15

25.7K 610 16
                                    


Aya's POV

Dito na rin sa mansyon kami maghahapunan  Si Guia ay nakaupo lang sa upuan nito na pinasadya pa talaga para mapantay siya sa amin, maliit lang kasing bata pero mabigat at kailangan ko siyang pakainin muna.

"Aya you can join us. Guia can eat on her own food. She's a big girl already. Right Guia? " Yun ang sabi ni Maam Helen.

"Yup mamita. Im a big girl na po. Tito Hector and my Ate Aya will soon have a baby----"

"Guia stop that. You're not allowed to talk to the elders. " Isang salita lang ng ama nito ay tahimik na ang bata. Malungkot itong nagpatuloy sa pagkain.

"Kain ka na. Hindi ka naman naiba sa amin, pamilya ka pa rin kaya wag ka ng mahiya." Sabi ni sir Hector.

"Ah wag na po. Mamaya na po ako. Wag nyo lang po akong intindihin." Sabi ko sa kanila.

"Kain na tayo." Sabi ni Sir at nagpatuloy sila sa pagkain.

"You're a sweet woman, Aya. I would like to know you more, you know, pwede naman akong bibisita sa bahay ng kapatid ko. We can go to adventure park with Guia while Harold is working or out of town. Right? " Sabi  sa akin ni Sir Hector at nginitian ko lang siya.  Pinamulahan na naman ako ng mukha. Nakakakilig kasi tong si Sir Hector eh alam kaagad paano mapauto ang isang babae.

Siyempre dalaga pa rin naman ako nuh at bata pa? Natural lang sa akin ang kiligin kapag pinupuri ng isang gwapong lalaki.

Napansin kong tahimik lang si Sir Harold at natahimik din bigla si Maam Helen na nakatingin kay Sir. Si Vlademir ay sumasang ayon din sa sinasabi ng anak.

"I'm done." Tumayo na si Sir at lumapit sa isang malaking ref at kumuha ng isang bote ng beer. "Faster Guia, we have to go early. Make a haste." At lumabas ito ng dining area.

"May problema ba si Harold ma?" Tanong ni Sir Hector sa ina at nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Hindi ko alam. Alam mo naman yang kapatid mo masyadong tahimik at kapag nagje-jelly. Nagagalit nalang bigla na hindi natin alam ang dahilan." Napa-iling na sagot ni maam Helen at napatingin sa akin na parang may ibig sabihin.

Hindi na ako nag hapunan, dahil pagkatapos kumain ni Guia ay nakakahiya namang paghintayin si Sir e nasa sasakyan na ito. Beast mood na naman ang amo ko. Hindi nito binuksan ng bintana ng sasakyan ang ina na kumakatok; bastos talaga ng ugali nitong si Sir. Buti at natiis yan ni Maam e nuh? Sinusumpong daw yun ang sabi ni Sir Vlademir kaya pagsampa namin ni Guia sa sasakyan ay pinaharurot nito bigla ang sasakyan palabas ng gate.

Maging sa buong byahe ay hindi nagsalita. Hindi na rin nag ingay pa ang anak nito malamang ay natakot sa ama na isip bata.

Pagdating namin sa bahay ay binuhat niya si Guia paakyat sa silid nito dahil tulog na ito. Ano bang problema ni Sir? May nagawa ba akong mali?

"Better fast Aya. We have to talk." Sabi nito at lumabas na ng silid ni Guia.

Pagkatapos kong bihisan si Guia ay naabutan ko si Sir na nakatulala lang habang nakaupo sa mahabang sofa. Nag short na lang ito dahil ugali naman na nito ang naka topless palagi sa bahay at nagpapabida sa tattoo nitong nakakatuksong hawakan.

"Sir."

"Sit."

Umupo ako sa pang-isang sofa.

"Bakit po sir."

"What was that earlier?" Diretsang tanong nito na hindi ko alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Galit ang tono nito at diretso alng tingin nito sa akin.

Wanted: Nanny (For Edit)Where stories live. Discover now