2

1.1K 29 0
                                    

"Don't need to rush" - Kwon Hoshi


⬛⬜⬛⬜⬛⬜

Maagang nagising si Soonyoung para ipagluto at ipagplantsa ng uniform ang kanyang pinsan. Sya na rin ang naglaba ng mga ito. Bale lunes hanggan huwebes lang naman ang pasok ni Seungkwan sa kanyang paaralan tapos tuwing merkyules ay wash day nila. Kaya tatlong uniform lang ang nalalaba at naplaplantsa ni Soonyoung sa loob ng isang linggo.

Sa totoong buhay. Ibang iba si Soonyoung kay 'Hoshi'. Oo nga pala, Hoshi na ang kanyang pangalan sa oras na tumungtong na sya sa club. Pasamantala munang mawawala si Soonyoung at napapalitan ito ni Hoshi.

"Soonyoung hyung! Nagabala ka nanaman. Sabi ko naman sayo na kaya ko nang plantsahin yan. Mapapagod ka lang. Pati may trabaho ka mamaya diba? Ako na jan. Mamaya pa naman pasok ko" Salubong sa kanya ni Seungkwan na kakatapos lang maligo.

"Sssshh sssshhh. Magreview ka jan. Nabalitaan ko na may exam daw kayo sa ethics. Ang daming yellow pad na nakadikit sa pader. Mag review ka na" Saway naman sa kanya ni Soonyoung. Wala nang nagawa si Seungkwan kaya sumunod nalang ito sa kanyang pinsan.

Masungit man si Soonyoung pero maaruga naman syang pinsan. Hindi nya rin kase naranasan magkaroon ng kapatid kaya yun kagustuhan nyang magkaroon ng nakakabata sa kanya. Ibinuhos nalang nya sa pagaalaga kay Seungkwan. May tinatago din yan si Soonyoung na pagkamalambing. Sa totoo lang ay mas nakakairita pa si Soonyoung keysa kay Seungkwan pagdating sa lambingan. Masungit man ito pero sobrang lambing nito. Hindi yata to mabubuhay nang hindi niyayakap 

Makalipas ng ilang oras. Natapos na rin ni Soonyoung ang kanyang pinaplantsam. sinama nya narin yun iba nyang daming sa plantsa para hindi na aksaya ng kuryente at mabuti nalang at hindi lumabas ng kwarto si Seungkwan kundi magtataka ito sa mga damit na plinantsa na.

Paano ba naman ay panay mga matitipis na polo na halatang sinusuot ng mga stripper sa club. Kaya minadali nya rin ang pagplaplantsa at buti nalang natapos nya na at natago nya na ito bago pa man lumabas si Seungkwan sa kanyang kwarto.

Pagkalabas Seungkwan, kinuha nya ang uniform na plinantsa ni Soonyoung. Dahan dahan nya itong sinuot na para bang takot itong magusot.

"Soonyoung hyung. Thank you sa plantsa. Pati papasok na ko! Thank you ulit!" Sabi nito at naglakad na papalabas ng bahay.

Kumaway si Soonyoung sa paalis na si Seungkwan kumaway naman pabalik ang nakakabata. Napangiti nalang si Soonyoung.

"Buti nalang masipag magaral si Seungkwan. May future to." Bulong ni Soonyoung sa sarili nya.

Naupo si Sooyoung sa kanilang sofa at nagplaplano na manood ng tv. Kaso pagkaupo na pagkaupo nya. Tumunog ang kanyang telepono na nasa bulsa nya.

May tumatawag.

"Yes po boss?" Bungad na tanong ni Soonyoung.

"Uhhm.. Hoshi we need you here. Dapat si Hao ang nakatoka ngayon, but sabi sakin ni Han. May kumuha daw na customer kagabi sa kanya. Kaya baka mamaya pa sya or bukas na makabalik dito" Sabi ng kanyang boss sa kabilang linya.

"Ahh boss? Si Han po ba kasama ko?" Tanong nito.

"Nope. Si Han ay day off ngayon. Ang makakasama mo sa stage is si Woozi" Nang marinig nya ang pangalan ni Jihoon. May ngisi na nabuo sa kanyang nga labi.

"Ahh sige boss. Challenge accepted po!" Masiglang sinabi ni Soonyoung at pinatay na ang tawag.

✏✏✏✏

"Teka? Wala si Hao?! Ibig sabihin na ako lang magisa ang sasayaw ngayon?" Halatang gulat pa si Jihoon kaya napatanong ito sa kanyang boss.

"Si Hao kase ay nagpumilit na magtoka sya ngayon gabi. Tapos sabi sakin ni Han ay may naglabas daw sa kanya. So expected na natin na mamaya na sya makakabalik dito or bukas" Mahinahon na sinabi ng boss nya.

"So ako lang magisa talaga sasayaw?" Tanong nito.

"Nope. Hindi naman ako papayag na solo diba? So may nahanap na naman ako"

"Sino po boss?"

"Si Hoshi"

Si Hoshi

Hoshi

Hoshi

Hoshi

"Putangina. Ang daming strippers dito sya nanaman kasama ko. Tangina bigla akong kinabahan a. For sure. Matatalo nanaman ako sa lalakeng yon" Bulong ni Jihoon sa sarili nya.

"May sinasabi ka ba Woozi?" Tanong ng boss nya.

"Wala naman po boss. Diba boss mamaya pa naman ang toka namin? Pwede bang umuwi muna ako saglit?" Tanong nito

"Do what you want. Pero bumalik ka on time. Ayokong nagiintay"

"Opo boss."

✏✏✏✏✏

"Jihoonie! Oh? Bakit naman busangot na busangot tong cute kong kapatid?" Bungad ng kuya ni Jihoon pagkauwi nya sa bahay.

"Kuya? Kilala mo si Don?"

"Oh? Sino naman si Don?" Tanong ng kuya nito

"Don mo i-share. Ingay mo kuya e" Bara nya sa kuya nya.

"Hakdog ka. Huwag ka kakain dito. Ako pa naman nagluto ng pagkain natin ngayon!" Halatang nagmamaktol ang boses ng kuya.

"De joke lang Kuya Yoongi. Hehehe." Yakap nya sa kuya nya "Ano ba foods mo?" Tanong neto na parang kumikinang ang mata.

"Pasalamat ka at kapatid kita at mahal na mahal kitang bunso ka. Nagluto ako ng kare-kare tara kain na tayo" Anyaya ng kanyang kuya.

May kapatid si Jihoon at iyon si Min Yoongi sila nalang dalawa ang magkasa sa buhay mula ng iwan sila ng mga magulang nila. Sinubukan nila hanapin iyo pero nabigo rin sila. Sabi sabi daw na nagibang bansa na ito at wala nang balak bumalik. Naiwan sila sa kamay ng kanyang tiyuhin ngunit palagi naman sila nitong sinasaktan ng pisikal. Kaya naisipan nilang umalis ng Daegu at lumipat sa seoul. Medyo nahirapan sila ng una pero dahil nasa tamang edad na si Yoongi, naghanap na sya ng trabaho para mabuhay silang dalawa. Nakahanap ito ng trabaho, song writer sa isang entertainment sa seoul.

Pero si Jihoon? Inililihim nya sa kuya nya na isa syang stripper. Hindi alam ng kuya neto na ang kapatid nya ay nagtratrabaho bilang mananayaw sa isang club. Hindi alam ng kuya nya na malaswa ang ginagawa nito. Habang buhay nalang ata ni Jihoon ililihim iyon sa kuya nya. Ayaw nya, Ayaw nyang kamuhian sya ng kuya nya. Dahil Kuya nya at sya nalang ang magkasama pang habang buhay. Ayaw nya na pati kuya nya ay iwan sya. Takot na sya doon. Mula nang iwan sila ng kanilang magulang.

"Kuya Yoongi. Sorry" Bulong ni Jihoon na tanging sya lang ang nakakarinig.

⬜⬛⬜⬛⬜⬛

A/N

Another updated! Sorry sorry hindi ako makakaupdate sa susunod kase aaaaa midterm na namin. Tapos mag i-ideal cut pa. Hmmmm can't wait to see my babyboiissss. Anyway.  I love you all. Thank you sa pagbabasa ng story na to. Don't worry talaga after midterm at ideal cut mag upupdate ako. Future Veterinarian kase tong si Author e kaya subsob sa pagaaral HAHAHAHA. Love you!!!

Strippers ▶ SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon