CHAPTER TEN

9.7K 205 4
                                    


ARZEL


HINDI ko maintindihan kung bakit bigla bigla nalang nag iiba ang ugali ni Keiv.Hindi ko alam kung may saltik ba yung gagong yun.Natatakot ako syempre hindi ko naman alam kung kung may mas lala pa sa pinag gagawa niya sa akin.Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Hija? "tawag ni ninang. Mabilis akong napatingin sa kanya.Nakabalik na pala ako sa kwarto ko ng pagkatapos ng nangyari kanina.Humarap ako sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Ninang ,Im sorry po talaga. Noong unang may nangyari sa amin ni Keiv ,aminado po ako na... gusto ko yung ginawa namin.Pero ninang hindi ko naman po balak na itago ito e, papalayasin niyo po ba ako ?"deretcha kong tanong.


Umiling-iling siya saka niyakap ako ng mahigpit."Im sorry Arzel, sobra sobra na ang mga pinag daanan mo sa mga pinsan mo tapos ito pa ngayon"sabi niya.Bumitiw siya sa pag kakaakap  sa akin at tingnan ako ng mabuti."Please maging matatag ka, kung may malaman ka man wag mo sana iwan si Keiv. Pag sinaktan ka niya ulit sabihin mo sa akin, at ako na ang bahala"


Hinawakan ko ang kamay niya."Ninang ?Ano pong ibig ninyong sabihin, na pag may nalaman ako wag kung iiwan si Keiv"tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim." He has a disorder. Nangyari ito ng iwan at hiwalayan siya ng dati niyang kasintahan.Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito siya sayo.Alam kung sanay siyang laging iniiwan at binabalewala ,pero when it comes to you,nagbabago ang ugali niya.Kaya ka niya nasasaktan kasi natatakot siyang iwan mo siya ng mag isa gaya ng ginawa ng ex niya."sabi ni ninang.Huminga siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko ng mahigpit."I hate telling this, but you deserve to know it. He is obsess, totally obsessed with you"


Halos maubosan ako ng hangin at parang natulos sa kina uupoan ko.Hindi ako makapag isip ng tama dahil sa nalaman ko.Dapat ba akong matakot o dapat may gawin ako para sa ika bubuti ni Keiv?.Alam kung nahihirapan si ninang sa sitwasyon na ito ngayon pa't nalaman ko na ang totoo.


Ngumiti ako sa kanya."Huwag po kayong mag alala ninang mahal ko po si Keiv at hinding hindi ko siya iiwan.Pero sana pag umabot na siya sa punto na sobra na ang pananakit niya sa akin, iiwan ko po talaga siya.Ayaw ko naman po maging punching bag nalang ng anak niyo"natatawang sabi ko.


"Thank you,Arzel"sabi niya at niyakap ako ulit.Kung hindi kaya ni ninang ang tulongan si Keiv sa sitwasyon niya.Ako na ang gagawa nun para sa kanya, bilang ganti nalang din sa lahat ng utang na loob ko sa kanya.   

' Pero sana huwag umabot sa punto Keiv na gagawin mo din yung ginagawa ng mga pinsan ko sa akin noon.Dahil pag nangyari iyon hinding hindi kita mapapatawad '


Mag aalas onse na pero hindi pa rin ako makatulog.Bigla akong nakaramdam ng pag ka uhaw kaya napag desisyonan ko na tumayo at lumabas ng kwarto.Pababa na sana ako ng madaanan ko ang library nila Keiv.

Napatingin ako sa nakauwang na pinto may ilaw pa sa loob.Baka naman si ninang ang nasa loob.Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.Nagulat ako ng may humila sa akin papasok sa loob.


"K-keiv?"utal na tanong ko.Amoy na amoy ko ang alak na nang gagaling sa bibig niya.Napatulala ako ng makita ko ang mata niya.Pula ito at halatang umiyak siya.

Keiv Guzman ESCAPE SERIES THREE: [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now