Kabanata 4

86 21 1
                                    

Nang matapos ang trabaho agad kaming nag out sa logbook at lumabas na sa opisina. Dumiretso na kami sa isang mall malapit dito sa Minoya.






Pagkapasok namin sa loob agad kaming naghanap ng store na pagbibilhan ng relo.

May nakita kaming mga naka display na relo kaya agad kaming pumunta roon at tinignan ang mga naka display. Hindi ko maiwasang mamangha sa angking ganda ng mga ito. Kailangan kong maging mapili dahil para naman ito sa nobyo ko.




Napukaw nang atensyon ko ang isang relo. Silver ito at hindi naman sobrang kalakihan. Tiyak na babagay ito kay Gelo!




"Miss, patingin naman ako neto!" Sabi ko sabay turo sa relo na napusuan ko.



"Wait lang po ma'am," Ani sales lady at kaagad kinuha ang relo, "Heto po!" sabay abot nito sa akin.





Sinuri ko nang maigi ang relo. Puwede pala siyang palitan ng battery kung sakaling masira. Tamang-tama talaga ito kay Gelo . . . "Miss, magkano ito?"





"Maam, worth of 3 thousand 'yan. Sobrang ganda po ng napili niyong relo. Tiyak na matutuwa nang sobra ang pagbibigyan mo niyan!" Sabi sa akin ng sales lady.




"Sige bibilhin ko na ah!" Pagkasabi kong iyon, agad ko ng kinuha ang pera sa bag ko at ibinigay ito sa sales lady.



Inayos ng sales lady ang paglalagyan ng relo at agad itong ibinigay sa akin. "Ma'am, super thank you po! Balik po ulit kayo!" Masayang sabi nito.

"Sige." Sagot ko at nagsimula na ulit kami ni Milen sa paglalakad.






Pagkalabas namin sa shop, agad nahagip nang aking mata si Gelo. "Tal, si Gelo 'yon. Tawagin mo!"





"Gelo!" Sigaw ko rito.




Hindi ito lumingon sa amin at patuloy pa rin sa paglakad palayo. "Gelo!" Patuloy kong tawag dito.




"Angelo Reynes!" Sigaw naman ni Milen. Tumigil si Gelo sa paglalakad at lumingon sa amin. Medyo kinikilabutan ako sa awra niya. Parang may hindi maganda!




"Ang weird naman! Kailangan buong pangalan?" Rinig kong usal ni Milen.



"Anong ginagawa mo rito?" Pagtataka ko.




"Sinusundo kayo." Sagot nito.





"Paano mo naman nalaman na nandito kami?" Nagtatakang tanong ni Milen.




"Nakita ko kayo."





"Tara na nga umuwi na tayo. Pagod na rin ako eh!" Reklamo ni Milen at nagsimula nang maglakad.





"Tara na Gelo!" Sabi ko at hinila ang kamay nito. Dali-dali kaming lumabas ng mall at naghanap na nang masasakyan na jeep.





Napansin ko ang pagiging tahimik ni Gelo ngayon. Hindi siya ang Gelo na kahit may sakit, malikot pa rin.




Napansin ko rin na hindi nagpapawis kamay niya ngayon unlike noong nakalipas na ilang araw. Si Gelo lagi ang humihila sa akin, hindi ako. May problema ba siya?





"Gelo, may problema ka ba?" Tanong ko rito.


"Wala naman." Tipid na sagot nito.




"Tara na Tal! Sakay na tayo." Tinuro ni Milen ang isang jeep. Hinila ko si Gelo at unang pinapasok sa loob. Nasa bandang likuran ito ng driver samantalang kami naman ni Milen ay magkatabi sa bandang dulo dahil naunahan ng ibang pasahero.


"Tal, may napapansin ka ba sa nobyo mo?" Tanong sa akin ni Milen.




"Meron. Nakakapanibago na ganon siya . . ." Sabi ko at natahimik saglit.





Nagsimula nang maningil ang konduktor. Kumuha na ako ng pera sa bag at nagbayad na. "Tatlo po 'yan, sa Palengke." Ani ko.





"Tal, pansin ko nga rin na parang may mali sa kanya. Alam natin pareho na ayaw niyang tinatawag siya sa buo niyang pangalan, pero bakit kanina lumingon siya? Alam niya rin na ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng Gelo, pero bakit hindi siya lumingon? Hindi kaya . . ." Napatingin kami pareho sa kinapupuwestuhan niya.


Teka nasaan na siya?



"Nasaan si Gelo?" Tanong ko at tinignan ang bawat nakasakay sa jeep. "Makikita naman natin kung bumaba man iyon kasi nasa dulo tayo eh!" Dagdag ko pa at hindi maiwasang hindi makaramdam nang matinding kaba.








"Hindi kaya, na maligno tayo?"

DoppelgangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon