Chapter 16: Monday

475 9 0
                                    

JAKI POV

Monday ngayon at halos lahat kami eh busy at pagod sa pag rirehearsal, may opening prod kasi ngayon ang mga showtime host, sa totoo lang kanina pa kami ditong 7 eh, pero halos kadarating lang ni vice, ewan ko pero pakiramdam ko badtrip sya sakin ? Kanina ko pa kasi sya nakikitang masama tingin sakin eh, simula palang nung dating nya, pero pag sasalubungin ko naman ang mga tingin nya iirapan naman ako,

" oy jaki ? Pansin ko lang parang trip ka ngayon ni ate vice " sabi ni lars sa kalagitnaan ng practice

" oo nga pansin ko rin yun kanina pa, grabe diko alam pero kanina pa ko kinakabahan sa kinikilos nya "

" GUYS WATER BREAK MUNA TAYO " sabi ni ate anne, na para bang pagod na pagod

" sis ano nakakapagod ba ? Grabe ka! Kanina pa kami dito, tapos ikaw kakadating lang, vaklang twoah san hustisya dun ?"
" sorry na sis, tinanghali ako ng gising eh😅 sa katunayan nga may hangover pa ko ngayon eh, grabe sis dalawang gabi kami nag inuman sa bahay ng mga bakla "
Dinig ko pang kwentuhan nila ni ate anne habang nag lalakad sila papunta sa upuan.

" oy jaki, ano bang ginawa mo kay meme? Bakit parang badtrip ata sayo ? " tanong sakin ni madc, pagkaupong pagkaupo nya at sumikbay sakin

" guys kahit ako wala akong idea, kung bakit bigla nalang nagbago pakikitungo sakin nun ni vice, sa pagkakaalam ko naman okay na kami nung huling usap namin eh "

" pero diba jaki, ang huling kita nyo ay dun sa bar ? At base sa nakita kung kilos ni meme nung gabing yun, parang di kayo okay, naalala ko pa nga nun nung humingi ka ng paumanhin kasi medyo napapalakas yung tawanan natin, Grabe ang meme natin kung ano ano sinabi " sabat naman ni melvie

" ay taray nag bar kayo mga te ? Sino kasama nyo? " tanong  naman ni  maika

" oo pero nung nakaraang gabi pa yun, nilibrelang pati  kami ni tom "

" ay si tom ? Ang galante nun infairness "

" oh baka kaya naman nagalit sayo si meme jaki, kasi nagseselos dun kay tom " sabi ni lars na para bang sobrang talino na nya dahil sa sinabi nya.

" akalain mong pumasok yun sa isip mo ? Grabe ka girl nag iisip kaba ? Si VICE GANDA yun girl paalala lang. " sabat  naman ni dawn nung marinig nya yung sinabi ni lars.

" malay lang natin diba ? Kasi naalala ko pa nung unang araw na nakita ko yun si tom, sa labas mismo ng dance studio natin, yung nakita ko kayo na mag kayakap ni tom ? Naalala mo pa yun ? " tanong sakin ni lars

" oo naman yung napagkamalan mo pa ngang jowa ko si tom " sabi ko kay lars

" oo yun, kasi naalala ko nung nakita ko kayo ni tom na magkayakap, nakita ko din si ate vice. Actually papalapit nga sana yun sayo eh at sigurado ako dun, pero nung nakita nya na mag kayakap kayo ni tom ayun umalis nalang si ate vice " kwento ni lars samin, nagulat naman ako sa sinabi na yun ni lars, grabe diko naman alam na nakita pala kami ni ate vice nakakahiya tuloy..

Pero ano naman kung nakita kami ni ate vice ? Wala naman kaming ginagawa ni tom eh, siguro naman hindi rin yun yung dahilan kung bakit sya badtrip sakin ngayon.

" ay kaloka ka lars. Bat ngayon mo lang nikwento ? " dawn

" eh sorry na, kasi naman ngayon ko nalang ulit naalala, dapat talaga ikukwento ko na yun kay jaki eh, kaso nawala sa isip ko "

" OH GUYS START NA ULIT TAYO, LAST NA TO GUYS KASI 11 NA KELANGAN DIN NATIN MAG PAHINGA PARA FRESH TAYO MAMAYA PAG MAG PPERFORM NA TAYO " sigaw ni ate anne samin.

GAY TURNED INTO A HANSOME MAN 💕 ( ViceJackStory)Kde žijí příběhy. Začni objevovat