YMC Series 1 Rodjun Minah

775 12 4
                                    

Highschool palang ay crush na crush na ni Jiyeon si Rodjun. Pero hanggang lihim na lang ang pagtatangi niyang iyon sa binata sapagkat sino ba naman siya para pansinin ng sikat at gwapong playboy ng eskwelahan? Isang nerd na halos hindi mo malalamang nag-eexist sa mundo. Kaya naman idinadaan na lang niya sa pagsusulat sa diary ang nararamdaman niya para sa binata.

Isang arawa ay nagulat nalang siya ng lapitan siya nito. Akala niya sa wakas ay napansin na rin siya pero nagkamali siya.

“I can’t believe it! May gusto ka sakin?!” tumatawang sabi nito at sa kamay nito ay naroon ang diary niya.

Right there and then, gusto na niyang bumukas ang lupa at lamunin siya dahil sa pagkapahiya.

Young Millionaire's Club : RODJUNOù les histoires vivent. Découvrez maintenant