04 (edited)

23K 670 13
                                    


Aya's POV

Maga-alas singko na ng hapon ng may dalawang magarang sasakyan ang dumating sa mansyon. Ang isa ay yung walang takip o yun ba ang tinatawag nilang convertible? Hindi biro ang price niyan. Sure ako.

Habang sinalubong ni Maam Helen at Guia ang bagong dating ay andito lang kami sa tabi nakahanay ang mga kasambahay habang binabati namin ang haligi ng tahanan . Nakayuko kaming lahat habang pumasok sila sir at maam sa loob.

Napanganga ako sa nakita ko. Parang pinagpapawisan ang mga kamay ko. Shit Sobrang gwapo ng driver. Karga-karga nito si Guia at sa isip ko pa lang ay ito na ang daddy ni Guia.

"Daddy, I miss you." Sigaw ni Guia habang pinagpag nito ng halik ang ama. Napalunok ako ng laway... siya pala si Sir Harold. Napangiti at halatang miss na miss ng anak ang ama dahil pinaligoan ng matutunog na halik ang buong mukha ni sir. Niyakap naman ng mahigpit ni Sir ang bata. Nakaka. Touch naman ang ganyang eksina. Hindi ko kasi naranasan ang may matawag akong papa o tatay man lang. Hindi ko alam sinong ama ko kunsabagay. Wala naman akong panahon para hanapin siya.

Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Sir kaya napakurap naman ako at bumaling ng ibang tingin. Naramdaman ko pa ring nakatingin siya sa akin kaya napayuko na lang ako.

'Strike 1. Wag tatanga-tanga baka mag-early resign ka ng wala sa oras.

Wag na wag kang magnanasa sa isang gwapo kung ayaw mong mawalan ng trabaho, Aya. Pangaral ko sa sarili ko. Maraming beses yan sinabi ng kasama ko na ayaw na ayaw ni sir ng mga tatanga-tanga sa trabaho.

Lumapit ako sa mag-ama.

"Welcome home po sir. Ako nga po pala si Aya, ang bagong yaya ni Guia. May ipapasok pa po ba ako sa loob ng bahay sir?" Sabi ko na nakayuko, nahihiya kasi ako. Aakalain pa nitong nagpapa as if close ako agad. Gusto kong matawa sa sinasabi ko dahil sa Aya, yaya, Guia. Nakakatawa kaya.

(Author: anong nakakatawa, Aya?)

"No. Ihanda mo na ang mga gamit ni Guia. I have to rest early." Matabang pa sa matabang na sagot ni sir. Sabi na nga ba eh mahirap amuhin ang ama nito. Attitude na niya. Kung naging babae lang si Sir ay paniguradong maldita ito. Baka matapobre si Sir. Sayang naman. Minus point sa heaven.

"Ok po sir." Kaagad naman akong tumalima para iligpit ang mga gamit ni Guia sa kwarto nito.

"My Ate Aya is mabait. She loves me daddy." Yun ang huli kong narinig sa mag-ama na nasa labas pa rin ng mansyon. Sasama nga pala akong uuwi sa mansion nila at doon ko na itu-turn over ang mga gawaing yaya.

Pagkatapos kong maibaba ang mga gamit namin ni Guia ay ipinakilala ako ng asawa ni Maam Helen na si Sir Vlademir sa hapag. Andaming pagkain kaya ang hinanda ni Maam para sa mag-ama.

"She temporarily babysit Guia for the time being and also she's Nanang Flora's neighbor, babe. Her name's Aya and Aya, my husband Sir Vlademir and Guia's dad, Sir Harold mo. " Yumuko ako at bumati sa kanila.

"How are doing here hija." buong boses na pagtatanong ni sir.

"okay lang po. Masaya naman kasama ang apo po ninyo." sagot ko at pilit itinago ang kaba sa boses ko.

"She's beautiful right?" singit ni Guia at nag-approve naman ang abuelo nito.

"son, for the mean time Aya will be staying in your house for proper turnover to Guia's babysitter that you hired. She'll be staying there 'til Saturday morning. We're done talking about it so I assume there will be no problem at all. So okay, everyone, welcome home babe and son, let's dig in."

Kaya naman pala ang gwapo ni Sir Harold dahil high breed din pala. Kamukha din ni Sir Vlademir si Sir.

Tahimik nga lang si sir Harold. Strong aura kumbaga. Bawal painitin ang ulo dahil hindi mataas ang pasensya nito liban kay Guia siguro at tipid din magsalita si Sir. Yung tipong yung may sense lang ang kaya nitong isagot. No to jokes si Sir. 🚫

Wanted: Nanny (For Edit)Where stories live. Discover now