219|narration

208 2 0
                                    

Chaeyoung's POV...

Habang iniintay namin ang BTS ay biglang dumating si maknae sa dorm namin. Well dun na kasi sya nakatira sa dream house nila ni Bunny Kookie.

Hays ang swerte nila sa isa't isa

"Jihyo unnie gusto ko ng ice cream na may kimchi" napa-face palm nalang si Jihyo unnie sa sinabi ni maknae.

Pano ba naman kasi, ang weird nya maglihi. Kanina gusto nya ng hilaw na mangga tapos isasawsaw sa chocolate syrup tapos ngayon ice cream na may kimchi?! Daheck?!

"Asan ba asawa mo?" Natatawang tanong ko

"Dumaan sa dorm nila. Nagpaalam nalang ako na pupunta din ako dito" seryosong sabi nya.

Sabay-sabay pala silang pupunta dito. Ayus!

"Unniiiieee asan na yung ice cream?" Parang maiiyak na sabi ni Maknae.

"Nakuha na si Jeong unnie." -Jihyo unnie

"Yay!" Jusko! Parang naging isip bata lalo si maknae?

*ding dong*

Napatayo ako bigla.

Sila na yun!

"Uyyy eggzoited si Chaeng! Wahahaha! Easy! Ako na magbubukas" pang-aasar ni Nayeon unnie.

"Surprise! Mudra!" Bungad ni jin oppa. Sinampal naman sya ni Nayeon unnie nang mahina.

"Ah! Sadista ka na ngayon muds ha"

"Tse! Ano bang ginagawa mo dito? Sana nagpaiwan ka nalang sa dorm nyo" at umirap sa ere saka iniwan si Jin oppa at umakyat sa taas.

???

Nagiging weird na rin tong si Nayeon unnie.

Hindi kayaaa...omG! Buntis din sya?!!!

"C-Chaeng" nanlaki ang mata ko.

Shet si Yoongilagid nasa harap ko na.

Napalingon ako. Nagsolo na lahat ng couples tapos si Mina at jeong unnie nasa kusina. Si jin oppa nasa labas ng room nu Nayeon unnie at nangungulit. Napalunok ako

"Y-Yoongii...ano...ahm sor------"

"Shhhh"nilagay nya yung daliri nya sa labi ko para patahimikin ako.

Naiiyak na ko.

"Yoongi."

"Shhh. I love you. Kalimutan mo na yung nangyari noon. I love you. Mahal na mahal kita" then boom! Tumulo na ang luha ko. Napayakap ako sa kanya.

"Tss umiyak pa. Mga babae nga naman" natatawang sabi nya. Humiwalay ako sa yakap at tinampal sya sa dibdib.

"May atraso ka pa sakin!" Nagpot ako. Tumaas ang kilay nya

"Sa pagkakaalam ko Mrs. Min eh ikaw ang may kasalanan sakin" at ngumisi sya.

Mrs. Min? Shocks kinikilig ako hihihi.

"Tse! Mrs. Min ka jan! Minura mo kaya ako!" Natawa sya at niyakap ulit ako

"Nadala lang ako ng emosyon mahal ko. Ikaw ba naman ang iwan ng babaeng pinakamamahal mo! Tss. Pramis hindi na mauulit"

"Talagang hindi na mauulit dahil hindi na rin kita iiwan."

"Sabi mo yan ah."

"Opkors yoongilagid ko!"inilayo nya ko sa kanya

"I love you pandak" at kiniss nya ko sa noo.

"Hoy! Hindi na ako ang pinaka-pandak! Sapakin kita jan eh! 158.9 ang height ko! Si Dahyun unnie na ang pinakapandak no! 158.6 height nya" nag-bleh pa ko. Pinisil nga ilong ko.

"Tss. Daldal mo. I love you"

"Yiee I love you too"

-------------------------------------------

Dahyun's POV...

*Garden*

"So, pano ba yan. Ikaw na ang pinakamaliit sa Twice" natatawang sabi nya

"Ok lang. Cute parin" Humagalpak sya ng tawa

Ano bang trip ng mochi na to? Pumunta lang ata to dito para mang-gago eh

"Tss. Umuwi ka nalang kaya. Wala ka din namang gagawin dito"mataray na sabi ko

"Alam mo bang nandito ako para paibigin ka"

"Ah okay" kunwaring hindi interesadong sabi ko.

"Tss hindi man lang kinilig" dinig kong bulong nya.

"May kakilig-kilig ba sa sinabi mo?Umayos ka nga" tsaka ako tumalikod sa kanya at nilabas ang mga ngiti ko.

Ugh! I so love this man!

"Dahyunie" nag-poker face ulit ako bago ko sya harapin

"What?"

"I love you" biglang huminto ang paghinga ko.

Ihhh kinikilig ako

Nakangiti sya pero halatang sincere sya

Waaaaaah

"A-Ano bang s-sinasabi mo?"

Dahan dahan syang lumapit sakin tapos niyakap ako ng mahigpit.

"Alam kong mababaw lang to pero nasasaktan ako sa tuwing nagtataray ka kapag nagiging sweet ako sayo. Pakiramdam ko kasi hindi ko naipapakita yung best ko kasi hindi ka man lang kinikilig. Feeling ko hindi mo naappreciate yung mga banat ko. Tapos pinapamukha mo saking nonsense yung mga sinasabi ko." inilayo ko sya sakin. Malungkot sya....sobra.

Sumosobra na pala ako.

"I'm sorry. Trip ko lang talaga yun. Actually, ngitian mo palang ako sobrang kinikilig na ko. What if bumanat ka pa diba? I'm sorry kasi hindi ko namamalayan sumosobra na pala ako. Na nakakasakit na ako. Lagi mong tatandaan na mahal kita. Whatever happens, mahal na mahal kita." At matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Napangiti rin sya.

"I love youuu"

"I love you too"







Message Sent!  || C.ty & J. jk Part 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu