Chapter 5: Confused

35 15 0
                                    


Yue's P.O.V

"Where are you going?" I turned myself and looked at them. Agad ay nakapasok na sila ng kwarto ko without knocking.

"Club. Beatrice invited me" sagot ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a floral off-shoulder and a fitted skirt.

"With that dress?" wika ni Jace at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Jace, we're all girls---"

"Stop lying you kid. I visited the club last week, tumatanggap sila ng lalaki every weekends" nakataas ang kilay na putol ni Jace sa sasabihin ko. Pati sila kuya Lucas at kuya Grae ay nakataas na ang kilay na nakatingin saakin.

I sighed heavily. They really investigated it. Damn. "And it's saturday, baby girl" seryosong wika ni kuya Lucas kaya naman napairap ako.

"You change clothes if you want to attend" wika naman ni kuya Grae.

Napairap ulit ako sa kawalan at walang ganang naghanap ng maisusuot sa closet ko tsaka ko sila pinalayas. Buti naman at hindi na sila umapela pa at hinatid ako sa Primero Club. Ilang beses pa akong binilinan ng tatlo bago ako tuluyang makapasok sa club.

I'm just wearing an off-shoulder at naka-white na pantalon ako. Ako lang ang naiibang damit sakanila. Damn, this is quite embarrassing. "Yue!" sigaw ng isang babae kaya naman napalingon ako doon at napagtantong si Beatrice yon with two girls na kaibigan niya siguro.

Lumapit ako don at nakipagbeso sakaniya. "By the way, this is Sheena and Kyla. My friends" pakilala niya sa dalawang babaeng nasa couch. Tumingin ako sakanila, bumati at nagpakilala. Those two are wearing their dresses at tulad ni beatrice ay maganda din sila.

Ilang oras din ang tinagal namin doon  sa couch bago ako hinila ni Beatrice sa dance floor. Natawa ako dahil sa hataw niyang sumayaw at nakisama pa sila Kyla at Sheena. "Hey" bigla ay may lumapit saaming mga lalaki at nakisayaw.

"I'm Xian" pakilala nung matangkad at naglahad ng kamay saakin habang nakangiti.

Nang hindi ako nakasagot ay si Beatrice ang nagsalita. "She's—"

"She's my girl" narinig ko ang baritono at malamig na boses sa likod ko at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko. Kean Akiro.

"Any problem with my girl?" aniya pa at binigyan ng malamig na tingin ang mga lalaki lalo na si Xian.

"Uh. nothing, Nice meeting you Miss" sagot nung Xian at ngumiti bago tuluyang umalis sa pwesto namin.

Naiilang akong lumayo kay Kean Akiro at hinarap siya. "W-Why did you say that?" tanong ko at inayos ang sarili ko. Wala pang segundo ay nawala na sa paningin ko sila Beatrice.

"They were bothering you" matipid na aniya sa malamig na boses.

"So what?"

"I should be the only one bugging you. No more" matigas na ingles na sabi niya at pinakatitigan ako. Napakurap ako at napaiwas ng tingin dahil sa hindi pagiging komportable sa titig niya. Damn.

"Whatever it is, Akiro" sagot ko na lang at tinalikuran siya pero agad niyang nahila ang kamay ko palapit sakaniya at nasapo niya ang bewang ko.

Napakurap ako sa bilis ng pangyayari. Yakap na niya  ngayon ang bewang ko and when I tried to escape from his arms, mas hinigpitan niya 'yon. "This is the only place I could be with you" bulong niya sa tenga ko na nagbigay ng kilabot saakin. Tinulak ko ang dibdib niya para lumayo siya at di naman ako nabigo, pero kahit ganoon ay nakayakap pa din siya sa bewang ko! I still feel uncomfortable.

ESCAPEWhere stories live. Discover now