Chapter 3

410 11 8
                                    

 this story is dedicated to the person above...pasensya na kung medyo natatagalan ako sa pag-update hija..hehe...aneweiz...enjoy :)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

“Oh my gosh!!! It’s Rodjun of YMC. Ano kayang ginagawa niya dito sa building natin?”

“Gosh!!! Ang gwapo-gwapo niya talaga!”

“Shit! Tumingin siya sakin”

“Gaga! Ako kaya ang tinignan niya”

“Mga ambisyosa! Ako yun noh!”

Napailing nalang si Jiyeon sa naririnig na usapan ng mga kaklase niyang babae. Iba talaga ang kamandag ni Rodjun o ng kahit sinong member ng YMC. At kahit ang mga babaeng ito na mga anak mayaman ay daig pa ang mga cheap na babae kung makatili sa kanila.

Magmula ng mangyari ang insidente nung nakaraang linggo ay hindi na ulit siya pumasok hanggang sa matapos ang Foundation Week. Ayaw niya din kasing Makita muna si Rodjun o kahit si Jubei dahil nahihiya siya.

“Gosh!!! Nandito siya sa classroom natin. Ako ang pupuntahan niya”

“ako kaya!”

“hindi! Ako yun!”

Si Rodjun? Nandito sa classroom?

Ano naman kayang ginagawa niya dito?

May bago ba siyang nililigawan dito?

Isinubsob nalang niya ang ulo sa lamesa upang hindi siya mapansin ni Rodjun.

Hindi pa niya kayang harapin ang binata.

“Jiyeon”

Hindi niya alam kung may naririnig ba talaga siyang nagsasalita o guni-guni lang niya iyon.

Saka anong nangyayari? Bakit parang tumahimik yata ang mga kaklase niya?

“Jiyeon”

This time, may naririnig talaga siyang nagsasalita. At tinatawag pa ang pangalan niya.

Unti-unting iminulat ni Jiyeon ang mga mata.

Sapatos ang una niyang napansin. Pataas ng pataas ang paningin niya.

Hanggang sa mapadako ang paningin niya sa mukha nito at salubungin siya ng nakangiting mukha ni Rodjun.

“hi”

“R-Rod-djun?”

“It’s nice to know na alam mo pa rin pala ang pangalan ko”

“ahh…O-oo”

Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang pagtataasan ng kilay ng mga babae niyang kaklase.

“Why does Rodjun talking to that nerd, ugly girl?”

“Yeah! Maybe she’d done something wrong”

“Then why does Rodjun smiling at her?”

“Because Rodjun is nice! That’s all”

Mga intrimitida!!!

Inggit lang kayo dahil ako kinakausap ni Rodjun!

“Ah..Jiyeon may klase ka pa ba?”

“Wa-wala na. absent yung teacher namin eh”

“Ganun ba? Pwede ba tayong mag-usap?”

“Ha?Bakit?”

“Anong bakit?”

“bakit tayo mag-uusap?”

Young Millionaire's Club : RODJUNWhere stories live. Discover now