XXXI

1K 33 17
                                    

Zidane's Point of View

That sucks! Bad news for the entire band yung phone call. Double celebration sana kasi may newly born sina Bernard and Lovely kaso ito last minute na tangal sa line up ng Vesuvius. Ano na gagawin namin nito? Kung pwede lang sana pakiusapan yung organizer in person why not? Sa phone call and email lang kasi namin sila nakausap. And si Adi talaga yung nag-organize kung paano niya kami na back up makapasok sa line up.

"Hay buhay nga naman oo." Na sa kama ako strumming chords on my acoustic guitar. I'm trying to write a song pero blocked ang creative juices ko.

Nakakadismaya pa rin talaga. Ramdam ko pa yung fresh memory on how Adi explained to me everything. Yung saya namin kahapon naging katahimikan. Nakakawalang gana tuloy mag-practice as a band dahil wala na kami sa line up. Tapos wala pang for sure na gig schedule for the next 4 weeks. Ano na kaya gagawin namin nito? Mag-record ng demo? As if may pera ang ibang members eh kakapanganak lang ni Lovely for sure wala pang budget yun mag-rent ng studio.

"Hmm ano kayang chords? G-Am-C-D." I strummed some chords pero wala pa rin talagang synchronized melody and lyrics na pumapasok sa akin. Nakakainis nga naman oh!

"Kung mag-solo kaya muna ako? Kaso ewan ko lang kung may gigs si Victor. " Naiisip ko ulit tumugtog ng mga solo acoustic gigs. Gusto ko ulit tumugtog ng may crowd. Malaking opportunity sana yung Vesuvius eh.

Bumaba ako sa living room ng bahay namin. Nakatambay doon yung kapatid ko na si Ceej. Ayun nood ng anime for 4 hours tapos multitasking ng school projects. Magaling diba? Ewan ko lang kung na-ge-gets niya pa yung kwento ng pinanood niya since napaka-hirap ng school project na ginagawa niya. Science project ba naman.

"Ceej ano pagkain sa fridge?" Tanong ko sa younger sis ko pagdaan ko ng living room.

"Oh? Kuya nabuhay ka! 12:30PM na oh! Akala ko mamayang hapon ka pa magigising." Gulat na sagot ni Ceej.

"Haha nagutom lang naman ako."

"Iyan kasi kahapon ano oras ka na umuwi? 11:30 ng gabi. Kamusta naman yung bagong baby ng bandmate mo? Mukhang nag-celebrate ata kayo ah." Enthusiastic na tanong ni Ceej.

"Nako Ceej ganda ng pangalan ng anak nina Bernard at Lovely. Russian na Russian!"

"Haha! Ano?"

"Dimitri! Haha natawa nga kami eh. Pero ok lang din kasi cool and catchy." Naalala ko pa kasi kagabi nung nagpa-deliver kami ng pizza sa hospital tapos doon sila nag-brainstorming ng names.

"Haha! Parang vampire name nga kuya eh!"

Dumaan muna ako sa kitchen para kumuha ng food. May lasagna na niluto si mommy iinitin ko na lang siguro. Tapos may cranberry juice na rin as a source of antioxidant and vitamin C. Dami ko rin nakita na products ng mommy ko sa Multi Level Marketing raket niya.

"Sarap nito Ceej ah! Ito ba dinner niyo kagabi?" Tanong ko habang lumalamon ng pasta.

"Si mommy kasi may business presentation sa mga newbie sa MLM company nila. Ayun kasi madaming bisita kaya nag-luto. "

"Wow! Mukhang top earner nanaman si mommy ah. Nabasa ko sa Facebook kumita nanaman siya ng 120k."

"Oo nga eh ako nga kumita na rin ng 2500 last week." What the?

"Ikaw? Weh? Akala ko ba ayaw mo ng networking?" Gulat na tanong ko kay Ceej.

Ito naman kasi itong babaeng ito. Nung bagong sali mommy ko sa networking napaka dami niyang pinagsasabing skeptical tungkol sa MLM business. Pero itong mommy namin persistent matuto kaya ayun kumita na parang snowball.

Someday I'll be a star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon