Chapter 1

2 0 0
                                    

"Ms. Catarina De Chavez, why are you late?!"sigaw ng teacher kong ubod ng kasungitan. Pinaglihi ata sya sa maasim na sampalok e.

"Ma'am, sorry po."at ako naman 'tong parang b*bo na payuko-yuko pa. Wala e. Kelangan ng manners, hehe. Bait baitan.

"This is your third time Ms. De Chavez! Next time you'll be in detention office! Understood?!"sigaw nya ulit.

"Yes, Ma'am."sagot ko.

"Take your seat. Let's continue the discussion."

Umupo na ako sa upuan ko. 'Bakit kaya wala pa sina Jin at Jay? Ngayon lang sila nalate ha kung sakali.'

"Ms. De Chavez!"

Nakatulala ako nang biglang sumigaw si Ma'am. Kanina pa yata akong tinatawag. Para syang dragon na galit na galit saken e. Problema ba nya saken?

"Someone is looking for you!"

Aynako. Lagi na lang pagalit si Ma'am. Hindi kaya maputol ang litid n'ya sa lagi nyang pagsigaw? Sino naman kayang naghahanap sakin?

Paglabas ko ng room parang gusto ko na lang ulit pumasok sa loob.

"Anong kelangan?"pagtataray ko.

"Tss. Ganyan mo ba itatrato ang BOYFRIEND mo?"

Anong drama ng isang 'to?

"Tumigil ka nga! Pumasok ka na sa room mo at mag-aral ka hindi 'yung kung saan saan ka napunta. Lakad! Bilis! Tsupe!"tinulak tulak ko pa sya para effective.

"You have no right to push me away you ugly morcon."

Anak ng!?

"What?! Morcon ka dyan! At bakit naman aber?"pakiramdam ko pulang pula na ako sa galit.

"You have no shape. You're flat from the bottom to top and also the side. I'll go to my class, bye!"sabay kindat. Anak ng?! Ano raw!? Flat? Supalpal ko sa kanya 'to e! Pumunta lang dito para mang-inis! Kaasar!

Pagkapasok ko sa loob nawala na si Ma'am. Study period na. Aish. Wala akong magawa. Asan ba kasi yung kambal na 'yun?

"Looking for me?"

"Waaaah! Jin! Namiss kita. Haha! Bakit ngayon ka lang? Asan si Jay?"niyakap ko si Jin tapos naupo na sya sa tabi ko.

"Ayun kausap si Kuya Clifford. Yiiieee. Pinuntahan ka n'ya no?"sinundot sundot pa ang tagiliran ko.

"Yuck! Kadiri kaya yung isang yun! Bahala sya sa buhay n'ya!"naalala ko na naman yung sinabi nya about my ahm nevermind.

"Yiiiieeeee...."

"Aish. Hindi ko yun crush. Hindi ko nga alam dun e lagi na lang akong nilapitan. Baka ikaw ang may crush dun ha? Yiiieee... aminin. Hahaha!"bigla namang nagtakip ng bibig.

"Yung Kuya nya ang crush ko. Haha!"nagblush sya bigla.

"Si Kuya Brix? Haha! May girlfriend na 'yun Bebe Jin e. Kay Liam ka na lang. Yiiieeee.."at sinundot sundot ko ang tagiliran nya. Haha. Ayy nagbablush sya. Ang cute.

By the way, I am a 3rd year highschool student sa St. Heinley Academy. Si Jin Seong at Jay Seong ang mga bestfriend ko. Kambal sila. Their father is a Korean and their mom is a Filipino. Dito sila sa Pilipinas lumaki kaya marunong sila magtagalog. Astig nga netong dalawang to e. Member sila ng sikat na banda sa school namin.

At bago ko makalimutan, yung mokong na kausap ko kanina ay si Clifford Monteverde. Sikat yun dito sa school hindi lang halata. Isa syang mayabang, arogante, iresponsable, mayabang at mayabang ulet na nilalang dito sa school! Sya lang naman ang leader ng bandang kinabibilangan nina Jin at Jay. Sobrang yabang nya. Yun lang ang masasabi ko. Pati naman ako kinontrata para maging girlfriend nya! Lahat na lang ng babae nilandi. Tsk tsk.

Great PretenderWhere stories live. Discover now