Chapter 2

4 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayong araw na 'to dahil sobrang ingay ng nanay ko. Agang aga kung ano ano agad ang dinadakdak.

"Sinasabi ko na nga ba sayo Catarina. Dapat kahapon mo pang binayaran ang ilaw! Ayan naputulan tuloy tayo! Bayaran mo na mamaya ha! Bilis at baka malate ka pa sa school."parang machine gun ang nanay ko diba? Ang aga pa nga e. Umalis na lang ako ng bahay. Nakalimutan ko na pala bayaran yung kuryente kahapon.

"Trina! Sabay na tayo pumasok."sakto namang dumaan si Jin.

"Hi Jin! Kambal mo?"bigla namang sumimangot si Jin. Anyare?

"Ayun may lagnat. Hindi na muna pinapasok ni Mommy."inakbayan ko na lang sya.

"Okay lang yan Jin! Malakas pa sa kabayo yung si Jay! Sigurado akong mamaya naglalaro na yun ng basketball sa may court ng village naten! Haha!"bigla naman syang ngumiti.

"Haha. Oo nga. Gagaling din yun. Masamang damo rin yung isang yun e."

Sabay kaming naglakad ni Jin papunta sa school. Medyo malapit lang naman e. Tsaka maaga pa kaya hindi kami malelate.

Pagkarating namin sa school punong puno ng mga estudyante sa gate.

"Oy ayan na sya."
"She's a slut, right?"
"Ang lakas din ng loob n'yang pumasok."

"Hoy! Ano 'to!?"sigaw ni Jin

(Catarina De Chavez: a 3rd year highschool SLUT student who is flirting with different boys! A take home service is now serve! Just call this number:09*********)

"Sinong nagpagawa ng tarpaulin na 'to?!"sigaw ulit ni Jin. Hinawakan ko s'ya sa balikat.

"Jin tara na. Hayaan mo na yan. Mga taong walang magawa lang ang gumawa nyan."hinila ko na papasok ng gate si Jin. Wala akong pakielam kahit na pinagtitinginan ako ng masama ng iba at sinisipulan ng mga lalake. Alam ko naman kase kung ano ang totoo.

"Bakit tayo umalis dun? I want to punch the f*cking face of the person who did that!"napapatingin kay Jin ang mga taong nadadaanan namin.

"Jin, calm down. Baka pakana na naman 'to ni Trixie. Remember? Ex nya si Clifford kaya hindi malayong gawin n'ya sakin 'to lalo pa't lagi n'ya kaming nakikitang magkasama."paliwanag ko. Wala rin naman akong ibang naiisip na gagawa nito kundi si Trixie lang e.

"Ugh! I hate her! I'll break that f*cking assh*le's face! Wala s'yang karapatan para gawan ka ng ganun no! Binabastos ka tuloy ng ibang estudyante. Inilagay pa nya dun ang number mo! Kapal nya ha!"paghuhurimintado ni Jin. Hindi ko alam pero natatawa ako sa kanya e.

"Parang mas affected ka pa yata saken e ako naman yung ipinahiya dun sa tarpaulin! Haha. Don't worry papalitan ko na lang ang number ko."sabi ko.

"Aba syempre no! Pag inaway ka aawayin ko!"yep! That's my bff! Haha.

"Thank you."niyakap ko sya.

"Aish. Mag-iingat lagi ha. Baka kung ano gawin sayo nyang Trixie na yan e. Humanda talaga sakin yan pag nakita ko."tumawa na lang kami. Masarap din yung may kaibigan na lagi kang ipinagtatanggol. I've proven that.

Nagpunta na kami sa classroom. Mahirap na baka masigawan ni Ma'am. Haha.

"Hindi slut si Catarina! Fake news yun! Gawa gawa lang yun ng isang babaeng inggit na inggit sa bestfriend ko kaya kung ayaw nyong sapakin ko kayo, sa unahan kayo tumingin!"sigaw ni Jin sa mga kaklase namin. Nakita rin siguro nila yung tarpaulin kaya ganun sila tumingin sakin. Kakatakot talaga tong si Jin. Nagtinginan nga sila sa unahan e. Haha. Sakto namang dating ni Ma'am.

"Jin grabe ka naman. Haha."sambit ko at nagtawanan na lang kami at nakinig na sa discussion.










Clifford's POV

"Oy grabe 'yung sa gate kanina 'no? Balita ko nga talagang malandi yung Catarina."hindi ko naman gawain ang makinig sa usapan ng may usapan pero bigla kong narinig ang pangalan ni Catarina.

"Haha. Tama ka. Teka? Nakuha mo ba yung number dun sa tarpaulin?"

Number? Aba.

"Oo. Eto oh!"bigla kong hinablot ang cellphone nya at nakita ko ang tarpaulin na pinag-uusapan nila.

"Saan mo nakuha to? Sinong naglagay nito sa gate? Sagot!"

"Ah.. h..hindi.. po namin alam!"sagot nung isa.

"Ikaw! Mukhang may alam ka ah."sinamaan ko ng tingin at akmang susuntukin ko na nang bigla syang magsalita.

"Si Trixie. S'ya ang naglagay nun kaninang umaga."

"Tss. Sige. Alis na!"nagtakbuhan naman sila palayo.

Anong problema ng babaeng 'yun? Pati naman si Catarina aawayin. Matagal na kaming wala pero para s'yang superglue na hindi maalis sa buhay ko. Tss.

Teka? Number ba talaga yun ni Catarina? Sayang di ko nakuha. Psh. Nevermind.

"Bro!"inakbayan ako bigla ni Lawrence. Nasa likod nya si Liam.

"Asan si Jay?"tanong ko.

"Nilalagnat. Hindi ko nga alam kung totoo o nagpapalusot lang yun para makapaglaro ng PS3. Haha!"kala nyo lang tahimik at matino tong si Liam pero hindi talaga. Puro kalokohan din to.

"Grabe ka sa kaibigan natin! Hindi naman ganun kaloko si Jay. Tara na lang magcutting at puntahan si Jay sa bahay nila."binatukan ko nga.

"Isa ka pa Lawrence e! Nagtitino kami rito tapos magpapakaB.I. ka dyan! Tara na nga!"umuna na ako sa paglalakad dahil alam kong kapag yung dalawa ang nauna baka kung saan pa ako mapunta.

Pagkarating namin sa room ay walang tao.

"Ano yun? Tayo ang kauna-unahang pumasok?"bungad ni Liam.

Imposible naman yata yun.

"Ibang klase rin ah! Bago to! Tara magfacebook live para naman may witness tayo sa nangyayaring 'to. Haha."biro ni Lawrence at inilabas nga ang cellphone nya.

"Itigil mo nga yan! Parang may mali."saway ko kay Lawrence. Sakto namang dumating yung isa kong kaklase.

"Dino, nasan ang mga kakase natin?"tanong ni Liam.

"Baka nasa swimming area. May nag-aaway ata dun ngayon e. Teka, sa pagkakaalam ko si Trixie yung isa dun tapos Carina or something yung kaaway nya. Puntahan nyo baka abutan nyo pa."pagkasabi nya nun ay agad kaming tumakbo papuntang swimming area.

Sh*t. Ano na namang kagaguhan 'to?

Dali-dali kaming pumasok at itinulak ang mga estudyanteng nakaharang. Wala na akong pakielam kahit na pawisan at hingal na ako.

"Aaah!! *splash* Tama--(cough) aah!*splash* Wa--*splash* Nal--(cough) aaah!! *splash*"

Naabutan naming nag-aaway sina Trixie at Catarina sa swimming pool. Hindi na sya makahinga. Hawak sya ni Trixie sa buhok at sinasabunutan sya nito habang paulit ulit na inilulubog sa tubig. Swimmer si Trixie kaya alam kong kaya nya ang lalim ng tubig pero si Catarina.

"TRIXIE!!!!! STOP THIS! IF YOU WILL NOT, YOU'RE GOING TO REGRET THIS!"

Natigilan si Trixie sa sigaw ko. Tumingin s'ya sakin.

"WISH GRANTED PRINCE OF MY LIFE! HAHAHA!"sigaw nya at binitawan si Catarina dahilan para lumubog ito. Naglangoy s'ya palayo.

Agad akong tumalon para iligtas si Catarina pero pag-ahon namin wala na s'yang malay.

"Give him a CPR, bro!"sigaw ni Lawrence.

Natataranta ako. Hindi ako marunong mag-CPR.

"Anong gagawin ko!?"hindi na ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin.

"Ako na."agad akong hinila ni Liam at s'ya ang nag-CPR kay Catarina.

Parang may kung ano akong naramdaman. Tss. Wala lang 'to.

"I'll change in the restroom. Kayo muna bahala d'yan."bigla na lang akong nainis at hindi ko alam kung bakit.

Umalis na lang ako at pumunta na sa locker room para kunin ang extra shirt ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Great PretenderWhere stories live. Discover now