26

10.9K 318 11
                                    


"Hey Love careful okay"puno ng pag-aalala ni Thimothy habang inaalalayan akong maglakad.

"Ikaw ang OA mo. Naglalakad lang naman ako"inis kong sita sa kanya.

Kung makaalalay naman kasi itong lalaki na ito akala mo manganganak na ako. Ang OA masyado sa totoo lang, limang buwan palang naman akong buntis.

"Kahit na, you doesn't know what will happen to you in every minute"drama na naman niya.

Nasa palengke kami ngayon at namimili kami ng ipapakain namin sa mga kaibigan ni Thimothy na masisiba. Dalawang araw na namin sila kasama sa bahay. Ang lalaking damulag nakikipagsiksikan sa bahay namin.

Kasal na kami ni Thimothy, sa wakas sabi nga ni Thimothy. Noong isang araw lang kami kinasal sa huwes. Kaya kasama namin ang mga kaibigan ni Thimothy ngayon.

"Love, kasi sabi ko sayo sa bahay ka nalang"ani naman ni Thimothy.

"Ayoko nga don nandon mga kaibigan mo"reklamo ko.

"Ano naman ang mali kung nandon sila. At least I know may bantay ka sa bahay habang nandito ako sa bayan"sagot niya sa reklamo ko.

Hindi naman na ako nakipagtalo pa, hahaba lang ang usapan namin. Namimili kami ng gulay ng bigla akong napasigaw.

"Shit Vina what happen? Saan ang masakit?"nagpapanic na tanong ni Thimothy.

Panay pa din ang daing ko, sobra naman kasing makasipa ang anak namin. Parang nakikipag-away sa loob ng tyan ko.

"Sumipa lang yata, pero masakit"daing ko pa din dahil sumipa na naman ang bata.

Para namang nakahinga ng maluwag si Thimothy. Pero agad din siyang napakunot noo ng may maalala.

"Our baby is just a five months old love. Hindi pa daw sisipa iyan. Kicking thing usually happen at around sixth or seventh month until before you give birth"anito na seryosong nakatitig sakin.

Ngumiti naman ako akala ko naman makakalusot na ako sa kanya. Attentive masyado kala mo nga ito ang buntis kasi mas madami pa siyang alam kaysa sakin.

Sabagay super talino naman kasi ng asawa ko.

Napabungisngis ako habang naiisip ko na asawa ko na talaga si Thimothy.

"Vina, ano bang nangyayari sayo? Dont tell me naglilihi ka pa din?"exaggerated na sita niya sakin.

Well hindi na yata ako naglilihi, pero gusto ko pa din kumain ng bayabas up until now. Pero ung pabago-bago ng mood bihira nalang. Madalas tinutopak lang talaga ako.

"Uwi na tayo boss, tapos palayasin mo na mga friends mo. Di ba honeymoon natin ngayon?"binulong ko nalang ung huli kong sinabi.

Napatingin naman siya sakin na parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Ayaw mo boss?"

Huminga naman siya ng malalim bago niya ako inalalayan. Alam ko nagtitimpi lang siya, simula kasi ng mabuntis ako bihira na ang alam niyo na. Sexy time namin, kahit pa mangulit ako ayaw niya. Baka daw masaktan ang anak namin kapag ginawa namin iyon.

"Love you know I love to make love with you pero mas maganda hintayin natin na lumabas nalang muna ang baby natin"kitam iyan ang sasabihin niya sakin.

Nasa sasakyan na kami, nakahiram kasi siya ng sasakyan sa kaibigan niya.

"Kainis ka naman. Sabihin mo lang kung nandidiri ka na sakin kasi ang taba-taba ko na. Ang pangit ko na, ang itim na nga ng kili-kili ko tapos ang laki-laki pa ng ilong ko"pagtatampo ko naman.

Marahas itong napabuntong hininga, hindi niya ako pinansin kaya di ko na din siya pinansin. Mas naiinis naman ako na natahimik na siya.

Hanggang makarating kami sa bahay, wala na talagang nagsalita pa saming dalawa.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now