Chapter 3: Mommy Dee

173K 2.8K 78
                                    


Geneva's POV

Late na akong nagising kinabukasan dahil napagod talaga ako kagabi sa party. Naka-heels ba naman kasi ako buong gabi saka nakatayo ako the whole time dahil sa kahihintay ko habang nakikipag-usap siya sa mga tao roon.

Buti na lang talaga dalawang araw ang off ko at bukas pa ako babalik ng trabaho kaya makapagpapahinga pa ako.

Bumaba ako at nakita ko si Jinggay na nanonood ng TV sa kusina. Ang sarap talaga ng buhay niya. Panood-nood lang sa trabaho. Sabagay, hindi naman kasi nagagalit si Ralph basta nagagawa lang nito ang trabaho niya lalo na pag nandito siya.

"Jinggay, bakit dito nakahanda ang agahan? Wala ba si Ralph?"

Agad naman siyang tumayo at nakangiting lumapit sa akin na parang kilig na kilig. "Dito ko po hinanda sa kitchen kasi sabi niyo po na pag wala si Sir ay dito tayo kakain kasi mas masarap kumain dito sa kitchen. Wala po kasi si Sir ngayon. Umalis agad kanina paggising niya."

Late na kaming umuwi kagabi tapos maaga pa siyang nagising. Alas otso pa lang nga ngayon tapos wala na siya. Gaano ba kaaga umaalis 'yon? Saka ano ba talaga ang trabaho n'on bakit ang busy niya sa life? Mas madalas pa ako rito sa bahay niya kaysa sa kanya.

Napakunot ang noo ko dahil sa mga ngiti ni Jinggay. "Bakit ganyan ang ngiti mo?"

Tinuro ng nguso niya ang TV. "Nanonood po kasi ako ng balita at kanina pa kayo naka-broadcast sa TV kasama si Sir Ralph. Pinag-uusapan po kayong dalawa dahil magkasama kayo kagabi sa party at dahil kumalat na sa lahat na mag-asawa na kayo. Grabe kahit alam kong set up lang ni Sir ito pero kinikilig pa rin ako. Parang totoong couple kasi kayong tingnan sa pictures, Ma'am!"

Napatingin ako sa TV na tinuturo niya at nandoon nga ang mukha namin ni Ralph. Buti na lang at magandang angle ko ang nakuha nila riyan. Binasa ko ang caption at nakalagay roon na 'Ralph Tan is already married. He was found together with his wife at a business party.'

"Bakit parang sikat na sikat siya riyan? Artista ba siya na hindi ko alam?" takang tanong ko.

"Si Ma'am talaga nagpapatawa. Siyempre po dahil ang gwapo gwapo ni Sir saka isa siya sa hinahangaan ngayon dahil siya ang one of the youngest businessmen ng bansa. Marami nga po ang nainggit sa inyo sa Twitter dahil kinuha niyo ang pantasya nila saka nabawasan na raw ang gwapong bachelor ng bansa."

Napailing ako sa kabaliwan ng media at internet na 'yan. Wala naman silang ikaiinggit dahil hindi naman sweet si Ralph. Kung alam lang nila may tinatagong ugali 'yon. Sapilitan ba naman akong ipakasal sa kanya? Tsk.

"Pwede bang ilipat mo na lang ang channel? Ayoko kasing marinig 'yan." Ayokong makinig ng chismis. Masaya na ang buhay ko bilang stewardess at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Nilipat naman niya ang channel saka sabay kaming nag-almusal na dalawa. Hinintay niya pa raw ako. Tinulungan ko si Jinggay na maglaba pagkatapos naming kumain. Medyo basa nga ang damit ko dahil natalsikan ako ng tubig. Kamay lang kasi ang gamit ko sa paglalaba ng uniform ko. Madali kasing masira ang damit pag washer and dryer ang gagamitin, eh.

Kinuha ko ang mga damit ko at sinampay sa likuran ng bahay habang tinatapos ni Jinggay ang ibang labada. Biglang nakarinig kami ng may nag-doorbell kaya naman ako na ang pumasok sa loob para buksan yung pinto. Hindi naman siguro si Ralph ang dumating kasi hindi naman 'yon nagdo-doorbell dahil may susi naman iyon ng bahay niya.

Pagbukas ko palang ng pinto ay ngumiti na agad ako kahit hindi ko alam kung sino ang nasa labas. Isang may edad na babae ang bumungad sa akin at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na ikinailang ko. Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko.

"Hija, oh my! Totoo nga ang nabalitaan ko, ang ganda ganda mo!"

Kunot-noo ko siyang tiningnan nung pinakawalan niya ako ng yakap. "Sino po kayo?"

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon