Chapter 6: Her Boss

155K 2.6K 86
                                    


Geneva's POV

Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Ralph kagabi. Sinong tao ang ayaw ng bata? Tss. Abnormal siguro ang taong 'yon.

Mas lalo lang akong nainis nung marinig ko ang kwentuhan nila ng mga kaibigan niya habang naglu-lunch kami. Mamayang hapon pa kasi ang kasal.

"So how's your marriage life, Ralph?" tanong ng isang kaibigan niya na mukhang chick boy kung makatingin. John yata ang pangalan.

"I don't feel it," simpleng sagot nito.

"Ano wala ka man lang masasabi? Napakaganda kaya ni Geneva. Baka gusto mong totohanin na lang lahat sa inyo." Sabay ngisi nung John sa akin na ikinapula ko.

Napailing siya. "I am just happy I got rid of those paparazzi and crazy women following me. Now, I can fully concentrate on my business ventures."

Ouch. Ang sakit, mga bes.

Panangga lang talaga ang role ko rito sa mga naghahabol sa kanya.

"Nako, Ralph. Wag kang magsalita ng ganyan. Pag hindi mo itinuring na asawa 'yang si Gen, baka maghanap ng iba 'yan, lagot ka."

Alam na rin ng mga kaibigan niya ang tungkol sa set up namin.

Tumingin sa 'kin si Ralph saka kampanteng tumingin sa kanila. "She cannot do that. I will never let that happen as long as she's tied to me. I will get rid of those people who happen to take what's mine."

Napairap ako sa kanya.

Ang sarap niyang sakalin, sa totoo lang. Anong akala niya sa akin? Bagay na pagmamay-ari niya? Hindi pwede 'yon. Sabi nga nila, if you love someone, you just love them, but you don't own them.

Wait, anong connect n'on? Eh hindi naman ako mahal ng lalaking 'to kaya malamang inaangkin niya lang akong kanya.

"Let's change the subject. Hindi dapat ako ang topic dito. Dapat si Mike."

"Well, wala naman akong masasabi kay Mike kundi ang patay na patay siya kay Amber." Sabay tawa nila.

"At least ako, loyal. Hindi tulad niyo na tumatanda na pero nagloloko pa rin. Ang sarap kayang ma-in love at bumuo ng pamilya," sabi nung Mike. Mabuti pa siya totoong lalaki.

Napatingin ako kay Ralph na walang reaksyon.                

Sana pareho sila ng paniniwala ng kaibigan niya. Gusto kong umasa na magbabago pa siya. Napailing na lang ako. Baka hopeless case na ang lalakeng 'to.

"Let's take a swim. Minsan lang tayo magsama-sama at makapag-relax nang ganito," sabi ng kaibigan niyang isa na si Bob.

Nag-swimming ang magkakaibigan at sumama rin si Ralph. Hindi na ako sumama sa kanila kahit niyaya ako ng mga lalaki. Hindi naman kasi si Ralph ang nagyaya kaya wag na baka ayaw niyang nandoon ako. Baka sabihin pa makikigulo ako sa kanila.

Wala naman kasi silang kasamang babae na makakasama ko. Hindi nga kasi nagseseryoso ang mga 'yon kaya hindi nakapagtataka. Sa mayayamang gaya nila, pampalipas oras lang ang mga babae sa kanila.

Naglibot-libot na lang ako sa resort. Napadaan ako sa harap mismo ng resort dahil sa nalibot ko na agad lahat. Napakunot ang noo ko nung may makita akong pamilyar na itsura. Dahan-dahan akong lumapit dito.

Napangiti ako nung makita ko ang mukha niya. "Sander?"

Lumingon ito sa direksyon ko. Siya nga!

Nilapitan ko siya at napangiti ako nung ma-recongnize niya ako. "Geneva?"

Tumango ako.

"Ako nga." Grabe hindi ko akalaing magkikita kami ulit at dito pa. "Invited ka rin sa kasal?"

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon