Chapter 13: Jelly Vice

541 13 0
                                    

VICE POV
   Matapos yung eksenang nasaksihan ko kanina, eh nagdisisyon nalang akong umuwi. Ayoko kasing maramdaman ng madlang people na wala ako sa mood. Kaya nag dahilan nalang ako kay direct na masama ang pakiramdam ko. Buti nga naninawala sakin eh. Hindi ko alam kung bakit ganun yung inasal ko kanina, pati nga si bonita napagbuntungan ko ng kabadtripan ko eh.
FLASHBACK
" Oh, meme bakit parang ang bilis naman ata kumain ni jaki " Bonita
  " palagay mo makaka-kain kami ng ganung kabilis? Nag iisip kaba ? "
" oy, easy lang meme, nagtatanong lang ako " Bonita
" pwes wala kang karapatan mag tanong, dahil ang trabaho mo lang naman ay pagandahin ako, hindi ang makichismis "
" ay, oo nga pala no? Isang hamak na make up artist nga lang pala ako. Sorry ha, wala nga pala akong karapatan. Siguro pwede na kong umalis kasi MAGANDA KANA " Bonita

END OF FLASHBACK

haisttt ano ba tongnangyayare sakin. Naawa tuloy ako kay bonita. First time ko syang napag salitaan ng ganun. Kaya panigurado nagtatampo yun sakin. Jaki naman kasi eh, ano ba tong ginawa mo sakin bat ako nagkakaganto. Dati naman wala akong pakelam sa mga babae eh. Kahit maghalikan sila sa harap ko ok lang, pero bakit ikaw yakap lang yun ah. Pero ganto na ko mag react. Pero hindi BAKLA ako kaya dapat hindi ako mag focus sa kanya. Dapat sa ibang mga bagay ako mag focus, Hindi sa kanya, tama dapat sa boys ako nakafocus hindi sa dimple nya o kahit saang parte ng muka nya. Hayyyyy itutulog ko nalang to. Baka sakaling mawala sa isip ko si jaki.

zzZZzzzzZz zzzzZzzzzz

Nagising ako ng medyo madilim na. Ang tagal ng naitulog ko grabe. Ano na kayang pwede kung gawin? Hmmmm ay tama aakitin ko si anne mag bar sila nina vhong im sure naman na wala silang mga appointment ngayon.

VHONG POV
  Kasalukuyan akong nasa sala ngayon at nililibang ang sarili. Actually kanina ko pa kinukulikot itong cp ko wala kasi talaga kung magawa eh. Nung nag ol naman ako puro bash ang nakikita ko. Kaya minabuti ko nalang na mag log out, kesa mahawahan pa ko ng mga negang nababasa ko sa twitter.

Ring.. Ring.. Ring

" hello "
" vaklang to. Masyadong pormal ah " vice
" oh vice ikaw pala yan. Napatawag ka ? "
  Kala ko kung sino na tumawag diko na kasi tiningnan eh. Haisst kala ko si anne. Hihi
" hello vhong, ano buhay kapa ba ? "
" ay oo sorry. Ano nga ulit yun ? "
" hay nako, kanina pa ko dada ng dada tapos dika pala nakikinig. Nasan bayang utak mo ? "
" sorry na nga, may kinuha kasi ako " pagdadahilan ko kahit ang totoo naman nakay anne yung isip ko
" so ayun na nga. Gaya ng sinabi ko kanina na hindi mo naman pala naiintindihan na punyeta ka. Gusto ko sana mag bar ngayon. Ang dami ko na kasing iniisip eh. Gusto ko naman mag libang kahit papano "
" huh ? Eh diba nga may sakit ka. Kaya nga absent ka kanina diba ? "
" at naniwala ka naman dun? Hoy tandaan mo bihira mag kasakit ang kabayo "
" sabagay may point ka. Lalo na ikaw yung reyna nila. Talagang dika nga magkakasakit "
" ang dami mong satsat. Ano sasama kaba ? Tatawagan ko na si anne at karylle. "
" kasama si anne ? "
" oo nga paulit-ulit kasasabi ko lang diba ? Ano sasama kaba ? "
" o-oo sasama ko. Magbibihis lang ako "
" sige kita nalang tayo sa *tooot* bar "
   Medyo kinabahan ako  Nung narinig ko na kasama si anne. Kaya naman medyo natagalan din ako sa pagbibihis. Diko kasi alam kung ano yung susuotin ko eh. Ayuko naman mag mukang jologs pag dating ko dun. Kaya naman halos lahat ng damit ko sa closet ko eh nilabas ko na. Halos kalahating oras akung nagdecide kung ano ba susuotin ko.
Guys kung nagtataka kayo, kung bakit ganito ang inasta ko. 
Crush ko po  talaga kasi  si anne. Matagal na actually, pero ako at si billy lang ang nakakaalam nun. At wala rin akong balak ipaalam sa iba lalo na kay vice. Sobrang daldal kasi nun idagdag mo pa na mag sisteret yung dalawa na yun. Mabilis akong nakarating sa bar na sinabi ni vice. Pagpasok ko palang malakas na tugtugan at hiyawan na yung sumalubong sakin. Medyo may amats narin yung mga tao kahit ang aga pa. Habang nakatayo ako dito sa entrance eh nilibut ko ang mga mata ko at hinanap kung nasan sina vice. Mabilis ko naman silang nakita dahil nasa pinakang center sila, kaya agad na kung lumapit sa kanila.
" oy vhong ang aga mo para bukas " sabi ni vice, habang may kalandiang lalaki. ( sorry sa word )
" ano kasi eh, nasiraan ako " pagsisinungaling ko
" hay naku, puro ka talaga dahilan vhong. If i know may iba ka pang dinaanan. " si anne na yung nagsalita, kaya naman tiklop na ko.
" oh wala ah, sorry na, Nandito na nga ko diba ? Party na "
ganadong sabi ko. Para naman di ako masyadong mahalata nina anne na kinakabahan. Actually kinakabahan talaga ko kanina pa. Simula nung tumuntong ako dito sa kinakatayuan ko, at mapalapit kay anne.

BILLY POV
  Nandito na kami sa bar na sinabi ni vice. Halos kalahating oras na kaming nag eenjoy, pero ang magaling na vhong eh wala parin. Panigurado hindi nanaman yung makapag desisyon sa kung ano ang susuotin nya. Ganyan lagi yan si vhong eh everytime na mag aakit si vice na mag bar, at nabanggit ang pangalan ni anne na kasama. Asahan mo halos kalahating oras yan nag iisip ng susuotin nya. Ayaw nya kasing mag mukang pangit sa harap ni anne. Kahit sino naman kasi diba, gusto mo perfect ka pag kaharap mo ang CRUSH mo. Oopssss hihi nabangit ko sorry kuys vhong.
Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng madako ang tingin ko sa main entrance. At isang tao ang diko inaasahang makita dun. Ngayon ko lang nalaman na mahilig din pala mag party itong si jaki. Yes guys tama si jaki ang nakikita ko. HAHAHA kala nyo siguro kung sino nakita ko. Grabe itong si jaki, marunong rin naman pala mag party, kala ko sa bahay lang lagi to eh. Kasama nya rin yung ibang showtime dancer. At yung isang member ng hashtag ? Woahhhh i smell something fishy. Jowa siguro to ni jaki. Sa pagkakaalam ko bagong member lang to ng hashtag eh. At kung di ako nag kakamali eh tom ang pangalan nya. Infairness kay jaki ah may taste sa pag pili. Habang nakatingin parin ako sa kanila, nagulat naman ako sa pagtawag ni vice sakin. Kanina pa pala ko nakatulala sa kanila diko namalayan.
" ano billy, plano mo jan sa iniinom mo ? Hahawakan mo nalang ? " sabi sakin ni vice, na tila nagtataka sa pagkatulala ko sa may main entrance kanina.
" sorry, sorry. Asan na nga tayo ? Ano nga bang pinag uusapan natin ? " aligaga kung tanong sa kanila.
" yung totoo billy. Parang kanina kapa ata lutang at " sabat naman ni karylle habang may binabasa sa cp nya. Nag text na siguro si tita.
" oo nga kuys, sino ba tinitingnan mo kanina ? " tanong naman ni vhong na parang nag eenjoy dahil katabi nya si anne.
" wala. Nakita ko lang kasi si jaki kasama si tom ata yun, yung bagong member ng hashtag " sabi ko sa kanila. Para namang nagulat din sila tulad ko. Lalo na si vice na medyo napanganga pa. Ang oa naman ng baklang to akala mo naman ex nya yung kasama ni jaki, kung makapag react, mabiro nga
" hoy vice. Yung laway mo natulo na, ngangang-nganga ah " biro ko sa kanya.
" sira ulo ka. Wag nga ako ang kulitin mo, ayun si vhong oh, yun yung kukitin mo. Kanina pa pigil ang kilig nyan baka maihi pa yan at magkalat dito "

HAHAHAHAHAHAHA

Napukaw naman ng atensyon namin sa malakas na tawanan na yun, na nagmumula sa kabilang table, na akala mo sila lang ang tao dito sa bar. Nung medyo maanig namin kung sino ang nandun sa table na yun napagtanto namin na sina jaki pala yun. Kaya naman binati ko nalang kahit medyo gulat, nakakahiya naman kung diko sila pansinin lalo pa at nakita na nila kami.

" oy jaki kayo pala yan, mukang nag eenjoy kayo ah " sabi ko sa kanila ng medyo pasigaw, masyado kasing malakas ang tugtug eh, kaya kelangan mo talaga sumigaw para marinig ka nila.
" ay, hehe kayo po pala yan kuya billy, hello po sa inyo ate karylle, ate anne, kuya vhong at pati sayo vice, pasensya na po kayo, medyo napalakas yung tawanan namin " paumanhin ni jaki
" hindi ok lang, di naman namin to pagmamay-ari eh. Sige enjoy lang kayo "
" anong ok lang eh. Nakakaistorbo nga sila. Masyadong malakas kung makatawa kala mo wala ng bukas eh " sabat ni vice na parang napipikon base sa tuno ng pananalita nya. Kaya naman napatingin ako kana jaki, medyo napahiya naman sila sa sinabi ni vice kaya medyo tumahimik naman sila.
Kahit nagtataka, eh pinabayaan ko nalang si vice. Medyo lasing na siguro kaya ganun na lan g sya kung magsalita.
Lumipas ang oras at napapansin ko na para bang wala na sa mood si vice. Hindi narin sya nakikipag harutan dun sa lalaki, at pansin ko rin na parang kanina pa sya lingon ng lingon sa table nina jaki ? Pero dahil nga medyo lasing narin ako kaya diko nalang yun pinansin at pinagpatuloy nalang ang pag ienjoy.

VICE POV
Kanina pa ko hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Parang sinisilihan ang pwet ko. Dina rin ako masyado umiinom, diko narin masyado kinakausap tung kasikbay kung lalaki. At hindi ko alam kung BAKIT. Kanina pa ko naiinis parang gusto ko manapak naiinis ako, lalo na kapag naririnig ko ang boses ni jaki habang tumatawa. Naiinis ako lalo na dun sa tom na yun. Alam kung wala syang ginagawa sakin pero naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang presensya nya. Puta ano ba tong nararamdaman ko, ano ba tong nangyayare sakin. Kanina si bonita yung napag tuunan ko ng inis ko nung nakita ko silang magkayap ngayon parang gusto ko nanaman may mapagtuunan ng inis ko. Kaya habang kaya ko pang magtimpi eh nag paalam na ko sa barkada. Uuwi nalang ako mas maigi pa. Naiinis ako putang*na pakyu kayo magsama kayong dalawa.




A/N: Hello guyssssss. Omo namiss ko kayo. Pasensya na ah alam kung sobrang tagal bago ulit ako nakapag ud. Sa totoo lang binalak ko narin itong idelete eh. Pero nanghinayang ako kaya minabuti ko nalang na ipagpatuloy. Sana patuloy nyo parin suportahan ang story ko. Promise mag aupdate ako ulit sa isang araw.
  Vote and comment guys thank you 💕💕
PS: ABANGAN NYO PO ANG MGA SUSUNOD KUNG UPDATE
PPS: WAG PO SANA KAYONG MAGSAWA NA BASAHIN ANG STORY KO. SALAMAT PO. AND GOODNIGHT 💕

GAY TURNED INTO A HANSOME MAN 💕 ( ViceJackStory)Where stories live. Discover now