200|narration

369 7 0
                                    

Dahyun' POV..

Siraulong pandak yun. Natripan na naman yatang paasahin ako. Ako naman tong si tanga, umaasa rin.

Hayst.

"Unnie.. "Napalingon ako sa tumawag.

"Uy chae. " sabi ko.

"Ahm.... Hindi ka ba naiinggit? Kami masaya na kaming lahat sa kanya-kanya naming lovelife. Kayo nalang ni Jimin oppa ang hindi. "

"Ano ka ba? Hindi lang naman kami ang single eh. Si Jeongyeon unnie at mina unnie din naman diba hahahah" pekeng tawa ko.

"Ano ka? Si Jeongyeon unnie na po at si Jeonghan oppa. Tas si Mina unnie nililigawan na ni Wonwoo oppa. Eh ikaw? Hanggang landi lang kayo. Ano na? " sagot nya

Natigilan ako.

Hindi ako informed dun ah.

"Ahh ehh wala akong balak na magkalovelife kungmasasaktan lang din ako"

"Part yun ng pagmamahal. Risk taker lahat ng taong nagmamahal. Once you enter into a relationship there's a 100% chance na masaktan ka" paglalaban nya.

"San mo natutunan yan? " biglang tanong nina...

"Unnies?! " sabay naming sigaw ni Chaeng.

Natatawa silang lumapit samin. Well, kasama si Tzuyu. Unnies lang nasabi namin.

"Mahal mo pa, tama? " tanong bigla sakin ni Jeongyeon unnie

Napatigil ako.

Gusto kong sabihing oo pero ayoko na. Sumusuko na ko. Ilang beses na nya kong nasaktan hindi pa ba sapat yun para pakawalan na sya.

"Hindi na" sagot ko.

Napatingin ako kay Tzuyu namg ngumiti ito.

"Danas ko yan Unnie. Nung panahong unang beses kaming naghiwalay ni Jungkook... May nagtanong saakin. "Mahal mo pa ba? ". Inisip kong mabuti kung anong isasagot ko. Ang sagot ko ay "hindi na" pero deep inside gustung-gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa isinagot ko kase pati mismong sarili ko niloloko ko. I know you're still inlove with Jimin oppa. Ikaw pa ba? Eh dakilang patay na patay ka dun" sabi nya.

Natigilan ako.

Ok. Dinaig pa ko nung mas bata sakin.

"P-Pagod na kase ako eh. " sagot ko.

"Kung pagod kana magpahinga ka.. Hindi yung susuko ka nalang basta-basta"sabi ulit ni Tzu. Napangiti ako

Thankful ako at sila ang mga kaibigan ko. Wala nang mas hihigit oa sa kanila. They are the best sisters ever.

"Thank youuuu" nalulihang sabi ko at niyakap sila.

"Guys awat. I hate drama" singit ni Jeongyeon unnie.

"Lol. Hahahhahaha" -Momo unnie.

At nagtawanan kami.

Jimin... Sasabihin ko na talaga toh sayo.

Message Sent!  || C.ty & J. jk Part 2Where stories live. Discover now