng mga gamit ko sa kwarto ,ayun oh paki kuha nalang.Nga pala saan ang magiging kwarto ko? Malaki ba siya ? malinis na ba? Kulay violet ba?"sabi ko habang patuloy sa pag pasok sa loob.

"Hoy trespassing ka!"sigaw ng lalaki na nasa likuran ko at nakasunod lang sa akin.

"Teka kuya saan ba ang magiging kwarto ko?"tanong ko saka nag patuloy pa rin sa pag akyat patungo sa second floor ng mansiyon."At anong trespassing kuya? Gusto mo bang masesante?"tanong ko sa kanya.


Binuksan ko ang unang pinto na madaanan ko pero hindi kulay violet ang loob ng kwarto.Binuksan ko ulit ang katapat na pinto pero ganun pa din plain white lang.

"Hey! Who are you?!"galit na sigaw niya at hinawakan ako sa braso pero winaksi ko ang kamay niya para hindi ako mahawakan."Manang!!!!!"malakas na sigaw niya.

Pero hindi ko siya pinansin at binuksan ulit ang pinto, and luckily kulay violet ang loob pero kulang sa gamit.Kaya binuksan ko ang katapat nitong kwarto kaya pumasok na ako."Wow!"sigaw ko.

Ginala ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto,kompleto sa gamit.At may malaking salamin pa saka mga beauty product.Napansin kung hindi na naka sunod ang lalaki sa akin kaya malaya akong makakagalaw.Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa akin ang malaking kwarto na naglalaman ng mga damit.


"Grabe ang mamahalin naman nito"sabi ko at hinawakan ang dress.Hinanap ko ang tag ng damit."Wow Lazaro at ito pa Tulle Sequin"dagdag kung sabi saka patakbong lumapit sa mga high heels na naka lagay sa iisang lalagyan.

Nang mag sawa ako sa pag usisa sa mga gamit ay sunod kung pinasok ang bathroom."Wow! grabe ang ganda"sigaw ko lumapit ako sa bathtub na nasa gilid."Ang linis linis ang ganda pati mga shampoo ang mamahalin.Para akong prinsesa"sabi ko at lumabas ng banyo.


Umupo ako sa kama at hinagod ang kumot."Sobrang lambot ng kama ko ang sarap tumalon"sabi ko at hinubad ko ang rubber shoes ko at nag talon talon sa ibabaw ng kama saka humiga.

Keiv Guzman ESCAPE SERIES THREE: [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now