14

12.6K 292 13
                                    

DUMERETSO ako sa isang simbahan after sa restaurant. Iniwanan na talaga ako ni sir Thimothy. Sabi niya pwede naman na akong pumasok pero mas maganda daw na bukas nalang at magpahinga nalang ako ngayon.

Wala naman akong ibang pwedeng puntahan pa ng ganitong oras. Nasa opisina pa si Grace nakakahiya naman kung mauuna pa ako sa bahay niya. Nakikituloy lang naman ako sa kanya.

Ilang taon na ba nang huling beses na pumasok ako ng simbahan?

Di ko na matandaan. Kasi naman kahit linggo busy ako, maglilinis ng bahay maglalaba ng isang katutak na damit namin ni Tommy.

Lord, sorry po ngayon lang ako nakapunta dito sa tahanan niyo. Gusto ko lang pong hingin ang kapatawaran sa lahat ng pagkukulang ko sa Inyo. Maging ang mga kasalanan ko na nagagawa. Pinapasalamatan ko po ang lahat ng biyayang binibigay Niyo sa akin kahit na hindi ko naman deserve ang mga ito. Salamat din po Ama sa mga taong ginagawa niyong instrumento para pagaanin ang buhay ko.

Taimtin kong dasal habang nakaluhod ako sa harap malapit sa altar. Wala namang tao dito ngayon dahil di naman araw ng misa. Pero may mangilan-nhilan pa naman na tao na pimapasok tulad ko.

Lord, gusto ko din pong ilapit ang problema ko. Kung problema nga pong matatawag ang pinag-usapan namin ni Sir Thimothy kanina. Alam ko po kung ano ang gusto niyang mangyari. Pero hindi pa po ang handa sa ganon bagay. Malinaw pa sa alaala ko ang lahat ng pinagdaanan ko kila Tommy. Hinihingi ko po na sana bigyan niyo po ako ng linaw ng pag-iisip para makapagdesisyon ako nh maayos sa sitwasyon ko ngayon.

Patuloy ko na dasal. Madami pa akong hiniling sa mga dasal ko. Nagstay din ako ng matagal sa loob ng simbahan ng mainip na ako doon ako lumabas. Nagpunta lang ako sa isang fast food chain pero di ako umorder kasi hanggang ngayon busog pa ako sa dami ng kinain namin ni Sir Thimothy.

Gabi na ng magpasya akong umuwi sa bahay ni Grace. Pagdating nasa bahay na nga si Grace at naghahanda na ito ng pagkain namin.

"Saan ka nanggaling?"tanong niya sakin ng makapasok sa loob ng bahay nito.

"Dyan lang sa tabi-tabi"nakasimangot na sagot ko.

Naalala ko hindi pa din niya ako sinasagot sa huling tanong ko. Di din kasi malinaw sakin dahil di din naman nilinaw ni sir Thimothy.

"Bakit nakasimangot ka? Napirmahan mo na ba ang dismissal mo?"gulat na may pag-aalalang tanong nito.

Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi. Ako dismiss saan? Sa trabaho ba? Wala naman kasing sinabi si Sir Thimothy sakin. Sabi pa nga niya pwede na akong pumasok ulit.

"Halla? Di pa niya sinabi sayo?"naiiyak na tanong na naman nito.

Tinanguan ko lang siya habang magkatitigan kaming dalawa.

"Halla sorry, akala ko ngayon na sasabihin ni Sir ung dismissal mo sa work."anito.

Napabuntong hininga naman ako sa nalaman ko. Mas naguluhan tuloy ako sa nalaman ko.

"Anong pinag-usapan niyo ni sir kung hindi naman pala niya sinabi sayo ang dismissal mo?"inakay niya akong umupo sa sofa.

Pinatay na niya anh kalan at kinalimutan na yatang ngaluluto ito.

Teka sasabihin ko ba sa kanya anh napag-usapan namin ni sir Thimothy. Medyo malabong usapan pa lang kasi ang nangyari sa amin ngayon.

"Yong payment ko sa lang sa mga nagastos niya sakin"partly true naman ang sinabi ko.

"Tapos?"

Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot di ko din kasi alam kung pano ko sasabihin sa kanya o kung pano ko ipapaalam ang gustong mangyari ni Sir Thimothy.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now