34

9.9K 305 27
                                    

HINDI NA ako makahinga sa kakaiyak ko. Ngayon lang nagsink in sa utak ko ang mga nangyayari.

Kanina pag-uwi ko hindi ko magawang makaiyak dahil masayang sumalubong sakin si Vince. Hinahanap niya sakin ang papa niya na hindi ko alam kung paanonko sasabihin sa kanya na hindi kami maalala ng papa niya.

"Mama"naalimpungatan pala ang ang anak ko.

Kahit anong takip ko sa bibig ko para hindi niya marinig ang iyak ko nagising pa din siya.

"Vince anak, matulog ka na gabi na anak"utos ko naman sa kanya.

"Mama, hindi na ba uuwi si papa? Hindi na ba niya tayo love mama?"inosenteng tanong ng anak ko.

Mas lalo akong naiyak at hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol sa pag-iyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang parehas na kaminh umiiyak na dalawa.

"Mama, sorry po nagcry na naman po ako. Big boy na ako kasi kuya na ako ni Theamina. Pero mama pwede po ba ako umiyak ngayon?"

Napakainosente pa ng anak ko para harapin niya ang ganitong problema.

"Anak, pwede ka naman magcry kapag nasasaktan ka. Hindi mo na ako kailangan na tanungin"sagot ko naman.

"Di ba sabi niyo pa saka ni papa na dapat di na po ako magcry po kasi Kuya na po ako"pagrarason naman nito.

Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Sorry anak"iyon nalang ang nasabi ko sa kanya.

"Sorry din po mama. Sana hindi nalang ako nagkasakit noon po. Para po hindi na umalis si papa satin po mama"patuloy pa ng anak ko.

Mas nahirapan tuloy ako sa sitwasyin namin. Paano ko masasabi sa anak ko kung ano ang nangyari sa papa niya.

Hanggang nakatulog sa bisig ko ang anak ko. Inayos ko nalang siya sa tabi ng bunso namin. Pinagmasdan ko ang mga anak ko. Naaawa ako sa kanila, ang bata pa nila dapat ang iniisip ni Vince ang maglaro at matuto ng mga bagong bagay aa paligid niya.

Hindi ang ganito na sinisisi pa niya ang sarili niya sa pagkawala ng ama namin sa piling namin.

"Vina matamlay yata si Vince"puna ni Grace sa anak ko.

Kakaalis lang ng mga anak namin papasok sa school.

Matamlay nga naman ang anak ko, pagkagising na pagkagising palang ng anak ko matamlay na siya.

"Umiyak kasi kagabi ng magising siya..."simula ko at ikinuwento ang naging usapan namin ng anak ko.

"Naku, naapektuhan na ang anak mo. Nakausap mo na ba si Sir Thimothy?"tanong nito.

Bumuntong hininga naman ako. Hindi ko pa kasi na kwento sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni  Thimothy.

Sa isiping may amnesia si Thimothy naiiyak na naman ako. Paano ko sisimulan ang pagpapakilala ko sa mismong asawa ko kung hindi ako makakalapit dito.

Sigurado ako na may mga nakabantay sa kanya ngayon na hindi lang niya napansin kahapon.

"Grace, may amnesia si Thimothy"imporma ko sa kanya.

Napatakip pa ito ng bibig si Grace sa sinabi ko.

"OMG, paano na kayo ngayon?"puno ng pag-aalala na sagit nito ng makabawi na sa pagkabigla.

"Hindi ko din alam. Pero isa lang ang sigurado ko hindi ako basta-basta susuko."buong determinasyon kong sagot.

.................

KAHIT na hindi ako nakilala ni Thimothy ng huli kaming nagkita. Nandito pa din ako sa labas ng opisina nila.

Papasok sana ako sa loob kaso hindi ako pinapasok ng guard kahit na kilala ako ng guard.

"What are you doing here?"sita sakin ng mama ni Thimothy.

Hindi ko inaasahan na lalabasin pa niya talaga ako dito ngayon.

"Good morning Ma'am Thalia. Nandyan na po ba si Thimothy sa loob?"nilakasan ko ang loob ko.

Kailangan ko iyon, maraming lakas ng loob. Hindi para sakin kundi para sa mga anak ko.

"Ang lakas naman ng loob mong pumunta dito"naniningkit pa siya habang nagsasalita.

"Malakas po talaga ang loob ko. Para po sa mga anak ko ang ginagawa kong ito. Kailangan ko pong makausap si Thimothy"

Napangisi naman ito habang nakatingin sakin.

"Hindi ka na kailangan ng anak ko. Pati na din ang mga sinasabi mong mga anak. Umalis ka na, at wag ka ng magpapakita pa dito"pagtataboy na naman niya sakin.

Tumayo naman ako ng maayos at hinarap ko siya.

"Siguro nga po ngayon hindi niya ako nakikilala. Dahil may amnesia siya pero alam ko darating ang araw na maaalala din po niya ako. Kami ng mga anak niya. Wag niyo naman pong ipagkait sa mga anak ko ang ama nila"buong tapang kong sagot.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya na alam.kong may amnesia si Thimothy.

"Ipagkait? Ikaw Vina hindi.mo ba ipinagkait sakin ang anak ko. Limang taon mo siyang sinolo, at inilayo samin. Sa loob ng limang taon na iyon puro paghihirap ang naranasan ng anak ko sayo. Kaya ngayon na hindi ka niya naaalala gagawin ko ang lahat wag ka lang niyang maalala pa. Ipinagpapasalamat ko pa na may amnesia ang anak ko. Mailalayo ko siya ngayon sayo"galit na galit n tugon nito.

Napapailing naman ako habang nakatitig sa kanya.

"Hindi po ako ang nagtulak sa anak niyo para lumayo sa inyo. Kayo. Kayo ang nagtulak kay Thimothy para lumayo sa inyo. Bakit ako ang sisisihin niyo sa nangyayari. Kung hindi niyo tiniis si Thimothy dahil sakin hindi aabot sa ganito ang lahat. Hindi niyo masisisi si Thimothy. Magulang siya, ama siya ng anak namin. Hindi niya gagawin anh ginaw niyo sa kanya na pababayaan na maghirap ang anak niya--"

Hindi ko na nasabi pa ang ibang sasabihin ko ng isang sampal ang tumigil sakin.

"Wala kang karatapan na sumbatan ako. Sino ka ba? Asawa ng anak ko? Wala kang galang! Hintayin mong magawan ko ng paraan ang pinagmamalaki mong kasal sa anak ko"banta pa nito.

Tumawa naman ako ng malakas habang nakatungo lang ako.

"Dyan naman kayo magaling. ang magpahirap ng tao. Sige lang pahirapan niyo lang ako. Dyan naman ako magaling ang lagpasan lahat ng pagpapahirap niyo sakin. Iyan ang isang bagay na itinuro sakin ni Thimothy. Ang lumaban na, at wag magpakatanga."aniko naman dito.

"Guard!"sigaw naman ng kausap ko.

"Kahit palayasin niyo ako ngayon babalik at babalik ako. Hi di ako titigil na lumapit sa anak ninyo hanggang hindi siya mismo ang magsabi sakin na tumigil na ako. Mahal ko po ang anak ninyo. At mamahalin ko siya habang nabubuhay ako"sagot ko habang kinakaladkad ako ng mga guard palayo sa compound ng company ni Thimothy.

"At gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gawin nga iyan ng anak ko"ganting banta din ng ginang sakin.

"Ma'am Vina pasensiya ka na. Trabaho lang po"bulong ni manong guard sakin ng makalayo na kami doon.

Tinanguan ko lang naman siya. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ginagawa ito.

Nilingon ko nalang ang pinanggalingan ko.

Pinapangako ko na babalik ako, hindi ako susuko nalang basta. Kung may mga maling desisyon ako noon sa buhay ko ngayon itatama ko na lahat.

Hindi ako susuko na makasama ko si Thimothy. Kahit mahirapan ako gagawin ko ang lahat para sa aming dalawa. Para sa mga anak namin itong ginagawa ko.

Napadaing ako ng biglang may pumindig na kirot sa may bang ibabang bahagi ko.

Napwersa ata ang tahi ko sa panganganak ko.

Wala pa kasing isang buwan mula ng manganak ako.

"Babalik ako"bulong ko.

.................

A/n: sabaw! Maikli lang ito..Antok kasi ako. Haha tapos wala akong maisip na magandang plot talaga. Nahuhuluan niyo ung mangyayari eh! Haha...

Sakit tuloy sa isip mag-isip ng plot na hindi niyo.mahuhulaan.

Countdown na...

1week to go...✈✈✈✈

His Only PossessionWhere stories live. Discover now