Chapter 15: Affected

139K 2.2K 35
                                    


Geneva's POV

Hindi umuwi si Ralph kagabi.

Hinintay ko pa naman siya hanggang sa makatulog na ako sa sala. Na-miss ko kasi siyang asarin. Ewan ko ba bakit gusto ko siyang asarin pero ang ending ako ang naaasar dahil dedma naman siya. Ang paghalik ko sa kanya kahapon sa labi niya ay biro lang sana para asarin siya. Baka napikon siya sa ginawa ko kaya hindi siya umuwi?

O kaya baka madami lang siyang ginagawa kaya hindi nakauwi lalo na at tatlong araw din siyang nag-absent dahil sa sumunod siya sa Ilocos. Tama, 'yon nga. Mas magandang isipin na gano'n.

May mga flight ako ngayon pero lahat local lang naman. Meaning, makauuwi ako mamayang gabi rito sa Manila. Bakit natutuwa ako na makauuwi ako? Samantalang dati ay gusto ko pag ina-assign ako sa international flights. Hindi ko nami-miss umuwi kahit matagal pa akong i-assign sa ibang bansa. Iba na siguro ngayon. May asawa na kasi ako.

"Hi, Gen! Magkasama naman pala tayo ulit." Magkasama kami ngayon na kaming dalawa lang na FAs sa isang plane. Hindi naman kasi kailangang madami pag local flights lang.

I smiled at George. "Oo nga. Kumusta ka?"

"Okay lang. Ito masaya dahil nakita kita." He smiled at me.

Namula yata ang pisngi ko pero hindi dahil sa kilig kundi naiilang ako. Nginitian ko na lang siya bilang sagot.

Pumasok na kami sa plane para i-prepare ang lahat ng kailangan sa flight.

Napansin ko na palagi akong tinutulungan ni George. Ayaw kong mag-assume pero feeling ko nagpapalakas ito sa 'kin. Feeling ko lang naman. Pero ang awkward minsan, eh.

Bakit gano'n, dati gusto kong may magkagusto sa 'kin para magka-boyfriend naman ako. Pero ngayon, parang ayaw ko na. Hindi na ako comfortable sa idea na may nagkakagusto sa aking ibang tao maliban na lang kung si Ralph 'yon.

Hanggang sa mag-landing kami at kami na lang dalawa ang naiwan ay lumapit siya sa akin at siya na ang nag-volunteer na itapon ang mga trash na hawak ko.

Sabihin ko kaya sa kanya na may asawa na ako? Pero baka sabihin niya nag-a-assume lang ako at wala naman pala siyang gusto sa 'kin eh di napahiya ako. Pero kasi ang lakas ng kutob ko na meron talaga, eh.

Pagkabalik niya ay ngumiti na naman ulit siya sa akin. "Gutom ka ba? May dala akong pagkain. Madami 'yon."

Ito na talaga. Kailangan ko na siyang tanungin. Bahala nang mapahiya ako basta masabi ko sa kanya nang maaga para magkalinawan na kami. Ayokong matulad sa mga taong paasa para lang habulin ng mga lalaki. Isang lalaki lang, okay na ako. At ngayon, si Ralph lang ang gusto ko.

"George, may itatanong lang sana ako."

Ngumiti na naman siya. "Ano 'yon?" Parang ang saya-saya niya.

"Itatanong ko lang sana kung may gusto ka ba sa 'kin?" nahihiya kong sabi.

Medyo natawa siya at napakamot sa batok. "Halata ba ako masyado?" His two dimples were showing na nagpadagdag sa cuteness niya.

So tama nga ako. Hindi lang 'yon pag-a-assume lang.

"Ahm kasi, George. Pasensya ka na hindi naman sa ayaw kita pero kasi may asawa na ako. Ayokong umasa ka kaya sinabi ko na agad."

Saglit naman siyang natigilan at nawala ang ngiti sa labi niya. Ilang sandali ay ngumiti na naman siya. "Weh? Ayaw mo sa 'kin, 'no? Kaya ka nagjo-joke ng ganyan. Okay lang sa 'kin, Gen. Sanay naman akong nire-reject ng babae. Don't worry, hindi mo ako kailangang gustuhin din. Sapat na sa 'king gusto kita. Wag kang mailang sa 'kin, ha?"

George is really a nice guy. Ang swerte ng kung sinong babae na magkakagusto sa kanya. Mabait kasi siya at masayahin. Halatang napaka-friendly rin.

"Hindi ako nagbibiro. May asawa talaga ako."

He looked at my hand. "Eh bakit wala kang suot na singsing diyan?"

Agad kong tiningnan ang daliri ko saka hinawakan yun at ngumiti sa kanya na nahihiya. "Nakalimutan kong isuot."

Naligo kasi ako kanina kaya hindi ko naibalik. Tinatanggal ko kasi 'yon pag naliligo ako.

"Para sa 'kin, hindi siya gano'n ka-espesyal. Kasi ang mama ko sabi niya, pag lagi mong hindi suot ang singsing, hindi mo gaano kamahal ang asawa mo. Pero pag suot mo ito lagi, parang sinasabi mo sa iba na proud ka na kasal ka na sa taong mahal mo. Gano'n daw 'yon pero siyempre hindi ako sigurado kung tama."

Bigla akong nakaramdam ng guilt. Hindi naman kasi kami nagmamahalan talaga ni Ralph pero gusto ko pa rin ang isipang mag-asawa kami. Proud ako na asawa siya pero ewan ko ba kung mahal ko na ba talaga siya. Pero sa kanya alam kong hindi niya ako mahal.

"Sorry, Gen. Kalimutan mo ang sinabi ko. Ayokong malungkot ka. Smile please?"

Automatic na napangiti ako sa sinabi niya. Hindi lang pala siya friendly, thoughtful din. Para siyang may magic na kaya niyang pasayahin ang mga tao sa paligid niya. Ang lakas kasi ng charm ni George.

"Okay lang," sabi ko.

Ilang sandali ay kumain na kami saka isang oras lang ay balik na naman kami sa Manila. Dalawang beses kaming nagpabalik-balik ng Manila ngayong araw. 4 flights ako lahat today. Maggagabi pa lang nung nakarating ako sa bahay. Hindi na ako sinundo ng driver dahil dala ko yung kotse na bigay ni Ralph. May license na rin ako. Ang bilis nga, eh. Iba talaga pag utos ni Ralph. Lahat naka-expedite.

"Hi, Jinggay, alam mo ba kung uuwi si Ralph ngayon?" bati ko rito pagdating ko sa kusina matapos akong magbihis.

"Hindi po, Ma'am. Hindi niyo po ba alam?"

"Hindi. Kung alam ko sana hindi na ako nagtanong?"

"Hehe sorry, Ma'am. Kayo nga po hindi niyo alam na asawa kayo, ako pa kaya? Alam mo, Ma'am, feeling ko may babae 'yang si Sir."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"'Yon? May babae?" Sabay tawa ko. "Eh hindi nga makatingin sa ibang babae 'yon. At saka ikaw na rin ang nagsabi na kaya niya ako pinakasalan ay para ilayo siya sa mga humahabol sa kanya, 'di ba?"

"Opo sinabi ko po 'yon pero alam niyo naman po ang mga lalaki. Pabago-bago ang disposition sa buhay. Minsan ayaw ng babae, minsan naman gusto rin. Sa pagka-stressful ng trabaho ni Sir, hindi malayong maghahanap 'yon ng babae," she said and laughed.

Pero hindi ko nakuhang tumawa. Isipin pa lang na may babae siya ay parang umiinit na ang ulo ko. Hindi ako papayag pag mangyari 'yon.

"Hindi ko gusto 'yang sinabi mo," seryosong sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya.

Simula no'n, nawala ako sa mood. Mas lalo pa nung hindi na naman umuwi si Ralph. Ayoko talagang i-consider ang sinabi ni Jinggay. Kasi alam ko kung gaano katutok si Ralph sa trabaho niya. Kung lumabas man siya, 'yon ay kasama ang mga kaibigan niya. O baka hindi siya umuwi dahil ayaw niya talaga akong makita dahil sa ginawa ko?

Itinulog ko na lang ang iniisip ko. Ang layo kasi sa katotohanan ng naiisip ko. Baka bukas ng umaga nandiyan na siya. Nagpapa-miss lang 'yon.

Miss Kae 💋

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon