Chapter 12: Selos? hmmmm

667 11 2
                                    

JAKI POV
     Good morning sunshineeee. Grabe ang sarap ng tulog ko kagabi, kahit medyo late na. Ang saya talaga kausap ni vice. Sa totoo lang medyo nawala sa isip ko yung pag kamiss ko kay mommy, at dahil yun kay vice kaya thanks to him. Hayyyy makababa na nga. Mukang wala pang balak bumangon ang mga ito eh. Magluluto nalang muna ko ng breakfast namin.

Mommy Che POV ( mommy ni jaki )
     Nakakamiss si jaki. Kahit ilang araw ko palang syang di nakikita miss ko na agad sya. Pero everytime na nakikita ko namam sya sa showtime na sumasayaw medyo naiibsan yung lungkot ko. Kasi nasasaksihan ko mismo kung pano na nya naabot ang kanyang pangarap. Napakasaya ko para sa anak ko at handa akong suportahan sya sa lahat ng bagay na kanyang gagawin. Oo nung una hindi ako kumbinsido sa pagsasayaw nya kasi gusto ko na mag focus sya sa kanyang pag-aaral, pero nung nakita ko sa kanyang mata at kung gaano nya kamahal ang pagsasayaw, sino ba naman ako para hadlangan yun. Mahal ko ang anak ko kaya im willing to support her no matter what happen.
  VICE POV
Good morninggggggggggggggg. Ang ganda ko talaga kahit bagong gising ang ganda ganda ko parin. Naku makaligo na nga para naman maagap din akong makapunta sa showtime.
   AFTER 25 MINUTES
Oh diba mas lalo akong gumanda? Ang saya ng gising ko kaya gusto ko ng pumasok para maishare sa madlang people ang good vibes na nararamdaman ko ngayon. Alam kung maaga pa ang pag punta sa showtime pero, meron talaga sa loob ko na gustong  pumasok ng maaga. Parang may gusto akong makita agad ganun. Hay makapasok na nga. Dina rin ako mag bbreakfast dun nalang siguro aakitin ko si jaki. Para naman mafeel nya na gusto ko talaga syang maging kaibigan.😊😊
  FASTFORWARD
Nandito nako ngayon sa studio. Mamaya-maya na siguro ako pupuntasa dance studio baka nag rirehearsal pa sina jaki eh. Makaabala pa ko.
" meme  bat parang ang aga mo atang pumasok " Bonita
  ( ps. Eme lang yang kay bonita )
  " wala naman kasi akong gagawin sa bahay eh "
" dapat sinabi mo para pumunta kami dun. Ang aga pa kaya " Bonita
  " Tapos ano guguluhin nyo lang yung bahay ko "
" hoy vaklang twoahh sina zues lang kaya mahilig gumulo ng bahay nyo pag nandun sila " Bonita
  " ay susssss, maigi pa make upan mo nalang ako. Ng mas gumanda pa ko "
 
MADC POV
   Nandito parin kami sa dance studio. Dipa kasi namin masyadong perfect yung mga sayaw eh. Kaya puspusan din yung pag papractice namin.
Pero hanggang ngayon dipa rin ako maka move on dun sa kwento sakin ni jaki kagabi. Grabe ha ibang klase si jaki ni hindi man lang sya nadala kay ate vice. And take note guys sinigawan nya pa talaga si ate vice.
  " madc tara start na ulit tayo " lars
" sige sige, susunod na ko "

JAKI POV
   Nag start na ulit yung practice namin. Grabe nakakapagod palang maging dancer. Medyo masakit na nga rin yung katawan ko eh. Kanina pa kasi kami dito eh. Dipa rin kasi perfect yung mga steps kaya nakakailang ulit na kami.
  " hoy jaki ayus ka lang ba ? " Melvie
" oo naman melvie ok lang ako "
" para kasing pagod kana eh " Melvie
  " ah hindi, ok lang ako naninibago lang siguro ako. Pero ok lang talaga ko "
" sabi mo yan. Mamaya-maya naman siguro matatapos na tayo. " Melvie
    Hay sana nga matapos na kami. Pagod na kasi talaga ko eh. Tapos ang sakit narin ng katawan ko. Nahihiya naman akong sabihin yun kay melvie. Kasi baka isipin nila na kabago-bago ko eh napaka paimportante ko.
Kaya kunting tiis pa jaki kaya mo yan. Gusto mo to diba gusto mong maging dancer diba. Kaya dapat tiisin mo yung pagod at hirap. Kasi sa una lang naman to. Kaya laban jaki kaya mo yan. 
Habang nag papractice kami eh tinawag ako ni maika.
  " jaki tawag ka ni tom " Maika
" huh? tom ? As in Tom Doromal ? "
" oo yung member ng hashtag. Nagtataka nga ko kung bakit ka nya kilala eh " Maika
" omgggg. Member ng hashtag si tom ? "
" oo, bago lang din sya katulad mo. Medyo nauna lang sya ng ilang araw sayo " Maika
  Oh my ghad. Totoo ba yun si tom member ng hashtag. Kyaaaaa ang galing naman. Nakakaproud ang lalaki yun nakakainis diko man lang alam na nasa isang studio na pala kami. Mapuntahan na nga yun.
.
.
.
  " gylllllll " Tom
" omg. Tom bakit diko man lang nalaman na member kana pala ng hashtag "
" kaya nga nandito ako eh. Gusto ko kasi sabihin sayo " Tom
"ikaw ha. Umaasenso kana ngayon. San kaba nang galing ilang taon din tayo hindi nag kita"
" galing ako sa ibang bansa. Nag aral ako dun " Tom
" bat dika man lang nag paalam sakin ? "
" sorry na, kasi si mommy masyado kung minadali kaya dina ko nakapag paalam " Tom
" dika man lang nag chat o tumawag sakin. May number mo naman ako diba ? "
" sorry na kasi gyl. Kasi nung pag dating ko dun eh nag focus na agad ako sa study ko. Tapos yung cellphone ko eh nasira  pati mga contact ko nawala kasama na dun  yung number mo " Tom
" nakakainis ka naman eh. Namiss kaya kita. Kala ko may kung ano ng nangyare sayo "
" awwwww. Namiss ako ni gyl. Halika nga dito. Namiss din kita eh " Tom
  Niyakap ako ni tom. At masasabi kung namiss ko din sya lalo na yung pagpapatawa nya sakin. Lalo na pag malungkot ako. Kaya mahal na mahal ko tong lalaking to eh. Buti nalang at dipa ko kinakalimun nito.
" kain tayo nag almusal kana ba ? " Tom
" oo pero sasamahan nalang kita. Wait lang mag papaalam lang ako sa kanila "
  Pumasok muna ko sa loob at nag paalam na kakain lang kami ni tom. Actually nag almusal na kami kanina bago pumunta dito. Pero dahil nga miss ko tong lalaking to eh. Sasamahan ko nalang sya.
Pero bago ko umalis eh kinausap muna ko ni lars

" girl jowa mo ba si tom ? "

" huh ? Bat mo naman natanong yan ? "

" eh kasi nakita ko kayong mag kayakap kanina eh. So i expect na jowa mo sya "

" ano kaba lars, hindi ko yan jowa si tom. Kaibigan ko lang yan, at ngayon lang ulit kami nag kita kaya nya ko niyakap. Nakakamiss kasi eh " paliwanag ko kay lars, to talagang si lars minsan kung ano ano din iniisip eh.

VICE POV
  Papunta na ko ngayon sa dance studio. Kasi nga diba aakitin ko si jaki na mag almusal. Malapit na ko sa dance studio nung nakita ko si jaki na kayakap yung bagong member ng hashtag. Diko sya kilala pero alam kung bago sya. Pero bakit nakayakap sya kay jaki ? Anong koneksyon nya kay jaki ? Putik ano itong nararamdaman ko. Bakit ako naiinis. Nababadtrip ako puta. Kaya imbis na tumuloy ako eh umalis nalang ako dun. Diko gusto atmosphere dun puta. Tangina bat ba ko naiinis. Diba dapat wala lang sakin yun kasi bakla naman ako.
  ( hmmm. Parang nangangamoy selos ata ah )
Di ako nag seselos author. Kaya tumahimik ka jan. Bakla ako kaya di dapat ako mag selos.
( ok, ok relax lang )
Bala ka nga jan. Nabadtrip talaga ko puta. Nakakainissssss

A/N: ano kayang meron kay jaki at tom ? Palagay nyo. Ano kayang kinalaman nya dito sa storyang to. Hmmmmm abang abang lang guys. Malalaman nyo din yan soon.
Ps: mabagal po akong mag update. Kaya kunting pasensya po. Salamat.
  Vote and comment guys. Salamat

 

GAY TURNED INTO A HANSOME MAN 💕 ( ViceJackStory)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें