Prologue

8 0 0
                                    

"If you want to stay in this school, you should follow me."

Kumunot ang noo ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ng mokong na to. Kapal n'ya ah. Sino s'ya? Leader ko ganon?

"Ano? Follow you? Wag na lang 'no!"baka kung ano pa ipagawa neto sakin. Baliw pa naman tong isang to. Aalis na sana ako pero nahawakan n'ya ang braso ko.

"Kahit ipakita ko pa 'to?"itinaas n'ya ang kanang kamay n'ya. He smirk. Sh*t.

"Your deepest secrets are here, baby. Take the offer or not?"sambit nya habang hawak ang isang maliit na box na alam kong naglalaman ng tatlong memory cards.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang ang tingin ko sa box na hawak n'ya.

"What? You're going to steal this from me?"tumawa sya. Kakainis! Arrgh! Ang pangit ng tawa n'ya. Para syang si Gargamel ng 'The Smurfs'. Mas malala pa nga e.

"No. Kahit kunin ko 'yan sa'yo alam kong hundred copies n'yan ang meron ka."inirapan ko sya. Totoo naman kasi e. Baka nga millions pa e. Ganyan s'ya kabaliw! Tumawa sya ng malakas.

"Nice! Alam mo naman pala eh. So you don't have a choice. Will you take my offer or take it?"

Ano raw? Ang gulo talaga ng lalaking to kahit kelan.

Lumapit sya at may ibinulong sakin.

"Be my girlfriend, Ms. Catarina De Chavez."

Nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan. Ang husky ng  boses n'ya.

Teka? Nababaliw na ba s'ya?

"If you think that I'm crazy you're wrong. Just be my girlfriend for atleast three months. I need a help. Pero kung ayaw mo talaga. . ."nilaro nya ang box na hawak n'ya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Oo na! Payag na! I'll be your girlfriend. Pero three months lang ha! And be sure to keep your mouth shut!"itinuro ko 'yung box. He nods.

"Alright! Welcome to our relationship Ms. Catarina! Haha!"at tumawa na s'ya ng tumawa.

Welcome? Kelan pa nagwelcome sa isang relasyon, aber? Pakitanong nga. Tsk. Ga'no ba katindi ang pangangailangan neto at para s'yang t*nga na tuwang tuwa dahil pumayag ako sa offer nya? Aish. Palundag-lundag pang nalalaman. Bahala nga sya. Psycho-_-

Great PretenderWhere stories live. Discover now