Chapter 14: Teasing Ralph

155K 2.8K 168
                                    


Geneva's POV

Nakasimangot ako habang nakasakay sa kotse kasama si Ralph at may nagmamaneho sa amin. Papunta kasi kami sa isang event na naman at hindi ko alam kung paano makisalamuha sa mga tao ro'n. Ayaw ko talaga sa mga gano'ng party. Ang formal masyado.

"Stop pouting. You look like an ugly duck."

Napanganga ako sa sinabi niya. Marahas akong bumaling sa kanya.

"Ang pangit mo rin naman."

Napintig ang tainga niya at bumaling din sa akin nang nakakunot ang noo.

"What?"

I rolled my eyes saka nag-cross arms sa harap ng dibdib ko at nag-lean sa upuan. "Ang daya mo kasi. Flight ko ngayon papuntang Australia. Mas gusto ko pang nando'n kaysa umattend na naman ng party na 'yan."

"Have you not been to Australia yet?"

Umiling ako. "Nakapunta na."

"Then why are you making it a big deal? Nakapunta ka naman pala at makapupunta ka pa ulit cause you're an FA. Or you can use our plane and go there if you want to."

Bigla akong napaisip. Oo nga pala may plane pala siya. 'Di ba sabi niya pwede kong gamitin 'yon basta magpaalam lang ako sa kanya? Hmm. Makaisip nga ng mapupuntahan.

"Promise 'yan ha? Pwede kong gamitin ang plane mo?"

Tumango siya.

Napangiti ako nang malapad. May mapapala naman pala ako sa relasyon na 'to.

Pagdating namin sa hotel venue ay agad kaming pinagbinuksan ng valet boy at saka tinulangan akong bumaba ng kotse.

"Thank you," sabi ko rito.

Nauna na si Ralph. Kita mo 'to. Napaka-gentleman talaga. Agad ko siyang hinabol at nilagay ko ang kamay ko palupot sa braso niya na ikinakunot ng noo niya. Lalo pa akong dumikit sa kanya para mas lalong inisin siya.

"'Di ba nga dapat silang maniwala na kasal tayo? Pag nakita nila na ganito tayo ka-close, hindi ka lalapitan ng mga suitor mo." Natawa ako sa naisip na babae na pala ang suitors ngayon. Kay Ralph lang yata nauso ang gano'n.

"What's funny?"

"Wala," sagot ko na hindi niya naman pinansin. Dumeretso na kami sa loob habang hinayaan niya ang kamay kong nakapulupot sa braso niya. Napangiti ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. Ang sarap sa feeling na ganito kami ka-close.

"Mr. Tan, hi!"

Binati kami ng isang lalaki na may kaedaran na. Nakipag-shake hands siya kay Ralph na magaan namang pinaunlakan ng isa.

"This must be your wife?" Tingin nito sa akin. Tumango naman si Ralph.

"Yes, Mr. Brittingham, meet my wife, Geneva."

Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan bago tumingin sa akin. "Nice to meet you, beautiful lady." Sabay ngiti sa akin. "Makasakay nga rin sa plane baka may makita akong ganito kagandang FA," biro nito.

"Nice to meet you rin po."

Tumango siya saka bumaling kay Ralph. "Would you mind joining us for a drink, Mr. Tan?" aya nito kay Ralph na tumingin naman sa akin. "Is that okay with you, Mrs. Tan?"

"Okay lang ako. Sumama ka na sa kanya," sabi ko kay Ralph.

Tumango naman siya. Agad kong tinanggal ang kamay ko na nasa braso niya at hinayaan siyang sumama ro'n sa lalaki.

Okay lang sa akin na maiwanan dito kasi kailangan din naman ni Ralph mag-enjoy dahil palagi namang negosyo ang inaatupag n'on. Minsan lang naman 'to, eh.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon