CHAPTER NINE

9.7K 204 6
                                    


ARZEL 


ILANG araw akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa message na natanggap ko mula kay adam.Halos mag kulong na ako dito sa loob ng kwarto ko dahil sa takot na mahanap ako ni Adam.Alam ko kung paano mag isip yung pinsan kong yun, mas hayop pa siya sa hayop.At ayaw ko naman na madamay si ninang at Keiv.


Hindi ko alam pero napapansin kong panay ang ngiti ni Keiv nitong mga nagdaang araw. Hindi naman kami nag uusap lagi ,eh sa hindi naman kami close.Tsaka yung about sa nangyari sa amin. Sobrang espesyal nun ,pero ayaw ko na maulit yun.


"Goodmorning love"bati ni Keiv sa akin nakakapasok lang sa dinning area.Humalik pa ito sa pisngi ko saka umupo sa upuan niya.

Tinignan ko siya ng masama."Hoyy! ikaw lalaki ka,nakakarami ka na ah.Tsaka"lumapit ako ng kaunti sa kanya."wag ka ngang ganyan, baka may makakita sa atin at malaman pa ito ni ninang"sabi ko.


Nilagay niya sa ibabaw ng mesa ang kamay niya at sumandal sa upuan."Mas maganda nga yung malaman niya.Atleast mapapanatag ang loob ko"sabi niya. 

He wiggle his brows at me.

"Well sa akin hindi! Ano nalang ang sasabihin niya sa akin ha? "inis na sabi ko.Mabilis akong tumayo at nag lakad papunta sa kwarto ko.Ni-lock ko iyon para hindi siya makapasok.


Nakakainis talaga ang lalaki yun.Lahat nalang ng gusto niya ay laging nasusunod.Hindi man lang ba niya naisip na maaari akong mapahamak sa mga desisyon niya.Kainis!


"Love?"tawag niya mula sa labas ng kwarto.Dumapa ako sa kama at kinuha ang phone ko.Nagpalit na ako ng sim card ,baka kasi mag message ulit si Adam."Love?! open this door!"hindi ako nakinig sa kanya.


Bahala siyang mag wala dyan sa labas.Sinalampak ko ang ear phone sa tenga ko at nag hanap ng mga kanta.Nilakasan ko pa lalo yung volume kasi rinig na rinig ko na yung pag mumura niya sa labas ng kwarto at nakakairita na talaga.


Napatingin ako sa pinto ng bumagsak iyon."What the hell!!!"sigaw ko at tinggal ang ear phone saka padabog na tinapon sa kama ang phone ko."Anong ginawa mo!"

"Ayaw mo kasi buksan yung pinto kaya sinira ko na"mapang asar niyang sabi.Inismiran ko lang siya tsaka nilampasan.Mabilis niya akong hinarang kaya napahinto agad ako.

"Ano na naman?!"inis na tanong ko.Nakakainis na talaga tung lalaking 'to.Di talaga siya pumapalya sa pang iinis sa akin.Hindi niya ako sinagot,instead he drag me into his room.

Napatulala ako sa harap niya alam ko na kung ano ang kailangan niya.Kaya pala lagi niya akong iniis.Dahil gusto niya ng...

He faced me.Yung literal na one inch lang ang gap ng mukha namin."Before you think too much,here"sabi niya.

"Ano 'to?"tanong ko.

Nag poker face siya."Kainin mo kaya para malaman mo"sabi niya.

"Tsk!"umupo ako sa kama niya at binuksan ang maliit na black envelope.Binasa ko ang nakasulat doon.Isang bachelor party? "At aanhin ko naman ito? Eh hindi naman ako grumaduate sa college kaya bakit ako may invitation?"


"Isn't it obvious, I want you to be my date"sabi niya at humiga sa kabilang side ng kama niya.Mabilis akong tumayo.Nako nako ,alam ko na yang galawang yan.

Keiv Guzman ESCAPE SERIES THREE: [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now