Epilogue

689 31 11
                                    

"build a rocket with me
blast it up to the sky
look, we fly so high
yeah so high ah" - Seventeen

⬜⬛⬜⬛⬜⬛⬜

4 Months Later...

"Jihoon!! Ok na yun isang song para kay Baekho! Narecord na sya" Sigaw ng katrabaho nya kay Jihoon

Lumipas ang apat na buwan. Tanggap din sya sa Pledis, kung saan sya nireto ng kuya nya noon. Madali lang ang pinagdaanan nya para makapasok sa company na yon. Nagibigay lang sya ng ilang samples ng mga sinulat nyang kanta at ayon nakapasok na sya.

Isang syang ganap na composer at song writer sa company na yon. Lubos na natuwa ang CEO nila kay Jihoon dahil sa talent na pinapakita nito hindi lang sa pagsusulat ng kanta ganon din sa kanyang boses.

Maganda rin pala ang boses ni Jihoon. Pwedeng pwede nga din syang maging idol dahil sa boses nya. Pero hindi naman pumayag si Jihoon maging idol. Mas gugustuhin nya nalang daw maging composer.

"Thank you bumzu. Si Ren papuntahin mo na rin dito sya na ang next dito sa recording."

"Ok Jihoon!"

Pagkalabas ni Bumzu napasandal nalang si Jihoon sa kanyang swivel chair. Oo masaya sya sa bago nyang trabaho. Hindi nakakapagod, hindi tulad sa dati nyang trabaho na pasayaw sayaw. Dito sa company nakaupo lang sya. Pero puyat naman ang kalaban nya.

Pero kahit na ganon. Masaya naman sya sa ginagawa nya.

"JIHOONIE!!!!" Papikit na sana si Jihoon nang biglang may bumulabog sa kanya.

"JUSKO! CHOI MINKI KELAN KA BA PAPASOK NG STUDIO KO NG TAHIMIK!?" Sigaw ni Jihoon at umayos na sya ng upo.

"Maiinitin talaga lagi ulo mo bes!"

"Pumasok ka na nga sa recording room. Para matapos na agad tayo"

✏✏✏✏✏

"Cause you can touch~ Touch me~" Narinig ni Jihoon mula sa isang studio na nadaanan nya. Hindi sya nagkakamali studio yon ni Bumzu. Pauuwi na din kase sya balak nya sanang pumunta muna sa dance studio para tignan yun mga trainee kaso may narinig sya sa studio ni bumzu.

Kaboses nya si Soonyoung-- Sus! Bakit naman mapupunta yon dito!?

Oo nga pala. After ng confession na ginawa ni Soonyoung kay Jihoon. Hindi na nagparamdam ito sa kanya.

Apat na buwan nya na rin hindi nakikita si Soonyoung. Hindi nya nga alam kung saan ito napadpad. Maski sa dating club na pinagtratrabahuhan nilang dalawa. Wala rin ito.

Hindi naman nya alam ang bahay nito. Wala din naman syanh contact dito. Tangin sa club lang talaga sila nagkikita noon.

Hindi nya napansin na ang tagal nya na palang nakatayo sa tapat ng studio ni Bumzu. Nagising lang ang diwa nya na may dumaan na lalake sa harapan nya.

Hindi nya gaano namukhaan nito dahil balot na balot ang lalake. Pati hindi nya narin ito pinansin. Mukhang nagmamadali pa.

"Oh? Jihoon? Kanina ka pa jan?" Nagulat si Jihoon nang may nagsalita sa likod nya.

"Bumzu. Aatakihin na talaga ako sa puso dahil sayo!"

"Kanina ka pa ba dito?"

"Hindi kakadating ko lang dito"

Strippers ▶ SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon