Chapter 10: Sorry

149K 2.5K 151
                                    


Geneva's POV

Naka-pajamas na ako dahil hindi ko na inabalang magpalit pa kasi matutulog lang din naman ako pagdating.

Hindi ko inasahan na nag-aantay siya sa sala.

"Iaakyat ko na lang po ang mga gamit niyo, Ma'am," sabi nung driver sa akin.

"Salamat," tumatangong sabi ko.

Nung kaming dalawa na lang ni Ralph sa sala, medyo na-awkwar-an ako kasi ngayon lang ulit kami nagkita after a week. Nakaupo siya at nakatingin sa akin na parang meron akong ginawang mali.

"May sasabihin ka pa ba? Gusto ko na kasing matulog."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na rito ka uuwi? You wasted my time earlier na nag-antay sa wala. Do you know how much I value my time? I should have used it to something that can make me earn a profit than waiting for nothing."

Uminit na naman ang ulo ko. Hanggang kailan niya ba ipamumukha sa akin na hindi ako importante sa kanya?

"Eh bakit ka ba kasi sumama ro'n kung ayaw mo naman palang inaaksaya ang oras mo?" Nagulat siya sa pagsagot ko pero halatang hindi niya 'yon nagustuhan. "Saka alam ko kung gaano mo pinahahalagahan ang oras mo. Kaya nga hindi na kita ini-istorbo, 'di ba? Alam ko kasing negosyo at pera lang ang mahalaga sa 'yo. Baka multahan mo pa ako dahil sa pagsayang ko ng oras mo." Hindi ko maiwasang hindi sumagot sa kanya. Nakaaasar na kasi siya.

Siya lang ang tanging nagpamukha sa akin nang ganito. Paulit-ulit niya akong tinatrato na parang walang pakiramdam kung makapagsalita siya at parang trabahador niya dahil sa magaling siyang pasunurin ako sa mga gusto niya. Magaling talaga sa ganyan si Ralph.

"What did you say? You can't talk to me like that. Pinaiinit mo ang ulo ko," tagis ang bagang niyang sagot.

"Mas pinaiinit mo ang ulo ko. Oo, alam kong kabayaran ako ng utang ng mga magulang ko sa 'yo pero hindi ibig sabihin n'on ay kaya mo na akong controlin sa lahat ng bagay. Tao rin ako at may sarili akong buhay kagaya mo. Hindi sa lahat ng oras ay gagawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa 'kin. Sa pagtrato mo sa akin, parang pinamumukha mo na wala akong kwenta at wala akong karapatan para sa sarili ko. Hindi mo na rin inisip na nakasasakit ka na dahil sa mga sinasabi mo. Kung kaya mong manduhan ang mga empleyado mo, pwes ako, hindi. Magkano ba ang utang ng mga magulang ko sa 'yo? Sabihin mo at babayaran ko 'yon. Kahit gamitin ko pa lahat ng ipon ko at sweldo ko para mabayaran kita. Nang sa ganun ay makaalis na ako rito sa puder mo."

Hindi siya nakapagsalita agad. Nagulat siya sa sinabi ko. Tama nga si Mommy Dee, hindi ito sanay na may sumasagot sa kanya.

Tumalikod na ako dahil hindi naman siya sumagot. Pagod ako kaya aakyat na ako.

Pero mabilis siya dahil nahawakan niya ang braso ko at pinigilan ako. "Don't you dare talk to me like that! Hindi mo alam ang kaya kong gawin sa 'yo!" galit na galit na sabi niya. Humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya nasasaktan na ako. "Tinatanong mo kung magkano ang utang ng parents mo?" Ngumisi siya. "50 million pesos! Kahit ubusin mo pa ang pera mo sa bangko at habang buhay mong sweldo, hindi mo mababayaran 'yon. Magkano lang ba naman ang kinikita mo sa airlines?"

Napanganga ako. 50 million? Saan ako kukuha ng gano'n kalaking pera? Tama siya. Kahit habang buhay akong magtrabaho ay hindi ko mababayaran 'yon.

Ibig sabihin, makakasama ko siya hanggang sa mamatay na ako?

Napangiwi ako dahil sa sakit ng braso ko pero nakuha ko padin siyang sagutin. "I hate you! Bakit kasi pinakasalan mo 'ko! Pwede naman akong magbayad sa ibang paraan."

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon