Kabanata 3

113 33 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nakita ko kanina. Nakita ko mukha ni Gelo kanina na sa tricycle pa lang kami. Tapos ngayon nakita ko ulit ang mukha niya . . . Guni-guni lang ba talaga itong nakita ko?

Pagkapasok namin sa opisina agad kaming sinalubong ni Samantha. Nanlilisik ang mga mata nito na tila naghahanap nang gulo. "Bakit ngayon lang kayo? Anong oras na baka naman gusto niyong magkaroon ng memo dahil sa pagiging late niyo?" Sermon nito.




"Excuse me? Late ba kami?" Sarkastikong sabi ni Milen sabay turo sa malaking orasan na nakadikit sa dingding.



"Hindi naman pala late! Tara na Milen 'wag mo na pansinin yan." Nginisian ko ito sabay dumiretso na sa kinapupuwestuhan ko.





Nilapag ko na ang bag ko sa gilid ng mesa at umupo na. Tumingin ako sa paligid at halos karamihan ng kasamahan ko sa trabaho ay may ginagawa. Si Samantha ayun, nakatingin pa rin sa akin. Ewan ko ba at lagi akong pinag-iinitan ng babaeng ito!




"Crystal, hindi ko maintindihan yung sinasabi ng caller! Ipapasa ko na sayo." Sabi ng katabi ko na si Tina.




Agad kong inihanda ang sarili at kinausap ang caller. "Good Afternoon Sir/Maam, this is Crystal Jamera from YNC company. How can I help you?"






"Tu es moche." Agad sumakit ang sentido ko dahil sa sinabi ng caller. Mukhang mapapalaban ako neto ah!




"Uhmm sir, do you speak in english?"


"Je ne sais pas quel type d'agent de centre d'appels vous êtes." Sabi nito at agad pinatay ang tawag.





Lagot ako!




Nakita ko ang paglakad ni Samantha papunta sa kinapupuwestuhan ko. "Gawin mo nang maayos 'yang trabaho mo. Hindi yung nakahayahay ka lang diyan!" Inis nitong sabi



"Diba Call Center Agent ka rin? Ba't parang supervisor ka sa inaasta mo?"




"Aba sumasagot kana!" sabi nito at akma akong sasampalin nang . . .




"What are you doing Ms. Mangalinsay! Go back to your work!" Napatingin kami pareho kay Mrs. Bueno. Siya yung superior ng kumpanya na pinapasukan namin.





"Sorry Maam!" Agad umupo si Samantha sa kinapupuwestuhan niya.

Baliw kasi. Feeling boss.


"Ayusin mo ang trabaho mo! Hindi yung sumisipsip ka!" Sermon ni Mrs. Bueno at umalis na.



Sipsip buti nga sa'yo . . .




Agad na nagring ang telepono hudyat na balik na ulit ako sa trabaho. Sinagot ko ang tawag at kinausap na ang nasa kabilang linya.





"Good Afternoon Sir/Maam! This is Crystal Jamera from YNC Company. How can I help you?" Panimula ko.






"This is Gelo . . ." Agad kong hininaan ang boses ko. "Gelo! Ba't ka naman dito napatawag! Alam mo namang may trabaho ako at bawal itong ginagawa natin."




"Gusto ko lang siguraduhin na nakapasok ka na." Sabi nito.





"Oo nandito na ako." Sagot ko.





"Sige babe papasok na rin ako sa trabaho. Mag-iingat ka ah!"






"Sige! Bye!" Sabi ko sabay patay ng tawag. Nakarecord pa naman din ang mga sinasabi ko nakakainis siya!




Matapos ang pag-uusap namin, nag ring na naman ang telepono kaya agad ko itong kinuha. "Good Afternoon Sir/Maam this is Crystal Jamera from YNC Company. How can I help you?"




"Si Angelo ito! Gusto ko lang sanang tanungin kung nakapasok ka na sa trabaho?"





"Gelo naman! Kakatawag mo lang eh! Oo nga nakapasok na ako!"





"Ganun ba? Sige! Sinigurado ko lang! I love you!"






"I love you too, Gelo." Sabi ko at pinatay na ulit ang tawag.




Nakakapagtaka?





Matapos ang ilang minuto, muling nagring ang telepono. Agad ko itong kinuha at kinausap ang nasa kabilang linya.




"Good Afternoon Sir/Madam! This is Crystal Jamera from YNC Company. How can I help you?" Panimula ko.





"Si Angelo ito! Gusto ko lang sanang tanungin kung nakapasok na ba si Crystal sa trabaho?" Napatigalgal ako dahil sa narinig. Pinagtitripan niya ba ako?


"Si Crystal ito! Gelo naman eh! Nasa trabaho na ako, lagot ako nito kapag nalaman ng head namin na patawag tawag ka!" Mahina ngunit pagalit kong sabi sa kanya.



"Si Gelo ito! Gusto ko lang sanang tanungin kung nakapasok ka na sa trabaho?" Agad kong pinatay ang tawag. Chineck ko ang mga numero na tumawag sakin at nagulat ako sa aking nakita.




02841118 . . .
02891238 . . .
02864834 . . .







Baka nga pinagtritripan lang ako ng mokong na 'yon! Lagot siya sa akin mamaya!

DoppelgangerМесто, где живут истории. Откройте их для себя