Wattpad Original
There are 5 more free parts

Kabanata 1

438K 9.3K 859
                                    

1 year after...

"Last Hermes..." Nakataas ang kilay ni Monroe habang ibinibigay kay Princess ang huli niyang Hermes Birkin. She bought that for 15 million and used it only once, now, she's selling it for only ten million. Good deal na ito para sa cheap na kagaya ni Princess, ang kanyang ex-bestfriend slash former slave since kindergarten. She traced her hands at the diamond-studded hardware of her Birkin. She used to be the only one who had this in the society circle that she's in; tiyak na mami-miss niya ang bag.

Gusto niyang hiklatin ang leeg ng prinsesa ng mga retokada na si Princess habang nanunuya ang mga mata nitong tinitingnan siya sa ginagawang goodbye touch sa kanyang Birkin. Naglalaway pa rin siya doon. She would buy the exact bag once she's liquid. Makabangon lang talaga siya!

"You don't need to do this, Monroe," bulong sa kanya ni Rosh, ang natira sa mga fake niyang kaibigan. She might be a little bit true after all. Pupwede na, wala naman siyang choice. Sinamaan niya ng tingin ito at pinaikot ang kanyang mga mata. Napangiwi si Rosh sa ginawa niya.

No need to do this, my ass!

Kung pupwede lang na hayagang ibenta niya ang puri niya gagawin niya. But she received a bad reputation for being a brat. Kahit ata ang langaw, napapaatras na dapuan siya. Kaya nga never siyang natakot sa ipis dahil sa talim ng tingin niya, manghihina ang pakpak nito. Akala niya ay bubuti ang sitwasyon ng kaniyang pamilya pero mas lalong lumala iyon paglipas ng isang taon. Naubos na ang gamit sa kanilang tahanan, at wala na silang mga sasakyan.

Mother of b*tch! Hindi niya ata kakayaning matulog sa lansangan at maging pulubi. Monroe Contessa Gomez was not fit for the streets. Oh my God, masasayang ang beauty drip session niya every week pati ang whole body waxing niya kung kakagatin siya ng lamok. And how about her Keto diet? Paano niya maa-afford ang bumili ng karne para kainin? Kahit ang sili nga, napakamahal na.

Goodness gracious, that cannot happen, Monroe!

"Hindi ba nangangati ang balat mo sa Prada? Your bag, it looks so—basic." Makapal ang boses ni Princess at talagang ipinarinig pa ang sinasabi sa mga tao sa backstage na abala sa magaganap na fashion show kung saan isa siya sa mga modelo.

Tama, nasa gitna siya ng trabaho at nakikipagtransaksyon na parang matter of life and death situation.

Isiningit niya lang ang pakikipag-usap kay Princess dahil sinabi nitong kung hindi siya papayag sa oras na gusto nitong makipagkita, hindi na nito bibilhin ang Hermes. Wala siyang choice kung hindi sumunod sa demands ng walang kwenta niyang buyer dahil kailangan niyang i-convert sa pera ang kanyang Hermes, real quick.

"Sabagay, at least hindi fake ang Prada mo," dugtong pa ng mahaderang ex-bestfriend niya. Biglang lumaki ang mga mata nito at napa-'o' ang labi na napinturahan ng MAC Candy Yumyum na neon pink. Akala ata nito ay bagay sa skin tone niya ang gano'n. "Don't tell me that it is fake. Saan ka nga naman kukuha ng thirty thousand para gastusin sa isang bag? Prada. Poor little girl. I am sure you miss Chanel."

Ang bruha! Ginagantihan siya sa pagiging basher! Hindi naman bagay!

Siya ang tunay na Queen Bee! Second rate lang ang lahat ng alagad niya simula kinder! She lost count how many were they praising her, almost kissing her feet. She loved power and control—she could not help it. Her father gave her such authority for being the eldest and the only daughter. Brat, some would say, but to her, that's entitlement for being beautiful. Kung mayaman ka pero pangit ka, hindi ka kailanman magkakaroon ng korona. So everyone should do their best to be beautiful and stay that way. Beauty, it is workable. May maswerte nga lang na kagaya niya na ipinanganak na maganda.

Temptation Island: Cruel IntentionsWhere stories live. Discover now