Chapter 10: Feelings

26 13 2
                                    


Yue's P.O.V

"YUE! YOU KID, GO FASTER!" napairap ako sa kawalan dahil sa nakakarinding boses ni Jace.

Kinuha ko na ang sling bag ko at inayos ulit ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ko sa sala ay nakakunot na ang noo nila sa'kin. "You'll wear that on school?" ani kuya Grae at pinasadahan ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa.

"Malamang! Alangan namang suotin ko 'to sa pagtulog diba?" singhal ko sakaniya kaya lalong nangunot ang noo nila sa'kin.

It's the formal intrams day. 10 days ang intrams and it is the first day. Hindi ko alam kung bakit 10 days pa pero ayos na din 'yon.

"Change your clothes" kuya Lucas commanded. Napataas ang kilay ko. Tinignan ko ang damit ko— I am wearing a blue offshoulder top na kita ang pusod ko and a highwaisted pants. Nakalugay lang din ang buhok ko.

"You're showing too much skin Yue" wika pa ni Jace at lalo akong pinagkunutan ng noo.

"This is fashion dumbasses, if you don't know" I rolled my eyes after saying that na nagpasinghap naman sakanila.

"That fashion of yours is too sexy babygirl. Change it—"

"We're gonna be late! Ayoko na magpalit" putol ko sa sinasabi ni kuya Lucas kaya naman napataas ang kilay nilang tatlo sa'kin.

Hindi ko na hinintay na sumagot sila, nagmartsa na ako palabas at rinig ko ang mabibilis na yapak nila. Nang marating namin ang parking lot ng mansyon ay may hinagis saakin ang kung sino. Nang tignan ko ay jacket ito. "If you can't change that fucking dress, wear that jacket" seryosong wika ni Jace nang lingunin ko sila.

Napairap na lang ako sa kawalan. Nagsimula na silang pumasok sa kotse at ako naman ay sinuot yung jacket na binigay ni Jace. Malaki ito saakin at halos maging vest na sa haba. Tinignan ko ang sarili ko sa rearview mirror, buti na lang at hindi pangit tignan.

Nang makarating kami sa university, as usual— nagtilian ang mga 'fans' ng mga kapatid ko dahil sa mga porma nila ngayon. They are all wearing a navy blue v-neck shirt at naka-korean vest sila, nakaripped jeans din sila at ang mga rubbers shoes ay pare- parehong red nike shoes. Umirap ako sa kawalan.

"You go to your room, Yue" wika ni kuya Lucas na tinanguan ko na lang sila. Naasiwa pa ako sa suot kong jacket na bigay saakin ni Jace kanina.

Nang makarating ako sa room ay patingin tingin ang mga kaklase ko sa damit ko— specifically sa jacket. "Baka gusto mo na ding kunin?" pagtataray ko kay Beatrice nang mahuli siyang nakatingin sa likod ng suot ko.

"Yah! kung pwede lang! Ohmygod, anong nakasulat?" aniya at hinila ako pagkatapos ay itinalikod sakaniya. "PENDELTON" basa niya at biglang tumili. Napairap ako at hinarap siya.

"If you were not their sister, talagang magseselos ako! Ohmygoood!" aniya at tumili ulit na sinabayan pa ng mga kaklase kong babae. Napairap na lang ako.

Hindi pa ako nakakaupo sa pwesto ko nang bumukas ang pintuan ng classroom at nang tignan ko 'yon ay halos matulala ako— kasabay ng pagtili ng mga kaklase ko ay napatingin saakin si Akiro. He's wearing a plain white v-neck shirt— that defined his chest and black pants. Nakataas pa ang buhok niya— and damn! He's hot!

Napaatras ako kahit alam kong wala na akong maaatrasan nang maglakad siya papalapit sa'kin. Napalunok ako nang makita ko ang paraan ng pagtitig niya. He's staring at me intently— pero madilim iyon. Bumaba ang tingin niya hanggang sa tyan ko. "Why wearing that?" seryosong aniya na nagpakabog ng puso ko. Kinakabahan ako dahil napakaseryoso ng pagkakasabi niya.

ESCAPEWhere stories live. Discover now