Chapter 4

431 12 11
                                    

 A/N: Ang mga estudyante ng Riverdale Vista ay hindi po kasali sa kwentong ito. Mga extra lang sila.. Binigyan ko lang sila ng Cemeo Role dito pero sila po ay bahagi ng isa ko pang kwentong ginagawa,.. So abangan ang pagsulpot ng mga tauhang iyan sa panibago kong kwento. Salamat.

                    -------------------------------------------------------------------------

“Hoy! Jiyeon! Punasan mo nga yang bibig mo! Tumutulo ang laway mo kadiri! Mamaya isipin pa ng makakita sayo kaibigan kita” sita sa kanya ni Queen.

Awtomatiko namang pinunasan ni Jiyeon ang bibig ng biglang tumawa ang kaibigan. It turns out pinagtitripan lang pala siya nito.

“Luka-luka ka talagang babae ka”

“Eh para ka naman kasing engot jan na nakatanga kay Rodjun eh. Pinagnanasaan mo na naman yung tao”

Kaagad naman niyang sinaway ang kaibigan. Nakakahiya baka may ibang makarinig sa kanila.

“Tumahimik ka nga. Mamaya may makarinig sayo eh makarating pa kay Rodjun.”

“Eh ano naman? Mabuti nga iyon at ng sa wakas eh matapos na yang drama mo”

Napabuntong-napailing nalang siya sa kaibigang si Queen. Ever since talaga hindi ito sang-ayon sa pagkakagusto niyang iyon sa binata.

Nasa gymnasium sila at kasalukuyang nanonood ng laban ng basketball. Kasali kasi sa team si Rodjun at ang isa pang YMC member na si Jubei. Practice match lang naman ito laban sa Riverdale Vista University. Isa ding exclusive school tulad ng Crenshaw Heights. Ever since ay madalas ng maglaban ang Crenshaw Heights at Riverdale.

“Ayaw mo bang malaman ni Rodjun na gusto mo siya?” tanong pa ni Queen.

“Gusto na ewan…ang gulo”

“Magulo ka talaga. Ewan ko sayo”

Biglang naghiyawan ang mga tao sa gym. Practice match lamang ito pero mukhang walang balak magpatalo ang bawat team. Sa ngayon lamang ang Crenshaw Heights ng tatlong puntos.

“Go Rodjun!!!”

“Go Jubei!!!”

“Iloveyou!!!”

“Grabeng ingay ng mga babaeng ito. Nakakahiya”

Napatingin silang dalawa ni Queen sa nagsalita. Isang babaeng naka t-shirt at pants at may suot na bull cap ang nakita nila. Base sa suot nitong damit taga Riverdale ito.

“Mukhang mga engot ang mga babaeng iyon kung makasigaw ng Iloveyou eh ni hindi nga yata sila kilala ng mga players na iyan eh” pagpapatuloy nito. Nakasimangot na nakahalukipkip pa ito.

“Ahhmm…Miss taga Riverdale ka diba?” tanong ni Queen.

“Oo. Bakit?”

“Eh bakit nandito ka sa side namin? Sa kabilang side ang Riverdale”

“Sinong nagsabi?”

“Wala..pero halos karamihan sa estudyanteng nandito sa side namin eh taga Crenshaw Heights”

“So taga Crenshaw Heights kayo?” tanong nito at tinignan kaming dalawa ni Queen.

“Oo.”

“I see. Ayoko pumunta dun sa side ng Riverdale kasi nagtatago ako. Napilitan lang ako manood ng laban kasi pinagbantaan ako ng mga sira-ulong myembro ng basketball team na iyan na guguluhin nila ang buhay ko kapag di ko sila pinanood.”

“Ahh..so kilala mo pala yung mga players?”

“Oo naman. Kuya ko yung captain eh…ayun siya yung pinaka gwapo” turo nito sa nakanumber 4 jersey.

Young Millionaire's Club : RODJUNWhere stories live. Discover now