Chapter 17: Her Suspicions

141K 2.1K 32
                                    


Geneva's POV

Malalim akong napabuntonghininga. Katatapos ko lang mag-ayos mula sa lipad namin at tapos na ako ngayong araw.

"Ang lalim, ah. Saan nanggaling 'yon?"

Walang gana akong tumingin kay Cathy na ngayon ay handang makinig sa sasabihin ko. Kanina niya pa siguro napapansin ang lalim ng iniisip ko. Sa buong araw ba naman na magkasama kami sa mga flight.

"Cathy, si Ralph kasi, eh." Napaupo ako sa isang passenger seat dito sa eroplano at umupo rin si Cathy sa tabi ko.

"Oh anong meron sa asawa mo?"

Napakagat labi ako. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pero gusto ko naman ng may pagsasabihan ng iniisip ko at hindi naman na iba sa 'kin si Cathy.

"Feeling ko kasi, Cathy, may babae si Ralph," seryosong sabi ko sa kanya.

Nagulat ako nung tumawa siya. Napansin niya siguro na hindi ako nagpapatawa kaya tumikhim siya at umayos.

"Seryoso ka ba riyan? Teka, nagkakamabutihan na ba kayong dalawa kaya selos na selos ka riyan?" usisa niya sa 'kin.

Umiling ako. "'Yon na nga ang problema. Hindi pa kami maayos talaga pero nanloloko na siya sa 'kin. Ano pang laban ko kung may babae siya? Siguradong talo na ako no'n."

"Wait lang ha? Hindi ko maintindihan, eh. 'Di ba sabi mo noon, pinakasalan ka niya kasi ayaw niya nang may humahabol sa kanya? Eh bakit naman siya papatol ngayon sa iba?"

"'Yon nga ang hindi ko rin masagot. Ang hirap ngang isipin, eh."

"Pero sure ka ba na may babae siya? Paano mo naman nasabi 'yan baka hula mo lang naman?"

Napailing ako. "Kahapon nung naglalaba kami ng damit ni Jinggay, nakita namin na may kiss mark siya sa damit niya. Amoy babae rin ito."

Saglit na natahimik si Cathy at napaisip pa. Parang pinag-iisipan niya nang mabuti ang sinabi ko sa kanya.

"Baka ka-meeting niya lang 'yon na babae? Natural lang naman sa magka-business minsan ang nagbebeso at nagyayakap pag nagkikita o nagpapaalam, 'di ba?"

"Cathy, kung beso lang 'yon, bakit nasa bandang dibdib? Bakit hindi sa pisngi niya? Bakit sa damit? Business meeting pa ba 'yon?"

"Hmm, may point ka." Napahawak siya sa baba at nag-isip ulit. "Alam mo ba kung saan siya nagtatrabaho?" Tumango ako nang nagtataka. "Puntahan mo siya ro'n. Wag mong ipaalam sa kanya. Hulihin mo kung may babae nga siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa suhestiyon niya. Ni minsan ay hindi ko naisip na gawin 'yon.

"Cathy, nagbibiro ka ba? Paano kung magalit 'yon? Saka ayokong may masabi na naman siya at paano kung mali pala ako? Eh di napahiya ako ro'n. Nagbabantay sa wala."

"Kaya nga aalamin, 'di ba? Totoo man o hindi ang hinala mo, at least napatunayan mo para matahimik ka na kaysa tulad ngayon na hindi ka mapakali riyan."

Pinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni Cathy. Nagda-drive ako ng kotse at 'yon ang nasa isip ko. Buti na lang nakapasok ako ng subdivision nang hindi nawala dahil sa kung saan ang isip ko nakaabot. Hindi ko talaga kayang pumunta ng office niya. Well, hindi pa muna ngayon.

Pagdating ko ng bahay ay bumukas ang gate kaya pinasok ko na ang kotse.

Paglabas ko ng kotse ay napansin kong nandito rin ang kotse ni Mommy Dee, ang mom ni Ralph. At tama nga ako nung pumasok ako dahil siya agad ang nabungaran ko.

"Hija, kamusta ka? I missed you!" salubong niya sa akin sabay yakap at halik sa pisngi.

"Okay lang po. Kayo po?"

She smiled at me. Tuwang-tuwa talaga siya na makita ako. "I'm doing good. Halika, nagluto ako ng pagkain. I know pagod na pagod ka sa haba ng flight mo."

Dinala niya ako sa dining at nakahanda na nga roon ang pagkain.

"Ang dami naman po. Salamat."

Ngumiti siya sa 'kin. "Anytime, hija. Pasensya ka na dahil ngayon lang kita napagluto. Tikman mo lahat ng 'yan. Para sa 'yo 'yan."

"Kayo po? Sabayan niyo rin po ako."

Umiling siya. "Hindi na. Kumain na ako. Saka para sa 'yo talaga 'to. Alam ko namang hindi makauuwi ngayon ang anak ko kaya para sa 'yo lahat 'yan. Kumain na rin si Jinggay. Ayun pinagpahinga ko na siya."

Sa lahat ng sinabi niya, ang tungkol kay Ralph lang ang sumagi talaga sa isipan ko.

"Hindi po uuwi si Ralph?"

Tumango siya. "Yes. I called him earlier at 'yon ang sinabi niya. Hindi ba niya sinabi sa 'yo?"

Umiling ako.

"Ang anak ko talagang 'yon. Sinabi nang ipaalam sa 'yo kapag hindi siya makauuwi," napapailing na sabi niya.

Nalungkot ako dahil bumalik na naman sa isip ko ang posibleng rason kung bakit hindi siya makauuwi. Ayaw kong aminin na totoo ang hinala ko pero 'yon ang paulit-ulit kong naiisip. Hindi na yata mawala hanggang sa hindi ko mahanap ang kasagutan.

I looked at Mommy Dee na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Naglakas loob akong sabihin sa kanya ang totoo. Baka matulungan niya ako at sa aming dalawa, siya ang mas may alam ng tungkol sa ginagawa ng anak niya.

"Mommy Dee."

"Yes?"

"I think may babae s-si Ralph." Nahihiya akong sabihin pero kinaya ko rin.

Saglit siyang natigilan. Nagulat pa siya sa sinabi ko. Nung matauhan ay bigla nitong hinawakan ang dalawang kamay ko. "Hija, paano mo naman nasabi 'yan? Nakita mo ba?"

"Hindi po." Umiling ako. "Pero 'yon ang nararamdaman ko. Kailan lang hindi siya nakauwi ng limang araw. Sanay naman po ako ro'n eh. Pero nung napansin kong amoy babae ang damit niya saka may lipstick pa, doon na po ako nagtaka. Tulungan niyo po ako. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi ako matatahimik," I said, more on like pleading her.

Nag-alala siya bigla sa akin saka hinaplos ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "I really like you for my son. As much as possible, I will do everything to keep you both together. Kaya I will help you, dear. Tutulungan kitang alamin kung meron nga ba. But do you think isang beses lang 'yon? I mean, baka minsan nagkayayaan silang magbabarkada. You know men, sometimes they can't resist temptations."

Kahit na minsan pa 'yan, para sa 'kin mali pa rin 'yon lalo na may asawa siyang tao. Pero mas doon talaga ang taya ko sa kung saan may babae talaga siya.

"Sana nga po 'yon lang 'yon. Pero paano kung may iba po talaga siya?"

"Aalamin ko 'yan. For now, do your part as his wife. Make him feel loved and cared para hindi siya maghanap ng iba maliban sa 'yo."

"Paano ko po gagawin 'yon eh ni hindi niya nga po ako kinakausap nang matino?"

Napaisip si Mommy Dee at ilang sandali ay malalim siyang napabuntonghininga. HIndi ko alam kung ano ang nasa isip niya kaya hinintay ko na lang ang sasabihin niya sa 'kin.

"I guess it's up to me to do the job."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

She only smiled at me at agad na tinawag si Jinggay. Hindi ko narinig kung ano ang binulong niya kay Jinggay dahil mahina lang ang pagkakasabi niya.

Kinilabutan ako nung ngumiti nang makahulugan sa 'kin si Jinggay.

"A-Ano pong binabalak niyo?" May kaba sa boses ko.

"Do you trust me?"

Hindi ako agad nakasagot sa tanong ni Mommy Dee. Kung ano-ano ang naiisip ko dahil sa tanong niyang 'yan. Hindi naman niya siguro ako ipahahamak, 'di ba?

Tumango na lang ako. "O-Opo."

Ngumiti siya saka sinabing, "Good. Thank you."

Naiwan akong napaiisip nang malalim. Bakit parang may hindi maganda akong pakiramdam? Bakit parang may darating na bagyo sa sobrang kaba ng nararamdaman ko?

Miss Kae 💋

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon